179 total views
Hayaang mapawalang bisa ang Martial Law sa Mindanao hanggang sa ika-31 ng Disyembre ng kasalukuyang taon.
“If it is until December, then let the military do their work,” ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.
Ang pahayag nang Arsobispo ay kaugnay na rin umiiral na Martial Law sa buong Mindanao sa kabila ng pagtatapos ng digmaan sa Marawi City- na siyang pangunahing dahilan nang deklarasyon.
“Mahirap talaga kapag nandito kayo sa war-torn area. Then you will understand deeper, why?,” paliwanag ng Obispo.
Bago maitalagang Arsobispo ng Ozamis ay 33-taong naging Obispo ng Prelatura de Basilan si Archbishop Jumoad kung saan marami rin ang mga insidente ng kaguluhan at presensya ng iba’t ibang rebeldeng grupo.
Paliwanag ng Arsobispo, nagkaroon na nang iisang tinig ang mga Obispo sa Mindanao nang ideklara ng Pangulong Rodrigo Duterte at palawigin ang Martial Law dahil sa digmaan sa ilang bahagi ng rehiyon.
“But we have already our position when Martial Law was declared, then there was no vehement objections coming from other bishops of Mindanao,” ayon kay Archbishop Jumoad.
Natapos ang digmaan sa Marawi City nang mapatay ang mga lider ng Maute-Isis terrorist na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
Higit naman sa P50-bilyon ang kinakailangang pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City dahil sa lawak ng pinsalang dulot ng digmaan.
Sa isang mensahe ni Pope Francis binigyan diin nito na walang nagwawagi sa digmaan sa halip ito ay nagdudulot ng pagkasira hindi lamang ng buhay kundi ang kabuhayan ng mamamayan kung saan may nagaganap na kaguluhan.