180 total views
Binigyang diin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na dapat isa-alang alang sa pagnenegosyo ang magiging epekto sa kapaligiran at sa tao.
Inihayag ni Bishop Bacani na kumita man ng maliit o malaki ang isang negosyante ay wala pa rin itong mapapala kung sinisira naman ng negosyo ang mga pamilya, komunidad at kapaligiran.
“Pagnenegosyo hindi baling kumita ka, pero wag kita ang pinaka mahalaga. Isipin mo ang kapakanan ng iyong kapwa tao, at kapakanan ng sanlibutan. Sapagkat, tingnan mo, kahit na ba gaano kalaki ang kita mo, kung sinisira mo ang pamilya mo at ang tahanan mo, ano naman yun? Ano naman ang napala mo, di ba?”pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.
Matatandaang inihayag ni President Rodrigo Duterte na hindi nito kailangan ang 40 bilyong pisong kita mula sa mining firm ng bansa kung ang kapalit naman nito ay ang malawak na pagkasira ng kalikasan.
Sa kasalukuyan, pitong minahan na ang pansamantalang ipinatigil ang operasyon habang nasa ilalim ito ng suspension order ng Department of Environment and Natural Resources.
Sinasabi sa Laudato Si ng Kanyang kabanalan Francisco, importanteng laging isaalang-alang ang common good o ang makabubuti para sa lahat habang kasabay ring napoprotektahan ang kalikasan.