257 total views
Patuluyin sa puso si Hesus sa pamamagitan ng pagpapadama ng pag-ibig ng diyos sa mga mahihirap, mga nagugutom, walang tahanan, at mga nasa bilangguan.
Ito ang panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mananampalataya kasabay na rin ng pagbabasbas sa bagong kapilya ng National University Nazareth School sa Sampaloc Manila.
Sa pagninilay ng arsobispo, binigyang diin din nito ang kahalagahan ng pag-uwi sa panginoon sa pamamagitan ng pagpunta sa bahay dalanginan.
Paliwanag pa ng kardinal, ang tahanan ng Panginoon ay nagbibigay kapahingahan sa pagal na puso at isipan ng sinumang dudulog sa Diyos.
Giit ni Cardinal sa gitna ng magulong pag-iisip ng mga mag-aaral, guro, o iba pang mga empleyado ng paaralan ay malaki ang maitutulong ng pagpunta sa kapilya upang dito manalangin at lumapit sa Diyos.
“When you find life burdensome, come here. Jesus wants to enter your heart, your home, and you will find rest. Do not leave this place empty for the once who lives here will fill your hearts,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Sa huli, hinimok ng Cardinal ang mga mananampalataya, lalo na ang mga kabataan na ibahagi rin ang kanilang matatamong kapahingahan mula sa panginoon.
Una na ring binigyan tuon ng Department of Health ang isyu ng depression na naitala sa 3.3 milyon Filipino ang may deppressive disorders.
Ayon pa sa ulat, sa Filipinas may 2 kababaihan at isang lalaki sa bawat isang daang libo ang nagpapatiwakal dulot ng depresyon.