159 total views
Ang pagpatay o pagkitil ng buhay ay hindi solusyon sa problema ng bansa sa ipinagbabawal na gamot.
Ito ang binigyang diin ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma – Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Mutual Relations kaugnay sa isinusulong na healing at rehabilitation ng Simbahan bilang tugon sa war on drugs ng pamahalaan.
Giit ng Arsobispo, sa kabila ng taglay na kapangyarihang mayroon ang mga pulis ay dapat pa ring pahalagahan ang dignidad at karapatang pantao ng bawat mamamayan.
“well certainly we do not agree with that sapagkat the way of healing and rehabilitation is not by eliminating. So dapat we should show ang kahalagahan din ng human dignity and human right and we should respond by extending the proper help sa mga drug respondents, we agree that the parang law enforcement authority should also have the authority to apprehend yung mga drug pushers and to pursue the due process of law because otherwise all the social system will be on risk also…” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radio Veritas.
Batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP), umaabot na sa mahigit 721-libong drug personalities ang sumuko sa mga otoridad sa buong bansa kung saan mahigit sa 2-milyon ang mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa buong bansa na nangangailangan ng tulong upang ganap na makapagbagong buhay.
Samantala, bilang tugon sa kampanya ng pamahalaan binuo ng Simbahan at pamahalaang Lungsod ng Cagayan kasama ng regional office ng Department of Health ang “Coalition for a Drug-Free Society” upang tutukan at gabayan ang mga sumukong drug pushers at users na makapagbagong buhay.