81,524 total views
Here we go again!
Ang pahayag na “heads will roll” ay gasgas na Kapanalig. Malinit natin itong naririnig at napapanood sa tuwing mayroong kapalpakang ginawa ang alinmang sangay ng gobyerno lalu sa mga kontrobersiyal na pagkakamali ng isang opisyal ng pamahalaan.
Well, gaano kaya katotoo ang pahayag na ito na mula mismo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.? Mayroon kayang mapaparusahan, mayroon kayang makakasuhan? O kaya tulad ng nakasanayan, sisibakin lang puwesto ang mga pipitsuging opisyal na sangkot sa kapalpakan?
Kapanalig, noong February 27, 2025 nangyari ang hindi na nakakagulat na pagguho ng bagong bukas na 1.2-bilyong pisong Cabagan-Sta.Maria bridge sa lalawigan ng Isabela. Gumuho ang 990-metrong tulay na mayroong 12 arch bridges at nine spans of pre-stressed concrete girders na ginawa ng R.R. Interior Jr.construction na sinimulan ang construction noong Novmber 2024 at pormal na binuksan noong February 1,2025,
Anong nangyari? Bakit gumuho? Ang nakakalungkot, anim ang nasugatan, isa ang nawawala at apat na sasakyan ang nawasak na kinabibilangan ng isang dumptruck ang nawasak sa pagguho. Ang nakakatawa Kapanalig, gumuho ang tulay dahil daw sa pagdaan ng isang dumptruck na mayroong karga na 102-toneladang bato. Nagawa pang isisi sa sinasabing overloaded na drumptruck ang pagguho ng bilyong pisong tulay? Anong nangyare sa DPWH Region 2? Bakit hindi panagutin sa kapalpakan at pagsasayang ng pera ng bayan ang construction company na nag-construct ng proyekto? Siempre Kapanalig, Malaki din ang pananagutan ng DPWH dito.. Sila ang dapat na tumiyak na sumunod ang contractor sa standard operating procedure…Dapat tiniyak ng DPWH na hindi sub-standard ang materyales na ginamit sa proyekto. Sa halip, nagtuturuan na naman kung sino ang sisihin at mananagot sa kapalpakan. Hindi dapat mangyayari ang pagguho ng tulay kung walang nangyaring katiwalian at corruptions.
Kapanalig, ang DPWH ay notoryos na sa kapalpakan pagdating sa infrastructure projects. Ang pinakahuli ay ang 3.17-kilometrong Panguil Bay bridge project sa kokonekat sa Tangub Misamis Occidental at Tubod Lanao del Norte na nagkakahalaga ng 7.3-bilyong piso. Ito ang sinasabing pinakamahabang tulay sa Mindanao, ngunit noong binuksan puno ng potholes ang gitna ng tulay. Nasaan na ang accountability at kahihiyan ng mga sangkot sa palpak na proyekto?
Ano ang dahilan ng pagguho ng tulay? Ito ang inaalam ng National Bureau of Investigation at DPWH sa kasalukuyan. Ang tanong? Bakit involve ang DPWH sa imbestigasyon? Ang ahensiya ay kasama sa proyekto… Alam mo na Kapanalig ang mangyayari? Nangangamoy whitewash na naman. Maging ang Senado ay iimbestigahan na rin ang dahilan ng pagguho ng Cabagan-Sta.Maria bridge. Manalig tayo sa sinasabing “heads will roll” at mayroong mapaparusahan sa trahedya at pagsasayang ng pera ng taumbayan. Napapanahon na siguro Kapanalig na magkaroon ng subject na corruption sa high school at kolehiyo.. Corruption 101…Corruption 102?
Sinasabi sa “Peter 5:2 “Be shepherds of God’s flock that is under your care, watching over them—not because you must, but because you are willing, as God wants you to be; not pursuing dishonest gain, but eager to serve.”
Itinuturo din sa Galatians 6:1 “Brothers and sisters, if someone is caught in a sin, you who live by the Spirit should restore that person gently. But watch yourselves, or you also may be tempted.”
Sumainyo ang Katotohanan.