525 total views
Mga Kapanalig, iminungkahi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pagsasagawa ng mandatory drug testing sa mga mag-aaral na nasa Grade 4sa mga pampublikong paaralan.Bahagi pa rin daw ito ng pagsugpo sa ilegal na droga sa ating bansa. Ipinahihiwatig ng PDEA naang batang nasa Grade 4—na karaniwan ay 10 taóng gulang—ay maaaring gumagamit na ng ipinagbabawal na gamot, kaya’t nararapat lamang daw na sumailalim sila sa drug testing.
Hindi ito ang unang beses na ginawang targetng pamahalaan ang mga bata sa kampanya nitokontra droga. Dahil pabagu-bago at tila wala namang malinaw na datos ang pamahalaan sa bilang ng mga lulong sa ilegal na droga, ano kaya ang basehan ng PDEA upang ipahiwatig na lahat ng bata’y maituturing nang gumagamit ng droga? Ayon sa PDEA, nakahuhuli ang PNP ng mga batang anim na taong gulang at gumagamit ng droga. Ang PDEA naman, nakahuli ng halos 200 drug users at halos 600 na drug pushers na may edad 10 hanggang 17. Hindi raw ba ito maituturing na seryosong problema sa mga kabataan? Hindi pa raw ba ito sapat na batayan para ipa-drug test din ang mga bata?
Inalmahan ng Department of Education o DepEd at maging ng Malacañang angmungkahing PDEA. Hindi raw ito sang-ayon saRepublic Act 9165 o angComprehensive Dangerous Drugs Act. Sa ilalim ng batas na ito,pinahihintulutan lamang angrandom drug testing para sa mga nasa highschoolat kolehiyo na. Sinabi rin ng DepEd na bukod sa labag sa batas ang drug testsamga batang nasa elementarya, malaking gastos para sa pamahalaan ang pagsasagawa nito. Dahil 200 piso kada mag-aaral ang kinakailangan sa bawat drug test,at 14 na milyong mag-aaral ang nasa Grade 4 hanggang Grade 12, aabot ng 2.8 bilyong piso ang gagastusin ng pamahalaan. Paano pa ang pondong kailangan para sa mga programang gagabay sa mga batang mapatutunayang gumagamit ng droga?
Patuloy pa ring ginagawa ng DepEd ang random drug testing sa mga pampublikong high schoolbilang tugonsa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga. Ang pagmumungkahing PDEA na gawin itong mandatory at sa elementarya pa ayhindi biro at lalong hindi pwedeng basta-basta ipinatutupad. Mahalagang tanungin din natin:
kailangan ba itong gawing mandatory?Kung titingnan ang datos ng PDEA, ilang porsyento lamang ba ng 10 milyong bata edad 10 hanggang 14 ang mgabatang nadakip nila? Sa halip na ituring na suspeksa paggamit at pagtutulak ng droga ang mga bata, hindi kaya mas dapattutukan ang pagbibigay ng programa sa mga batang hinuli ng mga pulis at PDEA? Dapat ding magkaibang programa ang buuin at ibigay sa mga gumagamit ng droga at sa mga nagbebenta nito.
Binibigyang-diinsa mgapanlipunang turo ng Simbahan ang pagkilala sa dignidad at karapatan ng mga bata, lalong-lalo na ng maliliit na bata. Tungkulin ng pamahalaang bigyan sila ng proteksyon sa pamamagitan ng mga akma at maka-batang batas, gaya ng Dangerous Drugs Act na hindi pinahihintulutan ang drug testingsa mga musmos.Ang kailangan ay mga programangmagbibigay ng tamang kalinga sa mga batang sangkot sa droga at mga patakarang hindi nanakawin ang kanilang pagkabata.
Mga Kapanalig, sa halip na drug testing, hindi ba’t mas mainam na bigyan natin ang mga bata ng pagkakataong maging bata—makapaglaro, makapag-aral, at makipagkaibigan? Sa halip na ipilit ang drug testing, hindi ba’t mas kailangang bigyang atensyon ang mga kalagayang nagtutulak sa mga bata na subukan ang ilegal na droga? Makatutulong din ang tuluy-tuloy at angkop na edukasyon tungkol sa masasamang epekto ng pagdodroga. Ito dapat ang tutukan ng pamahalaan.
Sumainyo ang katotohanan.