Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi sila mga hari at reyna

SHARE THE TRUTH

 332 total views

Mga Kapanalig, habang dapang-dapa ang ating mga magsasakang kababayan sa Gitnang Luzon matapos ang Bagyong Karding, ang kalihim ng Department of Agriculture na mismong si Pangulong Bongbong Marcos, Jr ay lumipad pa-Singapore upang manood ng karera ng mga sasakyan.

Hindi malinaw kung opisyal na pagbisita o personal na bakasyon kasama ang kanyang pamilya ang ginawa ng presidente. Hindi nga rin ito inanunsyo; nalaman na lang nating nandoon ang pangulo nang kumalat na ang mga larawan nila sa social media. Idinaan ni PBBM sa isang tweet ang pagpapaliwanag ng kanyang pagbiyahe sa Singapore. Aniya, daan daw ang Formula 1 Grand Prix upang makadaupang-palad ang mga foreign dignitaries at maengganyo ang mga negosyanteng mamuhunan sa Pilipinas.

Abangan natin kung mamumunga nga ba ang maluhong biyahe ng pangulo at kanyang pamilya ng mga negosyong magbibigay ng hanapbuhay sa milyun-milyong walang trabaho sa bansa. Tingnan natin kung paano maiaangat ng panliligaw niya sa mga negosyante habang nanonood ng karera ang naghihikahos na sektor ng agrikultura, lalo na pagkatapos ng isang super bagyo. Subaybayan natin kung paano nito mapaluluwag ang paghihigpit ng sinturon ng karaniwang Pilipino sa gitna ng matataas na presyo ng mga bilihin at pamasahe.

Mukhang malaki pa naman ang ginastos sa biyaheng iyon sa Singapore ni PBBM. Ang halaga ng tinatawag na “exclusive access” sa naturang karera, kung saan nasa isang magandang puwesto ang mga manonood at magsasawà sila sa masasarap na pagkain at inumin, ay naglalaro sa ₱72,500 hanggang ₱406,000. Ginamit pa nila ang presidential jet na G280 Gulfstream, na wala namang problema kung ginamit ito sa isang opisyal na lakad. Pero hindi biro ang gastos para sa paggamit nito. At siyempre, kailangan din nilang matulog doon, at hindi uubra ang ordinaryong hotel para sa kanila.

Kung sariling pera nila ang ginamit sa pagpunta sa Singapore, hindi kaya ito maituturing na paglabag sa Section 4 ng Republic Act 6713 o Code of Conduct for Government Officials and Employees? Nakasaad ditong ang pamumuhay ng sinumang opisyal at kawani ng gobyerno, pati na ng kanilang pamilya, ay dapat simple at angkop sa kanilang posisyon at tinatanggap na sahod. “Public officials and employees and their families shall lead modest lives appropriate to their positions and income. They shall not indulge in extravagant or ostentatious display of wealth in any form.” Ngunit hindi naman ito talaga siniseryoso ng ating mga tinaguriang lingkod-bayan.

Kung pera naman ng bayan ang pinanggastos nila, mas may karapatan tayong alamin kung ano ang layunin ng tila ba patagong pagpunta roon ng pangulo at ng kanyang pamilya. Magkano ang kabuuan nilang gastos? Sinu-sino ang mga ginastusan ng perang pinag-ambag-ambagan nating mga nagbabayad ng buwis? At wasto at angkop nga ba ang ginawa nilang ito gayong hindi pa nga humuhupa ang baha sa mga bayang sinalanta ng bagyo? Sa Code of Conduct for Government Officials and Employees, sinasabi ring “public officials and employees shall always uphold the public interest over and above personal interest.”

Nagkukulang na nga ba talaga tayo ng mga pulitikong inilalarawan ni Pope Francis sa kanyang liham na Fratelli Tutti na tinawag upang pagsilbihan ang mga taong nangangailangan? Wala na nga ba tayong mga lider na handang akuin at gampanan ang kanilang tungkulin sa mga sitwasyon ng pagsasantabi at paghihirap?[3] Lubhang bihira na nga ba ang mga pulitikong handang maging alipin at maglingkod sa iba upang maging dakila, gaya ng mababasa natin sa Mateo 20:26-27?

Mga Kapanalig, itaas natin ang ating pamantayan sa ating mga piniling pamunuan ang ating bayan. Hindi sila mga hari o reynang pinagsisilbihan at binibuhay ng ating dugo’t pawis. Sila ay ating mga lingkod-bayan at tayo ang kanilang boss.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 23,463 total views

 23,463 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 30,799 total views

 30,799 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 38,114 total views

 38,114 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 88,435 total views

 88,435 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 97,911 total views

 97,911 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 23,464 total views

 23,464 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 30,801 total views

 30,800 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 38,116 total views

 38,115 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 88,437 total views

 88,437 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 97,913 total views

 97,913 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 76,422 total views

 76,422 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 82,681 total views

 82,681 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 96,998 total views

 96,998 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 82,365 total views

 82,365 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 69,956 total views

 69,956 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 82,558 total views

 82,558 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 77,871 total views

 77,871 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 82,804 total views

 82,804 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 133,364 total views

 133,364 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 138,523 total views

 138,523 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top