2,496 total views
Ito ay sa taunang paggunita ng National Farmers and Fisherfolks month tuwing buwan ng mayo.
Nawa ayon sa Obispo ay maunawaan ng pamahalaan kasama ang mga mamamayan ang kagyat na pagsusulong ng sustainable Agriculture.
“Sana po ay makita nating lalo ang mahalagang papel na ginagampanan natin sa ating lipunan lalo na sa “food production.” Magtulong-tulong po tayo sa pagtugon para sa sustainable agriculture. Sama-sama nating alagaan ang kalikasan,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.
Ito ay upang matiyak na maisusulong ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa malinis na paraan nang hindi sinisira ako kalikasan.
Panawagan pa ng Obispo ang higit ding pangangalaga sa mga likas na yamang tubig na pinagkukunan ng suplay at pagkain.
Itinalaga ng Department of Agriculture ang temang “Magsasaka’t Mangingisdang Pilipino, Saludo ang buong Bansa sa Sipag, Tibay at Lakas niyo” bilang paggunita sa National Farmers and Fisherfolks Month.