1,614 total views
Pinangunahan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang Misa para sa mga namayapang Obispo, Pari, relihiyoso at relihiyosa ng Archdiocese of Manila sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o mas kilala bilang Manila Cathedral.
Hinimok ni Bishop Pabillo ang bawat mananampalataya na ipanalangin ang katuparan at kaganapan ng pagsusumikap ng lahat ng mga namayapang lingkod ng Simbahan na makarating at makasama ang Panginoon sa paraiso.
Ayon kay Bishop Pabillo, inilaan ng mga Obispo, Pari, Madre at ng mga religious men and women ang kanilang buhay at panahon upang magsilbing katuwang ng Simbahan ng pagsasakatuparan ng misyon na ipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.
“We pray that all those our beloved dead in religion may reach the fulfillment of what they have struggled for, they have worked and they have committed themselves to the work of the church as we do now, many of them we don’t know but we are sure that the Lord has been in their lives, in the way of service during the years that they served as priests and as religious so we ask the Lord that they who have given their lives, their times and their concerns may be rewarded for their dedication…”pagninilay ni Bishop Pabillo.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang pananalangin para sa mga yumao ay isang kongretong simbolo ng walang katapusang pagkakapatiran ng mga Kristiyano bilang mga anak ng Diyos na hindi matutuldukan maging ng kamatayan.
Sinabi ni Bishop Pabillo na isa rin itong patuloy na hamon sa bawat isa na maging huwaran ang katapatan at matatag na pananampalataya sa Panginoon.
“Our gathering is a sign that our fellowship in the Lord does not stop because they have died, that this fellowship continues that’s why we pray for them and we even ask for prayers and their fidelity inspire us that we also may bse faithful up to the end. So our connectivenes with those who are gone ahead of us continues and at the same time our gathering together is also a push that we remain faithful up to the end as we are praying now for our beloved dead”.dagdag pa ni Bishop Pabillo.
Nauna ng pinalawig ng Vatican ang paggagawad ng plenaryo indulhensya hanggang sa buong buwan ng Nobyembre mula sa karaniwang paggawad ng indulhensya simula unang araw hanggang ika-8 ng Nobyembre.
Ang indulhensya plenaryo ay ang pagtatanggal sa parusang temporal sa mga kasalanang nagawa ng tao na maaaring matanggap sa anumang araw sa buong buwan ng sinumang bibisita sa puntod, magdarasal para sa mga namayapa at magsasagawa ng pagkakawanggawa. Sat 4:00 PM