Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi maka-Kristiyano ang pagkakalat ng fake news

SHARE THE TRUTH

 508 total views

Mga Kapanalig, nakapag-share na ba kayo ng fake news? O nakatanggap na ba kayo ng fake news mula sa inyong friends sa Facebook? Fake news o mga pekeng balita ang pangunahing tuon ng pinakahuling pastoral exhortation ng ating mga obispo na pinamagatang “Consecrate Them in the Truth.”

Napapanahon ang liham na ito dahil sa paglaganap ng fake news nitong mga nakalipas na buwan. Gaya na lamang ng paglalabas ng kalihim ng Department of Justice o DOJ ng larawan ng isang senador habang nakikipagpulong sa Marawi at sinabing may kaugnayan daw ang mambabatas sa sumiklab na gulo roon. Ngunit lumitaw na ilang taon na ang nakalipas nang kunan ang nasabing larawan ng senador. Fake news ito.

May isa namang opisyal ng Presidential Communications Operations Office o PCOO na nag-post ng larawan ng aniya’y mga sundalong nakaluhod at nagdarasal. Maganda ang intensyon ng nasabing opisyal: hinikayat niyang ipagdasal din natin ang ating mga sundalo. Ngunit lumitaw na mga sundalo sa bansang Honduras ang nasa larawan at kinunan iyon noon pang 2015. Fake news din ito.

Nakakalungkot, mga Kapanalig, na kabilang ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga pinagmumulan ng fake news. Hindi naman siguro labis kung asahan natin ang ating mga lingkod-bayan o public servants na maging matapat sa kanilang mga sinasabi at lagi nilang beripikahin ang pinagmumulan ng kanilang impormasyon bago nila ilabas ang mga ito sa media. Ang mas nakalulungkot pa, wala tayong narinig na paumanhin mula sa kanila para sa inilabas nilang fake news, at marami pa ang nagsasabing honest mistake ang kanilang ginawa at hindi na raw sila kailangang papanagutin.

Ang pagkalat ng fake news at ang mistulang pagsasantabi natin sa tunay na katotohanan ang nais bigyang-liwanag ng pastoral exhortation ng ating mga obispo. Pinapaalala nila sa ating si Hesus ay pastol ng katotohanan, at panalangin Niyang gawing banal ang Kaniyang mga disipulo sa pamamagitan ng pagdadala ng katotohanan. Tayong mga Kristiyano ay Kanya ring mga disipulo, kaya’t tungkulin nating sabihin ang katotohanan. Hindi tayo dapat maging bahagi ng kasinungalingan at panlilinlang sa ating kapwa. Ang pagsasabi ng totoo, dagdag ng ating mga obispo, ay nasa puso ng isang napakahalagang prinsipyo ng moralidad: “Do good; avoid evil.” Gumawa ng mabuti, iwasan ang kasamaan.

Sabi pa sa liham, hindi lamang paglapastangan sa dunong o talino nating mga tao ang pagpapakalat ng fake news. Maituturing din itong pagtalikod sa ating pagkakawanggawa o charity dahil hinahadlangan ng kasinungalingan ang kakayahan nating piliin at gawin ang tama at itinutulak tayo nitong magkamali.

May apat na mungkahi ang ating mga obispo upang maging tunay tayong disipulo ng katotohanan sa panahong napapalibutan tayo ng fake news. Una, huwag nating tangkilikin at palaganapin ang mga fake news. Pangalawa, ituwid natin ang mga maling impormasyon, haka-haka, at mga malisyosong paratang sa social media sa pamamagitan ng pagkalap ng tamang datos. Pangatlo, huwag tayong magbahagi ng mga nababasa nating hindi pa napatutunayang totoo o walang matibay na ebidensya. Panghuli, alamin natin kung sinu-sino ang mga nagpapakalat ng fake news at paalalahanan natin ang ating mga kaibigan at kapamilya na huwag tangkilikin o paniwalaan ang mga ito.

May panukalang batas rin sa Senado na naglalayong labanan ang fake news sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusa sa mga taong nagpapakalat ng mga balitang walang batayan at nagdudulot ng galit at kalituhan sa mga tao. Mas mabigat naman ang parusa sa mga opisyal ng pamahalaang nagpapalaganap ng fake news dahil maituturing itong pagtalikod sa kanilang sinumpaang tungkulin. Ngunit hindi na natin kailangan pang hintaying maisabatas ang anumang patakarang lalaban sa fake news. Mga Kapanalig, kung tunay na pinahahalagahan natin ang katotohanan bilang mga mamamayan at, higit sa lahat, bilang mga tagasunod ni Hesus, tayo na mismo ang tutuldok sa pagkalat ng fake news.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 34,263 total views

 34,263 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,919 total views

 48,919 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,034 total views

 59,034 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 68,611 total views

 68,611 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 88,600 total views

 88,600 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 34,264 total views

 34,264 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,920 total views

 48,920 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 59,035 total views

 59,035 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 68,612 total views

 68,612 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 88,601 total views

 88,601 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,994 total views

 48,994 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,019 total views

 44,019 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,588 total views

 47,588 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,043 total views

 60,043 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,110 total views

 71,110 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,429 total views

 77,429 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,039 total views

 82,039 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,599 total views

 83,599 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,160 total views

 49,160 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,558 total views

 69,558 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top