Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Higit sa disiplina at pagkamakabayan

SHARE THE TRUTH

 435 total views

Mga Kapanalig, pagkatapos ng eleksyon noong Mayo 9 at nang malinaw na kung sinu-sino ang mga nanalo sa pagkapangulo at pagkapangalawang pangulo, umingay ang usap-usapang gagawin nang mandatory muli ang ROTC (o ang Reserve Officers’ Training Corps).

Ito kasi ang isa sa mga plano ng bagong bise-presidente na si Davao City Mayor Sara Duterte na tinanggap ang pagiging kalihim ng Department of Education (o DepEd) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos. Noong panahon ng kampanya, sinabi niyang imumungkahi niya ang pagbabalik ng ROTC kung saan ang mga Pilipinong edad 18 pataas ay kailangang mag-military service. Bagamat itinanggi niyang ito ang magiging prayoridad ng DepEd sa ilalim ng kanyang pangangasiwa, sinabi niyang panahon nang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa ating bansa. Kailangan daw nating humubog ng bagong henerasyon ng mga kabataang “disciplined and patriotic”, may disiplina at pagmamahal sa bayan. Ang mga ito raw ang katangiang dapat taglay ng mga kabataan ngayon upang maging katuwang ng gobyerno sa pagkakaroon ng mapayapa at maunlad na bansa.

Disiplina at pagkamakabayan nga ba ang kulang sa ating mga kabataan ngayon?

Kung babalikan ang mga pagsusuring ipinagawa ng World Bank, sinasabing 80 percent o walo sa sampung batang Pilipino ang hindi nakakaalam ng mga bagay na dapat nilang nalalaman. Isa sa bawat apat na estudyante sa Grade 5 ang walang reading at mathematics skills na dapat natutunan nila noong sila ay nasa Grade 2 o 3. Apat sa limang estudyanteng edad 15 naman ang hindi nauunawaan ang mga basic mathematical concepts katulad ng fractions at decimals, mga bagay na dapat alam na nila noong Grade 5 sila.

Sa 79 na bansang kasali sa Program for International Student Assessment (o PISA) na sumusukat sa dunong ng mga estudyanteng 15 taong gulang sa reading, math, at science, pangalawa sa dulo ng listahan ang Pilipinas. Sa Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS), kulelat din ang Pilipinas sa listahan ng 58 bansa kung ang pag-uusapan ay ang dunong sa math at science ng mga nasa Grade 4. Gamit ang mga datos na ito, sinabi ng World Bank na mayroon tayong krisis sa edukasyon sa Pilipinas. At maaari pa itong lumala ngayong patuloy ang COVID-19 pandemic.

Marami at malalalim ang dahilan kung bakit mababa ang performance ng ating mga mag-aaral sa reading comprehension, math, at science. Hindi kaya ang mga ito ang dapat tutukan ng DepEd kung naniniwala tayong ang mga Pilipinong may pinag-aralan ay mga produktibong mamamayan? Hindi natin sinasabing hindi mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina at pagmamahal sa bayan, ngunit may mas kritikal na mga problema ang sektor ng edukasyon sa ating bansa. Sabi nga sa Catholic social teaching na Populorum Progressio, ang basic education—na sa Pilipinas ay ang tinatawag ngang K-12—ay pangunahing salik ng anumang planong pangkaunlaran. Ang kagutuman sa edukasyon ay kasintimbang ng kagutuman sa pagkain, at kung walang maayos na edukasyon ang mga tao, mahirap makamit ang kaunlarang pakikinabangan ng lahat.

Dahil hindi naman mula sa sektor ng edukasyon ang bagong bise-presidente, makatuwang sana niya ang mga mahuhusay na guro at educators sa pagbubuo ng mga programang tutugon sa krisis natin sa edukasyon. Totohanin din sana niya ang sinabi niyang hindi magiging prayoridad ang pagbabalik ng ROTC na maaaring kumuha pa ng malaking pondo sa budget ng pamahalaan.

Mga Kapanalig, wika nga sa Ecclesiastes 9:18, “Ang karunungan ay makapangyarihan kaysa sandata ngunit ang isang pagkakamali ay nagbubunga ng malaking pinsala.” Kita naman natin kung gaano napapahamak ang ating bansa kapag ang mga mamamayan ay walang sapat na edukasyong magbubukas sa kanilang mga mata at isipan. Huwag na sana itong magpatuloy pa.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 17,023 total views

 17,023 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,679 total views

 31,679 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,794 total views

 41,794 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 51,371 total views

 51,371 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,360 total views

 71,360 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 17,024 total views

 17,024 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,046 total views

 2,046 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,680 total views

 31,680 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,795 total views

 41,795 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 51,372 total views

 51,372 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,361 total views

 71,361 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,450 total views

 47,450 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,475 total views

 42,475 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,044 total views

 46,044 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,499 total views

 58,499 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,566 total views

 69,566 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,885 total views

 75,885 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,496 total views

 80,496 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,056 total views

 82,056 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,617 total views

 47,617 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top