Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Higit pa sa pagtatanim ng puno

SHARE THE TRUTH

 742 total views

Mga Kapanalig, inirekomenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga ahensiya ng pamahalaan na isama sa kanilang mga programa ang pagsasagawa ng tree planting activities bilang ambag sa pangmatagalang solusyon sa pagbaha. Sa isang situation briefing ukol sa pinsalang iniwan ng Bagyong Paeng kasama ang ilang lokal na opisyal sa Maguindanao, ibinahagi ng pangulo ang kanyang naobserbahan matapos ang ginawang aerial inspection sa mga apektadong lugar. Napansin daw niyang nagkaroon ng landslides sa mga bahagi ng bundok na wala nang mga puno at nakalbo na. Aniya, mahalaga raw ang pagtatanim ng puno hindi lamang para sa kalikasan kundi pati na rin sa pagsagip ng buhay.

Kung pagkaubos ng ating mga puno ang pag-uusapan, alam ba ninyong noong panahon ni Ferdinand Marcos Sr., naging pangunahing exporter ng troso ang Pilipinas sa Estados Unidos at Japan? Ang resulta: mahigit walong milyong ektarya ng mga forest trees ang naglaho. Ang lawak ng kagubatang ito ay ilang ektarya na lang ang layo sa laki ng isla ng Mindanao na humigit-kumulang 9.8 milyong ektarya. Binigyan ni Marcos Sr. ng Timber License Agreements (o TLA) ang kanyang mga kamag-anak at cronies kung saan nagkaroon sila ng lisensyang kalbuhin ang mga kagubatan para sa kanilang mga negosyo.

Ayon sa pananaliksik ng Philippine Center for Investigative Journalism (o PCIJ), nang dumating sa isla ng Pilipinas ang mga Kastila, ang kagubatan sa bansa ay nasa 27.5 milyong ektarya o 92% ng kabuuang lawak ng lupain ng bansa. Bumaba ang forest cover sa 10.6 milyong ektarya bago ang deklarasyon ng Batas Militar, at mas lalo pa itong lumiit sa 6.4 milyong ektarya matapos ang 1986 People Power Revolution. Mula noon, nasa pitong milyong ektarya na lamang ang lawak ng mga kagubatan sa ating bansa.

Tama ang obserbasyon ni PBBM na ang pagkaubos ng mga puno—na naging talamak noong panahon ng panunungkulan ng kanyang ama—ang malaking dahilan kung bakit patindi nang patindi ang pagbaha at mas madalas ang pagguho ng lupa. Ngunit gaya ng nangyaring pananamantala sa kalikasan noong dekada sitenta sa ilalim ng administrasyon ng nakatatandang Marcos, malinaw na higit pa sa tree planting ang kailangang gawin upang agapan ang mga trahedyang katulad ng pagbaha at landslide.

Kung nagpapatuloy pa rin ang pagbibigay ng permit sa mga korporasyon at mga negosyanteng nagsasagawa ng pagmimina at pagtotroso, kung may mga batas-pangkalikasan na hindi naipatutupad nang maayos,  at kung may mga patakarang pabor sa iilang indibidwal na ang tanging layunin ay kumita ng pera, napakaliit lamang ang benepisyong maidudulot ng tree planting activities. Ngayong patindi nang patindi ang epekto ng pagbabago ng klima at marami nang buhay ang nawawala dahil dito, walang dapat sayangin na panahon ang administrasyon sa paglutas sa malalalim na ugat ng krisis sa kalikasan.

Mga Kapanalig, kailangan mas maging malawak ang pagtingin ng ating pamahalaan sa pangmatagalang solusyon upang tugunan ang problema ng pagbaha at landslide. Maliban sa tree planting, kailangan pagtuunan din ng pansin ang pagmimina, quarrying, conversion ng malalawak na lupain, pagpapatayo ng dam, at iba pang mga industriyang mapanira sa kalikasan. Gaya ng mensahe ni Patriarch Bartolomé na hiniram ni Pope Francis para sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, ang pagtapak ng tao sa integridad ng daigdig, ang mga gawain nitong nagdudulot ng pagbabago ng klima, ang pagkalbo at pagwasak nito sa mga kagubatan, pagkasira at dumi ng tubig, lupa, at hangin, lahat ng mga ito ay kasalanan. Aniya, ang krimen laban sa kalikasan ay isang krimen laban sa ating mga sarili at isang kasalanan laban sa Diyos.[5] Lagi nating pakatandaan ang winika ng Diyos sa Genesis 2:15—tayo ay nilikha upang “pagyamanin at alagaan” ang mundo.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 10,716 total views

 10,716 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 41,855 total views

 41,855 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 47,441 total views

 47,441 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 52,957 total views

 52,957 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 64,078 total views

 64,078 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 10,717 total views

 10,717 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 41,856 total views

 41,856 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 47,442 total views

 47,442 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 52,958 total views

 52,958 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 64,079 total views

 64,079 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 78,135 total views

 78,135 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 65,837 total views

 65,837 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 74,319 total views

 74,319 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 67,378 total views

 67,378 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 74,302 total views

 74,302 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 71,396 total views

 71,396 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 81,897 total views

 81,897 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 96,970 total views

 96,970 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 102,934 total views

 102,934 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 107,081 total views

 107,081 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top