Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi na sapat ang SOCE

SHARE THE TRUTH

 206 total views

Mga Kapanalig, sa ilalim ng ating batas lahat ng mga tumakbo sa isang eleksyon, nanalo man o hindi, ay obligadong magsumite ng Statement of Contributions and Expenditures (o SOCE). Inilalahad ng SOCE kung magkano ang mga natanggap nilang mga donasyon at ang ginastos sa kanilang kampanya. May takdang halaga ang maaari lamang gastusin ng mga kandidato para sa lokal sa posisyon at mas mataas na halaga para naman sa mga pambansang posisyon. Ang layunin ng batas na nagtatakda ng limitasyon sa maaaring gastusin ay upang hindi gaanong mapaboran ang mga mas mayayamang kandidato sa pagpapalabas ng mga patalastas at iba pang mga gamit-pangkampanyang magbibigay sa kanila ng bentahe sa ibang kandidato.

Ngunit gaano nga ba ka-epektibo ang regulasyong ito?

Bagamat karamihan sa mga kandidatong tumakbo sa pambansa at lokal na mga posisyon ay nakapagsumite naman ng kanilang SOCE sa takdang panahon, itinatanong pa rin ng marami kung ang mga impormasyong nakasaad sa SOCE nila ay makatotohanan at tunay na sumasalamin sa aktwal na halagang ginugol nila sa kanilang kampanya.

Ikalawa, talaga bang binubusisi ng COMELEC at may sapat na kakayahan at tauhan ba ito upang berepikahin ang mga impormasyong nakasaad sa mga SOCE ng mga kandidato?

Ikatlo, dahil sa paglaganap ng iba’t ibang paraan ng pagpapakalat ng impormasyon sa social media, hindi kaya mas marami nang paraan ngayon ng pangangampanya na hindi limitado sa mga binabayarang patalastas o campaign posters?  Sa katunayan, laganap ang pananaw na higit na nakakaimpluwensiya sa pananaw ng mga tao ang mga nasasagap nila mula sa social media na hindi naman lahat ay binabayaran o kaya ay madaling itago ang halaga kung binabayaran man.

Sa panahon ngayon, hindi na lamang ang dami ng impormasyon ang nakapagbibigay ng bentahe sa mga kandidatong may pera. Ang kalidad at pagiging totoo ng impormasyon ang higit na mahalaga. Dahil dito, hindi na sumasapat ang batas na nag-oobliga sa mga kandidatong magsumite ng SOCE. Kailangan ding magkaroon ng batas at regulasyon upang pigilan ang pagkalat ng mga maling impormasyon.

Ang resulta ng nakaraang eleksyon ay nagpakita na lalong dumami ang mga nahalal na mga kandidatong kabilang sa mga tinatawag nating political dynasties. Ang layunin ng isang batas gaya ng pagsusumite ng SOCE ay upang mapigilan na ang mga may pera at nasa poder ang laging nananalo sa mga eleksyon. Maliwanag na ang batas na ito ay hindi epektibo, lalo na ngayong maraming paraan upang itago ang paggamit ng pera upang makaimpluwensiya ng boto.

Maliban sa mga batas, higit na kailangan nating isapuso at ipaalala sa isa’t isa ang tunay na layunin ng pulitika. Ang ating Santo Papa ay may mataas ang pagtingin sa pulitika bilang paraan ng pagsasabuhay at pagpapamalas ng pag-ibig sa kapwa. Aniya, sa pakikilahok sa pulitika, naisasabuhay natin ang pag-ibig sa antas ng lipunan sapagkat ang inaasam ng pulitika ay ang kabutihang panlahat.  Kapag ang pag-ibig ay hindi para sa lahat, sabi ng Santo Papa, nabibigo ang pulitika sa layunin nito. Kung ang isang kandidato ay hindi nagsasabi ng katotohanan tungkol sa tunay na halaga ng kanyang ginastos sa pangangampanya o kaya ay nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa kanyang sarili, paano siya maaasahang magsulong ng kabutihang panlahat?

Mga Kapanalig, gamitin nating imahe ang mababasa natin sa Lucas 10:25-37. Ang kabutihang-loob na ipinamalas ng Samaritano sa taong ninakawan at binugbog ng mga magnanakaw at iniwang halos mamatay sa daan ay kabutihang mararamdaman ng lahat kung ang mga ahensiya ng gobyerno ay tumatakbo nang maayos at ginagawa ang kanilang tungkulin.  Magiging ganito sila kung ang mga pulitikong naihahalal natin ay tapat, nagsasabi ng katotohanan, at tunay na nakatuon sa kabutihang panlahat.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 37,118 total views

 37,118 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 48,193 total views

 48,193 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 54,526 total views

 54,526 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 59,140 total views

 59,140 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 60,701 total views

 60,701 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 37,119 total views

 37,119 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 48,194 total views

 48,194 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 54,527 total views

 54,527 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 59,141 total views

 59,141 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 60,702 total views

 60,702 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,362 total views

 43,362 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,024 total views

 66,024 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,600 total views

 71,600 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,081 total views

 77,081 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,194 total views

 88,194 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,193 total views

 84,193 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,895 total views

 71,895 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,377 total views

 80,377 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,436 total views

 73,436 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,360 total views

 80,360 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top