Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hanggang kailan tayo mamamaluktot?

SHARE THE TRUTH

 356 total views

Mga Kapanalig, may kasabihan tayong mga Pilipino na kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot. Nangangahulugan itong kailangan nating maging masinop sa ating pera at maghinay-hinay sa ating paggastos. Magandang katangian ito, ngunit paano naman kung hindi na natin mabili maging ang mga pangunahing pangangailangan natin kahit ano pang paghihigpit ng sinturon ang gawin natin? Hanggang kailan tayo mamamaluktot?

Patuloy nating nararanasan—lalo na ng mahihirap nating kababayan—ang matinding epekto ng mabilis na pagtaas na presyo ng mga bilihin. Nitong Setyembre, umabot sa 6.7% ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Ang nakababahala pa, mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng pagkain at transportasyon. Ang presyo ng pagkain at mga inuming di-nakalalasing ay umakyat nang mas mabilis kaysa sa ibang produkto—9.7%. Samantala, umabot naman sa 8% ang inflation rate sa transportasyon. Hindi rin pantay-pantay ang nararanasang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ng mga Pilipino sa iba’t ibang lugar. Kung 6.3% ang inflation rate dito sa Metro Manila, umabot naman ito ng 10.1% sa Bicol at 9% sa ARMM, mga rehiyong mataas ang antas ng kahirapan. Kung inflation sa presyo ng bigas ang pag-uusapan, pumalo ito nang mahigit 10% sa Ilocos Region, Bicol, at Zamboanga Peninsula.

Kaya naman, hindi na nakapagtataka ang resulta ng pinakahuling survey na ginawa ng Social Weather Stations o SWS kung saan lumabas na 3 sa 10 Pilipino o 31% na lamang ang naniniwalang gaganda ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa. Malayo na ito sa 60% noong nagsimula ang panunungkulan ni Pangulong Duterte. Mas marami na rin ang nagsabing mahirap sila. Mula 48% noong Hunyo, ang tinatawag na self-rated poverty ay umakyat sa 52%, na katumbas ng 12.2 milyong pamilya.

Maraming dahilan kung bakit tayo nasa ganitong kalagayan ngayon, kabilang ang mga nangyayari sa labas ng ating bansa na nakaapekto sa ating ekonomiya gaya ng pagtaas ng halaga ng langis sa world market at paghina ng halaga ng piso. Gayunman, mas malaki ang epekto ng mga patakarang ipinatutupad ngayon dito sa atin, gaya ng mas mataas na excise tax sa inaangkat nating produktong petrolyo. At kung mataas ang presyo ng petrolyo, tiyak na magmamahal ang mga bilihin. Hindi rin nakatutulong ang mabagal na pagtugon ng pamahalaan sa isyu ng kakulangan ng suplay ng bigas, na nagdulot naman ng pananamantala ng mga negosyante. Nangyayari ang lahat ng ito ngayong ipinatutupad na ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act o TRAIN, kaya’t may mga nagsasabing “wrong timing” ang pagsasabatas nito.

Hindi naman natin inaasahan ang pamahalaang matutugunan ang ugat ng problema ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa loob lamang ilang araw o ilang buwan. Ngunit sa halip na tanggaping may problemang kinakaharap ang ating ekonomiya at agapan ang sitwasyon bago pa ito mas lumalâ, nakikita natin ang ating mga lider na pamumulitika at paninira sa kanilang mga kritiko ang inaatupag.

Sa mga panlipunang turo ng Simbahan, binibigyang-diin ang tungkulin ng pamahalaan sa pagtiyak sa kabutihan ng lahat o ang common good. Nakaatang din sa pamahalaan ang paggabay sa mga mamamayan upang magampanan natin ang ating tungkulin sa iba at sa bayan. Bagamat dapat panatilihing maliit ang papel ng pamahalaan sa mga bagay na kayang tugunan ng mga mamamayan, batay na rin sa prinsipyo ng subsidiarity, hindi dapat maging pabayâ ang pamahalaan sa malalaking isyung katulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mabagal na paglago ng ekonomiya.

Kaya mga Kapanalig, hindi paglalabis ang hilingin sa ating mga lider na tutukan nila ang ating ekonomiya. Marapat lamang na pagsikapan nilang tutukan ang mga isyung ‘ika nga’y malapit sa ating sikmura. Maraming solusyon ngunit ang aksyon ay dapat nang gawin ngayon.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 26,539 total views

 26,539 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,195 total views

 41,195 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,310 total views

 51,310 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 60,887 total views

 60,887 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,876 total views

 80,876 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 26,540 total views

 26,540 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 41,196 total views

 41,196 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 51,311 total views

 51,311 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 60,888 total views

 60,888 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,877 total views

 80,877 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,349 total views

 48,349 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,374 total views

 43,374 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,943 total views

 46,943 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,398 total views

 59,398 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,465 total views

 70,465 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,784 total views

 76,784 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,395 total views

 81,395 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,955 total views

 82,955 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,516 total views

 48,516 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,389 total views

 69,389 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top