Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 77,397 total views

Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya tayong pakinggan at kumilos para makamit nila ang katarungan. Sabi nga sa Mga Awit 82:3: “Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila, at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.”

Ilang linggo matapos ang pag-aresto at pagdala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, kaliwa’t kanang patutsadahan ang ginawa ng mga pabor at hindi pabor sa kanyang pag-aresto. Mistulang teleserye ang bangayan ng dalawang political dynasties na sangkot: ang mga Marcos at ang mga Duterte.

Sa ginawang hearing kamakailan ni Senadora Imee Marcos tungkol sa aniya’y iligal na pag-aresto sa dating pangulo, may mga nagsasabing mas nangibabaw ang pamumulitika niya at ni Senador Alan Peter Cayetano. Naging target nila ang mga miyembro ng gabinete katulad nila Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, Interior Secretary Jonvic Remulla, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at CIDG Director Police Major General Nicolas Torre III. 

Sa kabila ng sigalot ng magkabilang kampo ay ang paglimot naman sa mga pamilyang naging biktima ng marahas na war on drugs ng nakaraang administrasyong Duterte. Masalimuot at mailap ang katarungan para sa mga biktima. Inamin ni DOJ Secretary Remulla na nahihirapang makamit ng mga biktima ang hustisya dahil 95% ng mga kaso ng extrajudicial killings (o EJK) ay kulang sa police reports na pangunahing ebidensya ng mga kaso. Gaya ng binanggit natin sa isang editoryal, nagsisimula na ang mga hakbang sa paggawad ng katarungan kasunod ng pagkakaaresto sa dating pangulo. Igalang na dapat natin ito.

Alinsunod sa pag-usad ng kaso ay binuksan na ng ICC Pre-Trial Chamber ang Court Registry upang bigyang pagkakataon ang mga biktima na maging bahagi ng pagdinig sa kasong crimes against humanity na kinakaharap ni dating Pangulong Duterte. Inihahanda na ang mga biktima para sa mga proseso ng pagbibigay ng testimonya at paglalatag ng ebidensya laban sa dating pangulo.

Masasabi nating sang-ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang hakbang na ito ng ICC, ng pamahalaan, at ng mga grupong sumusuporta sa mga biktima para mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilya nilang makipagtulungan upang makamit ang hustisya. Ayon kay Pope John XXIII, pangunahing tungkulin ng mga awtoridad, katulad ng pamahalaan at mga institusyong legal, na kilalanin at protektahan ang mga karapatan ng bawat indibidwal. Kaya nararapat lamang na suportahan at makiisa ang pamahalaan at ang ICC dahil ito ang kanilang tungkulin sa mga pamilya ng mga biktima.

Sa yugtong ito sa pagkamit ng hustisya, huwag tayong magbingi-bingihan sa iyak ng mga biktima ng walang habas na pagpatay. Hindi sana tayo madaráng sa sakim na hidwaan ng mga nagbabanggaang angkan sa pulitika. Ang pagpapanagot sa mga mapang-abusong opisyal ay hindi pamumulitika. Ang pagpapanagot sa mga nagkasala sa Diyos at batas ay hindi pang-aapi sa kanilang pagkatao’t mga karapatan. Ang maliliit na hakbang na mayroon ngayon ay tungo sa pagpapairal ng pananagutan, katarungan, at mga karapatan ng mga biktima ng karumal-dumal na pagpatay noong war on drugs. 

Mga Kapanalig, ang kwentong masalimuot na ito para sa katarungan ay tungkol sa libu-libong biktima ng EJK, katulad nila Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz. Sila ang dapat na binibigyang-pansin dahil sila ang mga walang habas na pinaslang, walang tamang paghatol, walang wastong proseso. Dinggin natin ang kanilang tinig sa pamamagitan ng pagkilala sa pagmakit ng katarungan sa pamamagitan ng proseso ng batas. Dinggin din natin ang hapis ng kanilang mga pamilya nang hindi na tayo maging manhid sa pang-aabuso at pang-aapi ng mga iniluluklok natin sa poder.

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 3,882 total views

 3,882 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 20,594 total views

 20,594 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 24,703 total views

 24,703 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Kagutuman

 41,255 total views

 41,255 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 62,354 total views

 62,354 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 3,883 total views

 3,883 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 20,595 total views

 20,595 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 24,704 total views

 24,704 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 41,256 total views

 41,256 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 62,355 total views

 62,355 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 70,508 total views

 70,508 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 81,813 total views

 81,813 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 91,812 total views

 91,812 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 98,749 total views

 98,749 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 107,989 total views

 107,989 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 141,437 total views

 141,437 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 92,308 total views

 92,308 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sagot ang pag-unfriend

 103,727 total views

 103,727 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungang abot-kamay

 107,077 total views

 107,077 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Truth Vs Power

 114,098 total views

 114,098 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top