201 total views
May 22, 2020, 11:22AM
Tuloy-tuloy ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan ng Ifugao at Mt. Province na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.
Sa Pangunguna ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, nagsagawa ng mobilization ang nasabing Apostolic Vicariate sa pamamagitan ng pamimigay ng bigas at face mask sa mga mahihirap na residente at mga katutubo.
Ayon kay Bishop Dimoc, bagamat General Community Quarantine na lamang ang umiiral sa kanilang lalawigan ay marami pa din ang nangangailangan ng tulong lalo na sa bahagi ng health services at protective gears gaya ng mga face mask.
“With the new situation of GCQ, it is a felt need for people to have access to mask.” Pahayag ni Bishop Dimoc.
Dahil dito personal na nagpagawa ng face mask ang Obispo sa pamamagitan ng financial assistance mula sa Caritas Manila na siyang ipapamahagi sa mga poorest among the poor sa darating na linggo.
“Not for mass distribution but only for the poorest. We distribute to parishes. In each parish, BEC leaders identify those who cannot even afford masks for family members. Others may decide to give masks to people who will distribute Sunday Communion in their houses.”pahayag ni Bishop Dimoc sa Radio Veritas
Magugunitang unang nagpadala ng tatlong daang libong piso ang Caritas Manila sa Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas.
Sa kasalukuyan, abala din ang iba pang Diyosesis na natulungan ng Caritas Manila sa pagpapatuloy ng kanilang relief operations sa pagpapatupad ng mas maluwag na Quarantine sa kanilang mga lalawigan.
Read: https://www.veritas846.ph/caritas-manila-nagbigay-ng-5-7-milyong-pisong-financial-assistance-sa-21-diocese-at-archdiocese-sa-bansa/?fbclid=IwAR0YPBxnccSFH7SM_-rdmhq2OY0x-H5EVGPW32DaAPeDU_m0gMjGI0KYIyI