489 total views
Mga Kapanalig, siguro po ay rinding-rindi na kayo sa mga balita tungkol sa krimen—ang mga akyat-bahay gang, martilyo gang, mga riding-in-tandem, mga nanggagahasa ng mga bata at pasahero ng taxi, at iba’t ibang kabulastugan ng huhulisa CCTV. Nariyan din ang kaliwa’t kanang pag-raid sa mga pagawaan ng iligal na droga at pagdakip sa mga nagtutulak nito.Ang mga ito po ang inihahain sa atin araw-araw ng media, kasabay ng ating agahan, tanghalian, at hapunan. At hindi natin maiiwasang matakot at mangamba para sa ating mga sarili at pamilya.
At mukhang tagumpay ang mass media sa pagpapalaganap ng paniniwala at pakiramdam na hindi naligtas ang mabuhay sa Pilipinas. Maging ang isang pari, sakanyang mismong homiliya, ay nagbitiw kamakailan na may listahan na ang kanilang diosesis ng mga kriminal na nais nilang ipapatay sa isang kandidatong nangangako ng agarang pagsugpo sa krimen sakaling siya ang manalo. Pero, joke lang daw po iyon.
Gaya ng rape, ang pagkitil ng buhay ng tao ay hindi dapat gawing biro. Higit sa lahat, hindi ito maka-Kristiyano. Nakalulungkot, mga Kapanalig, na napakadali para sailan nating kababayan—kabilang ang mga Katoliko—na sabihin ang epektibong solusyon sa kriminalidad at droga ay ang pagpatay sa mga lumalabag sa batas sapamamagitan ng capital punishment o death penalty.
Kumplikado ang isyu ng kriminalidad, gayundin ang pagpapataw ng angkop naparusa sa mga nagkakasala at paggagawad ng katarungan sa mga nagawan ng masama at mali. Ngunit malinaw po sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan na higit sa lahat, ang buhay ng tao,naka loob sa atin ng Panginoon, ay dapat nating igalang, pangalagaan, at ipaglaban.
Sa kanyang encyclical na The Gospel of Life, binigyang-diin ni St John Paul II na ang dangal ng buhay ng isang tao ay hindi kailaman dapat ipagkait sa kanya, kahit pa siya ay nakagawa ng kasamaan. Maraming paraan para gawing ligtas ang mga mamamayan nang hindi nangangailangang tanggalan ang mga nakagawa ng krimenng pagkakataong magsisi at magbago.
Ganito rin ang diwa ng isang pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP noong 1992. Inilabas ito sa harap ng panawagan noon kay dating Pangulong Ramos na muling ipatawang death penalty.
Bagama’t mahigit dalawang dekada na ang nakalipas mula nang ilabas ang pahayag, ang mga nabanggit nitong alternatibo sa death penalty ay kayang-kaya pa ring gawin. Ang kailangan natin ay isang sistemang pangkatarungan na hindi pinatatakbo ng mga tiwaling husgado at abugado. Ang pag huling kapulisan sa mga gumagawa ng krimen ay kailangang gawing mabilis at epektibo. Ang mga nagpapalakad ng ating mga bilangguan ay dapat nawalang takot naipinatutupad ang mga patakaran;hindi sila dapat magpaalipin sa mga bilanggong may pera at makapangyarihan. Ilan lamang ito sa mga bagay na kailangan ng reporma. Ito ang mga dapat hangarín ng isang lipunang makatao, sibilisado, at demokratiko.
Bilang mga taga sunod ni Hesus, tungkulin po nating hindi lamang ang isulong ang paggalang sa buhay kundi ang mag paabot ng awa, pag-unawa, at paghilom sa mga taong nakagawa ng mali. Mga Kapanalig, paano po natin itataguyod ang buhay, kung tayo ay susuporta sa mga hakbang na sumisira sa buhay, gaya ng death penalty?
Ngayong darating na halalan, alalahanin nating ang anumang posisyon sa pamahalaan ay kapwa “character AND competence”. Kung ang isang kandidato ay handang pumatay, anong sinasabi nito sakanyang karakter? Kung ang paraan ng pagwawasto niya ng mali ay sapamamagitan ng pagkitil sa buhay ng tao, kakayahan ba itong matatawag?
Sumainyo ang katotohanan.