Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Higit sa benepisyo at pribiliheyo para sa mga PWD

SHARE THE TRUTH

 694 total views

Mga Kapanalig, pamilyar ba sa inyo ang awiting “Bulag, Pipi at Bingi” ni Freddie Aguilar? Ang unang berso ng awit ay tumutukoy sa mga bulag: “Madilim ang ‘yong paligid, hatinggabing walang hanggan. Anyo at kulay ng mundo sa ‘yo’y pinagkaitan. Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan. Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan”. Ang mga pipi naman, ayon pa sa awit: “Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin. Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ‘yong pumapansin. Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman.” Samantala, ang ikatlong berso ay nakatuon naman sa mga bingi: “Ano sa ‘yo ang musika, sa ‘yo ba’y mahalaga? Matahimik mong paligid, awitan ay ‘di madinig. Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo. Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo.”

Mapalad nga ba ang mga hindi nakakikita, hindi nakakapagsalita, at hindi nakaririnig? Sa panahon natin ngayon at sa gulo ng ating paligid, mukhang mapalad nga sila. Hindi nila nakikita ang karahasan. Hindi nila nagagawang makipagsagutan sa kanilang mga kaanak o kaibigang salungat ang opinyon sa mga bagay-bagay. Hindi nila naririnig ang mga masasakit at kung minsan ay bastos na pananalita ng kanilang kapwa sa isa’t isa.

Ngunit marami ring magaganda at mabubuting bagay na hindi nila maranasan: Hindi nila nakikita ang magagandang tanawin sa ating bayan. Hindi nila naibubulalas ang kanilang pagmamahal sa taong sinisinta. Hindi nila naririnig ang tawanan ng magkakaibigan.

Hindi lamang mga magagandang karanasan ang naipagkakait sa mga taong bulag, pipi, at bingi, gayundin sa mga pilay, may kulang na bahagi ng katawan, o kakulangan sa pag-iisip. Hanggang ngayon, kabilang ang mga persons with disability o PWD sa mga kababayan nating may maliit na puwang sa maraming larangan ng ating lipunan at modernong pamumuhay. Kakaunti ang mga trabahong angkop sa kanilang kakayanan. Hindi sapat ang mga pasilidad upang matiwasay silang makakilos o makapaglibang—gaya na lamang ng mga sirang elevators sa ating mga istasyon ng tren. Tampulan pa rin sila ng tukso at pangungutya ng publiko, gaya ng madalas nating napapanood sa TV.

Sa isang pahayag na inihanda ng Simbahang Katolika bilang paghahanda sa Jubilee Day noong taóng 2000, binigyang-diin na ang kapansanan o disability ng isang tao ay hindi dapat tingnan bilang kaparusahan. Inihaharap sa atin ng mga taong may kapansanan ang mga tanong tungkol sa kung ano nga ba ang “normal” sa isang lipunan, at sa pamamagitan nito, nahahamon tayong alamin kung anu-ano nga ba ang ibig sabihin ng buhay na ganap para sa isang tao. Bitbit nila ang Kristyanong mensahe ng pakikipag-ugnayan natin sa Panginoong lumikha at nagbigay sa atin ng ating dignidad. Hindi binabawasan ng anumang kapansanan ang dignidad ng isang tao.

Kaya naman, maituturing na magandang balita para sa mga kapatid nating PWD ang pagpirma ng kalihim ng DSWD na si Judy Taguiwalo sa implementing rules and regulations o IRR ng Republic Act 10754. Pinapalawig ng nasabing batas ang mga benepisyo at pribiliheyo ng mga PWD, kabilang ang hindi na pagbabayad ng 12% value added tax o VAT sa mga piling serbisyo. Maagang pamasko ito para sa ating mga kababayang may kapansanan.

Ngunit huwag sanang matapos sa pagbibigay sa kanila ng exemptions o discount ang ating pagkilala sa dignidad ng mga PWD. Mga Kapanalig, ngayong International Day of Persons with Disability at sa pagsisimula ng panahon ng Adbiyento, nawa’y lumawak at lumalim pa ang ating pagkilala sa mga kababayan nating iba man ang pisikal na anyo o kakayanan ay katulad nating lahat, mga anak ng Diyos na buhay.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 4,880 total views

 4,880 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 14,995 total views

 14,995 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 24,572 total views

 24,572 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,561 total views

 44,561 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 35,665 total views

 35,665 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 4,881 total views

 4,881 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 14,996 total views

 14,996 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 24,573 total views

 24,573 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,562 total views

 44,562 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 35,666 total views

 35,666 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,020 total views

 40,020 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,589 total views

 43,589 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,045 total views

 56,045 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,112 total views

 67,112 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,431 total views

 73,431 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,043 total views

 78,043 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,604 total views

 79,604 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,165 total views

 45,165 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,826 total views

 67,826 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,402 total views

 73,402 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top