Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi na kailangan ang narco list

SHARE THE TRUTH

 182 total views

Mga Kapanalig, kasama po ba ang kasalukuyang kapitan o kagawad ng inyong barangay sa inilabas na narco list noong isang linggo ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA?

Ilang araw bago ang barangay elections ngayong Lunes, isinapubliko ng PDEA ang pangalan ng 207 kapitan at kagawad na di-umano’y sangkot sa iligal na droga. Nanindigan ang direktor ng PDEA na tama at totoo ang impormasyong inilabas ng kanyang opisina, at may mga ebidensiya raw sila upang patunayan ang pagkakasangkot ng mga nasa listahan. Bineripika pa nga raw ang listahan ng iba’t ibang ahensya katulad ng PNP.

Hindi pa rin napigilan ang ilang kuwestyunin ang listahan. Halimbawa, isang taon nang pumanaw ang isang kagawad sa listahan. May ilan sa listahang umalma dahil sila nga raw mismo ang nangunguna sa kampanya kontra droga sa kanilang barangay. Para sa Commission on Human Rights, nagsampa dapat muna ng kaso ang PDEA bago inilabas ang mga pangalan bilang pagkilala sa karapatan ng mga inaakusahan sa due process at presumption of innocence. Handa naman daw ang PDEA na magsampa ng mga kaso laban sa mga nasa listahan, ngunit minabuti raw nitong isapubliko ang mga pangalan upang gabayan ang mga botante na huwag nang muling iluklok sa darating na eleksyon ang mga di-umano’y sangkot sa droga.

Hindi na nga dapat muling mailagay sa puwesto ang mga opisyal na totoong sangkot sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga. Makatutulong ding malaman at makilala ng mga botante kung sinu-sino sa mga namumuno ng kanilang barangay ang sangkot sa ilegal na gawain. Ngunit hindi sapat na dahilan ang mga ito upang balewalain ang tama at patas na proseso ng paghahanap at paglalantad ng katotohanan.

May ilang seryosong implikasyon ang ginawang ito ng PDEA.

Una, paano kung lumabas na kulang o wala palang ebidensya upang makasuhan ang mga sinasabing narco-politicians? Sa pagkakasama ng kanilang pangalan sa narco list, nadungisan na ang kanilang integridad at napahiya pa ang kanilang pamilya.

Pangalawa, paano kung nahaluan ng pulitika ang paglilista ng mga pangalan, lalo pa’t panahon ngayon ng eleksyon? Hindi po sa minamaliit natin ang kakayahan ng PDEA na mag-imbestiga, ngunit isaalang-alang natin ang kasalukuyang konteksto.

Panghuli, matatapos ba ang problema natin sa ilegal na droga sa pagsasapubliko ng mga pangalan? Malaking hakbang kung malilinis natin ang mga barangay sa pag-uumpisa mismo sa mga opisyal natin, ngunit dapat nating gamitin ang ating mga batas at prosesong pangkatarungan upang mapanagot ang mga mapatutunayang sangkot sa droga.
Gayunman, hindi tayo aabot sa pagpapahiya ng mga taong hindi pa napatutunayang sangkot sa droga kung tayo mismong mga botante ay naging mapanuri sa mga taong iniluklok natin sa pamahalaan. (At hindi lamang po sa ating barangay makikita ang pagkukulang na ito kundi pati sa mga iniluluklok natin sa pambansang posisyon.)

Sabi nga sa panlipunang turo ng Simbahan, epektibong pamamaraan ng social control ang halalan; ibig sabihin, nasa kamay nating mga botante ang kapangyarihang papanagutin ang mga naglilingkod sa bayan, at kung hindi natin nakikitang karapat-dapat ang mga lider natin—dahil gumagawa sila ng mali—maaari natin silang palitan gamit ang ating balota. Nakalulungkot nga lamang na nangingibabaw pa rin sa ating political culture o kultura ng pulitika ang pagkapit ng marami sa mga padrino at pagtanaw ng utang na loob sa mga lider, kahit pa sangkot ang mga ito sa maling gawain.

Mga Kapanalig, sintomas ang paglalabas ng isang narco list ng maraming mali sa ating kulturang pampulitika. May mali sa mga ahensyang hindi sumusunod sa proseso, may mali sa ating mga pumipili ng mga tiwaling lider. Sa Lunes, may pagkakataon tayong baguhin ito sa ating mga barangay nang sa gayon, hindi na natin kailangan ang isang narco list.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 50,546 total views

 50,546 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 61,621 total views

 61,621 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 67,954 total views

 67,954 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 72,568 total views

 72,568 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 74,129 total views

 74,129 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 50,547 total views

 50,547 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 61,623 total views

 61,622 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 67,956 total views

 67,956 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 72,570 total views

 72,570 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 74,131 total views

 74,131 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,589 total views

 44,589 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,250 total views

 67,250 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,826 total views

 72,826 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,307 total views

 78,307 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,420 total views

 89,420 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,419 total views

 85,419 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,121 total views

 73,121 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,603 total views

 81,603 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,662 total views

 74,662 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,586 total views

 81,586 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top