541 total views
Pinalawig pa ng Simbahang Katolika ang pagtulong sa mahihirap.
Ayon kay Florinda Lacanlalay, national coordinator ng Hapagasa feeding program ng Archdiocese of Manila, maliban sa mga batang pinapakain nila araw-araw sa loob ng anim na buwan upang sila ay maging malusog, nagpapakain na rin sila ng mga biktima ng ibat-ibang kalamidad.
Pinakahuli ang pagtulong nila sa mga biktima ng El Nino gaya ng mga magsasaka sa archdiocese of Cotabato, diocese of Marbel at Bukidnon.
“Ang programa ng Hapag-asa ay nag-evolve na rin, feeding program lang noon na tumutulong at magbigay ng pagkain sa nangangailangan pero may time na may mga disasters na tumutulong din ang programa like ‘yung naging malakihang epekto ng drought sa Mindanao so nagpadala tayo ng pagkain sa Archdiocese ng Cotabato para itulong sa mga farmers at pamilya nila pati sa Maguindanao, Bukidnon kasama ang diocese of Marbel so yun po ang maliit na naiiambag ng programa.” Pahayag ni Lacanlalay sa panayam ng Radyo Veritas.
Layunin ng Hapagasa na matugunan ang kagutuman sa bansa lalo na sa mga bata upang sila ay masagip mula sa malnutrisyon.
Ayon pa kay Lacanlalay, katuwang din nila ang Department of Education dahil sa pinasok na rin nila ang mga pampublikong paaralan at mga daycare na halos wala ng pondo para sa kanilang soup kitchen.
“Naglalayon na mapakain ang ating mga kabatan na 0 to 12 yrs old na tugunan ang problema ng kagutuman at malnutrisyon, tumutulong kami thru Church lalo na at naipapadala ang pagkain sa kanila, tumutulong din ang hapagasa sa mga paralaan, ang school feeding programa ng DepEd pumapasok ang programa sa mga eskuwlekahan na hindi na kayang bigyan ng budget, katulong din tayo ng Deped , ganun din sa mga day care, pagtutulungan ang nangyayari.” Ayon pa kay Lacanlalay.
Mahigit na sa 1. 2 milyon ang mga batang may gulang 12 pababa ang napakain ng Hapag-asa feeding program