Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle at the Feast Day of Our Lady of Mt. Carmel, Installation of the new Rector of Minor Basilica of San Sebastian, Rev. Fr. Edgar P. Tubio, OAR

SHARE THE TRUTH

 870 total views

His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle at the Feast Day of Our Lady of Mt. Carmel
Installation of the new Rector of Minor Basilica of San Sebastian,
Rev. Fr. Edgar P. Tubio, OAR
July 16, 2018

My dear brothers and sisters in Christ we give thanks to God who has gather us as one family, as one community of faith in this Eucharistic celebration.

We thank God also for giving us a mother, our blessed mother who under the title of Our Lady of Mt. Carmel we venerate today.

Our gathering is made more special because we just witness the installation of our new parish priest si Fr. Edgar. And we also thank si Fr. Joy our former parish priest for his service to the community.

And we wish him well on his new assignment. We also thank the Augustinian recollects for brining to the Philippines 400 years ago the first image of Our Lady of Mt. Carmel.

So maraming-maraming salamat po sa inyo. Carmel a place that is revered in Scriptures. Isang lugar nang pakikipagtapo sa Diyos, isang lugar nang malalim na karanasan sa Diyos. At doon sa bundok ng Carmel, doon din ipinakilala ng propeta Elias ang tunay na Diyos.

Sa pangalan pa lang Camel, Carmel dapat nanggigilalas na ang mga huwad na diyos. At sabi nga sa ating pambungad na panalangin, ang tunay na bundok ay si Hesus. Siya ang ating inaakyat dahil siya ang tagapagpakilala ng tunay na Diyos.

At kay Hesus magkakaroon tayo ng malalim na pakikipag-ugnayan sa Ama. Siya ang daan, siya ang luklukan ng prisensya ng Diyos, kaya sa kanya rin natin makikilala and tunay na Diyos.

Our readings for today which are the regular readings for this day give us some indications on how we as Disciples of Christ who’d always go up to Carmel, encounter the true God, commit ourselves to the true God and be missionaries bearing in our own bodies like the blessed mother the God the true God that people and the world need to see.

As Disciples of Christ we are supposed to be also the pointers, the signs to the true God. Lalo na sa panahon natin ngayon, andaming kakumpitensya ang Diyos. At kung minsan yung mga huwad, fake na diyos sila pa ang mas attractive at mas nakakakuha ng tagasunod.

And tunay na Diyos kalimitan tinatalikuran, nilalayuan. Sa isang kumpil pinaliwanag ko sa mga kukumpilan na sa pagtanggap nilang muli ng Espiritu Santo hari nawa makilala nila lalo si Hesus at ang Diyos Ama. At maging maligaya na piliin si Hesus. Binigyan ko sila ng test sabi ko “pagkatapos ng kumpil ano ang pipiliin ninyo? Paglalakwatsa o pag-aaral?” Pag-aaral po.

Tuwang-tuwa naman ako parang dahan-dahan nilang pinipili ang daan patungo sa kabutihan. “Ano ang pipiliin ninyo, panonood ng Tv o pagdarasal?” Pagdarasal po. Umaakyant na sa Carmel. Sabi ko ano ang mas mahalaga ang misa o thirty million dollars? 30 million dollars.

Wala pera lang pala ang katumbas. Pasalamat sila tinangal na sa kumpil ang pagsampal kung hindi sangkaterba yung nasampal ko. baka na dagukan pa. Pero paano mo naman sasakatan yung mga batang iyon, kanino sila natuto na mas mahalaga ang 30 million dollars; Sa mga nakatatanda.

Tanungin ko nga kayo ano ang mas mahalaga ang misa o 100 million dollars? Tignan ninyo di natin mapangatawanan, misa. Kaya kailangan natin ng Our Lady of Mt. Carmel. Kaya kailangan nating umakyat lagi sa bundok na si Hesus. Ang mga pagbasa ay may paalaala una po ay galing sa Gospel. Sabi niya, who ever loves father or mother more than me is not worthy of me. Whoever loves son or daughter more than me is not worthy of me.”

Whoever loves 100 million dollars more than me is not worthy of me. Whoever loves career and ambition more than me is not worthy of me. Jesus is presenting a hierarchy of loves, of desires. He is not telling us not to love our mother, father, brothers or sisters but the question is do you love them more than you love me? Because if you do a time will come you will exchange them for me. And you will not take up your cross and follow me.

Ang pagsunod kay Hesus at sa tunay na Diyos maraming krus na papasanin. Samantala ang mga huwad na diyos binubura ang krus, nangangako ng mga huwad na landas kaya marami silang tagasunod. Buy Jesus promises those who have left everything for him, for his sake; eternal reward.

So hindi po tayo sinasabihan na huwag mahalin ang pamilya at ang kapwa kundi mahalin ang lahat sa liwanag ng pagmamahal natin kay Kristo. At sa liwanag ng pagmamahal kay Kristo, mamamahal natin ang lahat pati ang kaaway.

Iyan ang napakalaking krus; mahalin ang kaaway. Pero pag hindi pinasan ang krus na iyan sabi ni Kristo “You are not worthy of me.” So we love everyone in the light of our love for Christ.

Pero hindi ibig-sabihin niyan everything will be okay. When you love Christ many people will hate you; kaya nagkakaroon ng division. Kahit hindi mo awayin, aawayin ka basta panig ka kay Kristo.

Hindi na natin kailangan na mang-away, wala naman tayong purpose na mang-away pero humanda ka, aawayin ka kasi kay Kristo ka. Manindigan ka sa katotohanan, marami kang kaaway. Mga mag-asawa, mga mister sabihin ninyo sa misis ninyo mamaya na parang tumatanda ka at tumataba, kahit iyon ang totoo patay ka. Pero magsinungaling ka; bumabata ka sume-sexy ka, tuwang-tuwa iyan.

Ang nasa panig ng katotohanan aawayin. Ang nagbubulaan andaming kaibigan. Mga estudyante halimbawa may kaklase ka sabihing di ko alam ang sagot, pakopya naman. O kaya sasabihin sa iyo ito i-share ko sa iyo ang mga sagot ko. huwag kang magsasabing praise the Lord, hulog ng langit.

Kung nasapanig ka ni Hesus sasabihin mo hindi. Mas mabuti pa sa aking bumagsak ng marangal kaysa pumasa nang baluktot ang daan pero may magagalit sa iyo.

You don’t need to fight them but be ready they will fight you for the sake of Christ and the Gospel. Ano ho titigil na ba ako rito? Para bang hindi piyesta. Pero magandang paala-ala ito “do you love me more than these” the question that Jesus posed to Peter. The first reading also gives us some reminders. The Israelites had so many sacrifices, many rituals, holocausts. Yung sinusunog yung baka, sinusunog yung tupa.

Yung dugo ng tupa ay ini-isprikle at inaalay sa Diyos. Sinabi ng Diyos sa first reading “I had have enough of whole burnt rams and fat of fat limbs. In the blood of calves, lambs and goats I find no pleasure.”

Siguro kung si Isaias ay Pilipino baka iba ito. Baka sasabihin ng Diyos sawang-sawa na ako sa inyong mga lechon, sawang-sawa na ako sa taba ng Crispy pata, sawang-sawa na ako sa dinuguan. Hindi naman niya sinabing itigil pero sabi kulang iyan. Your hands are full of blood. Wash your hands clean.

Put away misdeeds before my eyes. Listen to the orphans and the widows.Hindi natutuwa ang Diyos na puro seremonyas lang sa ordinaryong buhay naman wala naman palang ginagawang matuwid.

Natutuwa ang Diyos kung ang mga ritwal ay may kasabay na askyon sa buhay. Lalo na mga kilos nang katotohanan, katarungan, pagdamay, pagmamahal. Kung wala iyon at alay lang nang alay ng mga ritwal sabi ng Panginoon sawang-sawa na ako dyan. Kaya alam natin ano ang makapagbibigay lugod at kasiyahan sa Diyos; pananalangin na mayroong kilos na naayon sa kanyang katarungan, katotohanan, at pag-ibig.

Maganda po ang mga pagbasa samantalang pinagdiriwang natin ang Birhen ng Carmel. Ang Birheng na nagpapaala-ala sa atin na kilalanin ang tunay na Diyos. Mahalin siya nang higit sa lahat. Mahalin siya nang buo mong isip, puso, at kaluluwa. At ialay sa kanya hindi lamang mga hungkab na ritwal kundi isang buhay, buhay na kaaya-aya sa Diyos.

Fr. Edgar, ewan ko kung bakit ka nagpa-install. Pero maganda, magandang paala-ala sa isang bagong parish priest. Hindi lamang mga projects, hindi lamang ang iyong mga achievements at maitatayo. Sa bandang huli akayin mo ang sambayan sa tunay na Diyos. Akayin mo sila para mahalin ang Diyos nang higit sa lahat.

Akayin mo sila upang ang kanilang pagsamba, sakramento, liturhiya ay kasabay din ng buhay na dumadamay sa mga maliliit at inaapi. Sana pagnatapos ang term mo hindi lamang; ahh iyang pader na yan si Fr. Edgar ang nakapagpapinta.

Iyang ilaw na yan si Fr. Edgar ang nakapagpalinis, hindi. Sana pagnarinig nila Fr. Edgar, nakilala namin ang tunay na Diyos. Mga minamahal na kapatid tulungan ninyo po si Fr. Edgar at gabayan din ninyo siya para hindi siya kumawala sa tunay na Diyos.

Inspire your parish priest to become a better person, Christian and priest and religious. Kasi tulad ninyo natutukso rin kami ng mga huwad na diyos. But through your witness of life hopefully Fr. will always cling to the true God. Kaya hindi lang po kayo maghihintay; Fr. alagaan mo kami, Fr. gabayan mo kami. Gabayan din po ninyo ang pari. Kaya sa inyong mga kamay hinahabilin din po namin si Fr. Edgar. Huwag nyo lang siyang patatabain; hindi niya na kailangan.

Palaguin ninyo siya sa kabanalan, sa pagigingmaka-tao, pagiging maka-kristo, at mabuting relihiyoso. At sa iyo rin mga kamay Fr. Edgar pinagkakatiwala ang napakagandang sambayanang ito. Nawa sa inyong pagtutulungan makita ng mundo may tunay ngang Diyos. Sana sa inyong masayang pagkapit sa tunay na Diyos maingit ang iba at masabing nanduon and tunay na Diyos, nakilala nila.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 43,530 total views

 43,530 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 58,186 total views

 58,186 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 68,301 total views

 68,301 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 77,878 total views

 77,878 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 97,867 total views

 97,867 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Arnel Pelaco

Homily of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle – Chrism Mass – Maundy Thursday at Manila Cathedral – April 18, 2019

 899 total views

 899 total views HOMILY of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle – Chrism Mass – Maundy Thursday @ Manila Cathedral – April 18, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, mga kapatid sa Panginoong Hesukristo first of all we give praise and thanks to God he brought us together, he call us to

Read More »
Cardinal Homily
Arnel Pelaco

Homily, Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dedication of the Altar of the Manila Cathedral – December 10, 2018

 1,055 total views

 1,055 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat tayo po ay magpasalamat sa Diyos na nagtipon sa atin bilang isang sambayanan sa napaka gandang katedral na ito. Nagpapasalamat po kami sa bawat isa sa inyo na bagamat Lunes, yung iba siguro ay pagod sa trabaho at ibig nang umuwi at magpahinga

Read More »
Cardinal Homily
Arnel Pelaco

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Pastoral Visit at San Felipe Neri Parish, Mandaluyong City

 957 total views

 957 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Pastoral Visit at San Felipe Neri Parish, Mandaluyong City July 15, 2018 My dear sisters and brothers in Christ, we thank God for gathering us, forming us as community, as one family of faith this evening and we thank God for His love, His word, the body and

Read More »
Cardinal Homily
Arnel Pelaco

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle – 70th Anniversary of Our Lady of Lourdes Hospital, Sta. Mesa, Manila – July 15, 2018

 839 total views

 839 total views My Dear Brothers and sisters of Christ, we give thanks to God for bringing us together as one community, as one family of faith and today… in a special way to thank God for the a mission of this venerable institution Our Lady of Lourdes Hospital and as we thank God for sowing

Read More »
Cardinal Homily
Arnel Pelaco

HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Sacred Heart Parish Mandaluyong

 874 total views

 874 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Sacred Heart Parish Mandaluyong June 10, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya sa Panginoong Hesus tayo po ay tinipon ng Panginoon bilang isang sambayanan kahit na umuulan, kahit na may mga lugar na nagkakaroon na ng tubig tuloy pa rin ang ating pasasalamat at pagdiriwang dahil

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top