474 total views
“Hindi mali ang Magmahal. Hindi kasalanan ang Pakikipag-kapwa!”
Ito ang binigyang diin ng Association of the Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) bilang suporta sa community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong panahon ng pandemya.
Ayon sa magkatuwang na pahayag nina AMRSP Co-Chairpersons Sister Marilyn A. Java, RC at Father Cielito R. Almazan, OFM, sa halip na paratangan ng kung anu-ano ay mas dapat na suportahan at kilalanin ang pagsusumikap ng bawat indibidwal o mga grupo na matugunan ang pangangailangan ng kapwa.
Ipinaliwanag ng AMRSP na walang masama sa pagtulong, pagmamalasakit at pagkakawang-gawa sa kapwa.
“The Association of the Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) wholeheartedly supports the community pantries sprouting all over the country, inspired by the Maginhawa Community Pantry. These noble efforts at bayanihan and bahaginan are rooted in the commandment “to love thy neighbor as Christ loved us”. There is nothing sinister nor diabolical with loving, caring, and acting in solidarity with one another. Our people need help. Our good women and men have responded to that call for help. The least we can do is support them and not red tag them.” pahayag ng AMRSP
Binigyang diin pa ng AMRSP na isang maka-Kristiyanong gawain ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan na hindi dapat kwestiyunin o ituring na kasalanan at kundinahin.
Pagbabahagi nina Sister Java at Fr. Almazan, maraming mamamayan ang nawalan ng pagkakakitaan at hanapbuhay dahil sa pandemya na nangangailangan ng tulong at ayuda upang makaraos sa pang-araw-araw na buhay na natutugunan ng mga community pantries.
Hamon ng AMRSP sa halip na kundinahin at pagdudahan ang mga tumutulong sa mga nangangangailangan ay dapat na makibahagi rin ang mga nasa kapangyarihan at katungkulan sa mga katulad na inisyatibo ng tunay at ganap na pagmamalasakit sa kapwa.
“We remind those in power that they are servants – not masters – of the people. People are tired of quarantines. People have lost jobs and loved ones. People are hungry. People are in distress. Instead of harassing, maligning and belittling these innocent community efforts, we challenge those in authority to join and be a part of it. After all, power has been given to you for you to serve, not to be served.” Dagdag pa ng pamunuan ng AMRSP.
Hinihikayat naman ng AMRSP ang lahat ng mga kongregasyon na makibahagi sa layunin ng mga community pantries sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta o donasyon.sa mga kasalukuyang community pantries.