Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi iba sa atin ang mga kapatid nating Muslim

SHARE THE TRUTH

 270 total views

Mga Kapanalig, may mungkahi ang mga kapulisan at militar sa Gitnang Luzon na magpatupad ng isang ID system para sa mga Muslim na tutungo o maninirahan sa mga probinsyang sakop ng rehiyong iyon. Mapipigilan umano nito ang sinumang may kaugnayan sa Islamic State o anumang radikal na grupo na gumawa ng masama. Sa katunayan, ipinatutupad na ito sa bayan ng Paniqui sa Tarlac, at ipinagmalaki ng isang regional director ng Philippine National Police na positibo ang resulta ng nasabing sistema.

Mariing tinutulan ng Commission on Human Rights o CHR ang nasabing hakbang. Paliwanag ng komisyon, isang porma ng diskriminasyon ang isang ID system na nakatuon sa isang grupo o sektor lamang. Inihihiwalay daw ng ganitong sistema ang mga Muslim mula sa kabuuan ng lipunan batay sa kanilang relihiyon. Ayon naman sa grupong Human Rights Watch, nilalabag ng pagkakaroon ng hiwalay na ID para sa mga Muslim ang kanilang karapatan gaya ng karapatan sa pantay na pangangalaga sa ilalim ng batas (o equal protection of the law) at kalayaang kumilos at lumipat sa isang lugar (o freedom of movement).

Isang mambabatas rin ang tutol sa mungkahing ID system para sa mga Muslim, kahit pa man limitado ito sa isang rehiyon. Sa halip na ID para sa mga Muslim, ang kinakailangan daw ay national ID system para sa lahat, hindi lamang upang makamit ang mga serbisyo ng pamahalaan ngunit upang maging mabilis ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayang apektado ng matitinding krisis katulad ng nagaganap ngayon sa Marawi. Kung maisasabatas ang mga panukalang ito, magkaroon ng isang ID na lamang sa bawat Pilipino, gaya ng ipinatutupad sa maraming bansa. Bagamat iniiwasan ng national ID system ang diskriminasyon, kailangan pa rin itong pag-aralang mabuti upang maproteksyunan ang ating mga personal na impormasyon.

May mga natanggap tayong kuwento mula sa Marawi na noong mga unang araw ng malawakang paglikas, hirap ang mga kinauukulan na i-profile ang mga inilalabas mula sa lungsod patungo sa mas ligtas na mga bayan dahil marami sa mga taga-roon ang walang maipakitang ID o anumang dokumentong magpapatunay na sila ay taga-Marawi. Sa kasong ito, makikita natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ligal na pagkakakilanlan. Subalit, kung ang layunin ng pagkakaroon ng ID ay upang “markahan” ang mga mamamayan batay sa kanilang relihiyon, inihihiwalay natin sila; sa Ingles, tinatawag itong “othering.” At hindi kailanman mainam na may mga taong ginagawa nating “iba” sa mas nakararami dahil dito nagmumula ang diskriminasyon at hindi makatarungang pagturing sa ating kapwa.

Sa isang pahayag noong nakaraang linggo, sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na sa kabila ng mga nangyayaring kaguluhan gaya sa Marawi, huwag nating kailanman isiping ang pagkakawatak-watak at pagkakahati-hati natin bilang isang bayan ay plano ng ating Panginoon. Ang mga ito ay bunga ng kasalanan. Ano ang kasalanan nating mga hindi taga-Marawi sa dinaranas ng mga kapatid nating Maranaw? Ito po, mga Kapanalig, ay nagkaugat sa napakahabang panahon ng pagsasantabi natin sa kanila, sa paglimot sa kanilang kapakanan, sa pagturing natin sa kanilan bilang “iba” sa mas nakararaming Pilipino. Kaya’t paalala ni Archbishop Soc, huwag tayong mahulog sa bitag ng kawalang pakialam sa dinaranas ng ating kapwa, katulad ng mga kababayan nating naiipit sa gulo sa Marawi. Huwag nating hayaang magpatuloy ang diskriminasyon sa mga kapatid nating Muslim sa pamamagitan ng pagpapatuad ng isang ID system na layuning bantayan ang bawat kilos nila.

Mga Kapanalig, hindi ang pagkakaroon ng isang pirasong papel ang magpapatunay na ang mga Muslim ay bahagi ng ating lipunan. Sa paparamdam natin na hindi sila iba sa atin, bumubuo tayo ng tulay na makapag-uugnay na atin sa halip na pader na nagtataboy sa ating kapwa.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

NINGAS-COGON

 20,314 total views

 20,314 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 37,076 total views

 37,076 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 50,135 total views

 50,135 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »

Mga bunga ng ating paglimot

 48,198 total views

 48,198 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »

Pagkain para sa lahat

 65,287 total views

 65,287 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 20,315 total views

 20,315 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 37,077 total views

 37,077 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 50,136 total views

 50,136 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 48,199 total views

 48,199 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 65,288 total views

 65,288 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 65,779 total views

 65,779 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 76,281 total views

 76,281 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 91,354 total views

 91,354 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 97,318 total views

 97,318 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 101,465 total views

 101,465 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 110,740 total views

 110,740 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 54,847 total views

 54,847 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 53,092 total views

 53,092 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 103,400 total views

 103,400 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 112,868 total views

 112,868 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top