204 total views
Tinugunan ng Caritas Manila ang pangangailangan ng mga residenteng nasunugan sa lungsod ng Pasay, Makati at Caloocan.
Sa ulat ng Caritas Damayan, mahigit sa 700- relief bags ang kanilang ibinahagi sa mga residente ng National Shrine of the Sacred Heart Parish sa lungsod ng Makati, San Roque Parish sa lungsod ng Pasay at Our Lady of Lujan Parish sa Bagong Barrio, Caloocan na biktima ng sunog.
Ipinaabot ng Caritas Manila ang mga relief goods, manna bags at sakulin sa mahigit 700-pamilya na nawalan ng tirahan at mga ari-arian.
Magugunitang ang Diocese of Kalookan ay una ng umapela ng tulong sa Caritas Manila sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa himpilan ng Radyo Veritas kung saan ipinagpasalamat naman ng Social Action Director nito na si Fr. Benedict John Cervantes ang naging tugon ng dalawang nasabing institusyon ng Simbahang Katolika.
Patuloy naman ang paalala ng Caritas Manila sa mga residente na patuloy na mag-ingat mula sa sunog.
Ang Simbahan sa pamamagitan ng Radio Veritas at Caritas Manila ay laging nakaalalay at nakahandang sumuporta sa mga biktima ng sunog at iba pang kalamidad.
Read:
http://www.veritas846.ph/mga-nasunugan-sa-parola-compound-bibigyan-ng-pabahay-ng-caritas-manila/
Sa datos ng Bureau Fire Protection umabot na sa 1,200 insidente ng sunog ang naitala sa Metro Manila sa unang quarter ng taong 2017