Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Higit sa pagbibigay ng pera

SHARE THE TRUTH

 237 total views

Mga Kapanalig, isang magandang balita. Noong isang linggo, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11310 na ginagawang permanenteng anti-poverty program ng pamahalaan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas kilala bilang 4Ps.

Sa pamamahala ng DSWD, katuwang ang ilan pang ahensya katulad ng DOH, DepEd, at TESDA, ipinatutupad ng pamahalaan ang 4Ps upang tulungang umangat ang buhay ng mahihirap sa pamamagitan ng direktang pagbibigay ng tulong-pinansyal. Ngunit ang perang ibinibigay sa kanila buwan-buwan ay may kaakibat na mga kundisyon, katulad ng pagtiyak na araw-araw pumapasok sa paaralan ang mga bata, ng regular na pagpapa-check-up ng mga buntis at pagpapabakuna sa mga anak, at ng pagdalo sa mga tinatawag na family development sessions na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng mga mag-asawa. Dapat nating maunawaang hindi sinusulosyunan ng 4Ps ang kahirapan; sinusubukan nitong ihinto ang tinatawag na intergenerational poverty o kahirapang naipapasa sa mga anak sa pamamagitan ng pagtiyak na nakapag-aaral sila at maayos ang kanilang kalusugan.

Hango sa mga conditional cash transfer o CCT programs sa mga bansa sa Latin Amerika at Africa, ang 4Ps ay sinimulan ng administrayong Arroyo at ipinagpatuloy naman ng sumunod sa kanyang si dating Pangulong Noynoy Aquino. Ayon sa DSWD, mula noong simulan ang 4Ps noong 2008 hanggang nitong nakaraang Pebrero, halos 5 milyong pamilya na ang natulungan ng programang ito.

Maituturing ang pagsasabatas ng 4Ps Act na isang paraan ng pagtataguyod ng katarungang panlipunang malinaw na nakasaad sa ating Saligang Batas. Sa paglalaan ng sapat na pondo sa programa (na sana ay matapatan ng epektibo at maayos na pagpapatupad nito), nabibigyang-proteksyon at napauunlad ng ayudang ito mula sa pamahalaan ang dignidad bilang tao ng mga kababayan nating hikahos sa buhay. Nabibigyan sila ng pagkakataong makinabang sa mga serbisyo ng pamahalaan, at sa ganitong paraan, naiibsan kahit papaano ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa ating lipunan. Sa pagtiyak na hindi na maipapasa sa mga susunod na henerasyon ang karukhaan ng kanilang pamilya dahil namumuhunan ang pamahalaan sa kalusugan at edukasyon ng mga bata, unti-unti nating makakamit ang kabutihang panlahat o common good.

Ang magagandang layunin ng 4Ps ay sang-ayon sa mga panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika. Simula pa noong inilabas ang itinuturing na kauna-unahang social encyclical na Rerum Novarum, ang mga kapos sa buhay ang binibigyang-tinig ng Simbahan upang tulungan sila at maipagtanggol mula sa mapang-abuso at paulit-ulit na sistema ng kahirapan. Gayunman, kailangan pa rin nating tutukan ang implementasyon ng isang bagong batas na ang pangunahing layunin ay makaabot sa mga higit na nangangailangan ang mga pangunahing serbisyong karapat-dapat lamang nilang mapakinabangan upang makaahon sa kahirapan.

Una sa lahat, kailangang matiyak na makatarungan at wasto ang sistema ng pagpili ng mga kabilang sa 4Ps. May mga pumupuna kasing naisasali sa programa ang mga hindi naman daw talagang nangangailangan, habang ang mga karapat-dapat na mapabilang ay hindi naaabot ng programa.

Ikalawa, kailangang pag-ibayuhin ng pamahalaan ang mga serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon nito upang makamit ng mga benepisyaryo ang maayos na kalusugan at de-kalidad na edukasyon para sa kanilang mga anak. Ngayong permanente na ang 4Ps, wala nang dahilan upang hindi matustusan ang programa.

Panghuli, dapat nakapaloob sa pagpapatupad ng programa ang pagsubaybay sa epekto ng programa—positibo man o negatibo—sa mga pamilya. Mahalaga ito hindi lamang upang matiyak na may pinatutunguhan ang milyun-milyong pondo ng programa kundi upang matulungan ang mga kababayan nating mapalago ang mga positibong bunga ng programa at maiwasan ang mga bagay na maglilihis sa kanila sa layunin ng 4Ps.

Mga Kapanalig, kasama ng pamahalaan ang Simbahan sa pagkamit ng mga mabubuting layunin ng 4Ps at sa pagbabantay sa pagpapatupad nito.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 22,133 total views

 22,133 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,789 total views

 36,789 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,904 total views

 46,904 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,481 total views

 56,481 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,470 total views

 76,470 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 22,134 total views

 22,134 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,790 total views

 36,790 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,905 total views

 46,905 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 56,482 total views

 56,482 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,471 total views

 76,471 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,928 total views

 47,928 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,953 total views

 42,953 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,522 total views

 46,522 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,977 total views

 58,977 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,044 total views

 70,044 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,363 total views

 76,363 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,974 total views

 80,974 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,534 total views

 82,534 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,095 total views

 48,095 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,304 total views

 69,304 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top