478 total views
Balanga,Bataan,Philippines–Ito ang paninindigan ni CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples chairman at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos matapos na maaprubahan sa Kamara ang House Bill 4727 o ang Reimposition of Death Penalty.
Ayon kay Bishop Santos, inilagay sa kamay ng nasa 217 kongresista na pumabor sa parusang kamatayan ang dahas ng pagkitil ng buhay at ang hindi pagkilala sa kasagraduhan nito.
Sinabi ng Obispo na sa desisyong ito ng mga mambabatas ay inilagay din nila sa alanganin ang kalagayan ng nasa mahigit na pitumpung Overseas Filipino Workers na nasa death row dahil nawala na rin ang “moral ascendancy” ng bansa upang ipanawagan ang kanilang kalayaan.
“It is very sad and sorrowful event in our country. They took matters in their hands, and blood will be in their hands. They took away the sanctity of life, acted like God. It is sinful. Remember then, not everything legal is moral. With their decision, they have given death sentence to our imprisoned OFW. What is now our moral ascendancy to ask for clemency wherein our government imposes death penalty?”pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.
Magpapatuoy naman aniya ang kanilang komisyon sa pagsusulong ng kasagraduhan at pagkilala sa dignidad ng buhay.
Hindi rin sila magpapatinag upang mailigtas rin ang ilang mga OFWs na nasa death row.
“We, CBCP ECMI will continue to fight for sacredness and respect for life. We work hard to promote and preserve life. And let us pray for their change of hearts.” Giit pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.
Nauna rito, ipinanawagan ni CBCP at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang patuloy ang pagdarasal sa 24 na mga Senador na sila ay maliwanagan at ibasura ang parusang bitay.
Muli namang nanawagan ng people power laban sa parusang kamatayan ang Buhay Partylist.
read: https://twitter.com/Veritasph?ref_src=twsrc%5Etfw
(Romeo Ojero)