1,705 total views
Muling nakamit ng Pag-IBIG Fund ang highest audit rating ng Commission on Audit.
Ito na ang ika – 11 magkakasunod na taon na pagkilala ng COA sa ahensya bilang unmodified opinion dahil sa maayos na financial statements na isinumite para sa taong 2021 at 2022.
Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar na ang pagkilala ng COA ay patunay sa integridad at maayos na pamamahala sa kontribusyon ng 15-milyong miyembro ng institusyon.
“Earning the highest opinion from COA for the 11th consecutive year is yet another proof that Pag-IBIG Fund has been, and continues to be, managed properly. This is a testament to how Pag-IBIG Fund upholds excellence and integrity in managing their funds,” bahagi ng pahayag ni Acuzar.
Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, ito rin ay naaayon sa performance ng ahensya sa magkakasunod na taon kung saan naitatala ang mataas na kita at koleksyon.
Inihayag ni Acosta na noong 2022 ay kumita ang Pag-IBIG Fund ng P44.50 billion, umabot sa mahigit 100 bilyong piso ang home loan takeout na pinakinabangan ng 105-libong kasapi habang P53.76 billion na short-term loans na nakatulong sa halos tatlong milyong Pilipino.
Batay sa kasaysayan 2012 hanggang 2017 ng ginawaran ng COA ng unqualified opinions ang ahensya habang unmodified opinion naman mula 2018 hanggang 2022.
Ito ang dalawang pinakamataas na rating na ibinibigay ng state auditors sa mga ahensya ng gobyerno o korporasyong may maayos na financial statements.