284 total views
Maling pamamaraan para masugpo ang HIV and AIDS sa bansa.
Itinuturing ng Obispo na isang maling taktika ng pamahalaan na mamigay ng condom sa mga kabataan upang maiwasan ang pagdami ng nagkakasakit ng HIV and AIDS sa bansa.
Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., magtutulak lalo ito sa mga kabataan sa premarital sex .
“Makakapag-encourage pa yan ng premarital sex o extramarital sex sa mga kabataan kaya it is the wrong tactics yung gagawin nilang yan, and there will be more damage than before kasi mas magiging risky sa mga kabataan na gagamit diyan hindi makakamtan ng gobyerno ang kanyang layunin pagdating sa bagay na yun, maling kaisipan din ang pinahahatid nito sa mga kabataan na magbibigay ito ng kaligtasan sa pagkakaroon ng virus ng aids dahil sa katotohanan ay kayang maisalin ang aids dahil sa paggamit ng condom. Hindi safe ang paggamit ng condom kayang kayang lumusot ng HIV virus sa natural butas ng condom at bukod pa dun ei lalu na yung mga condom na ilalabas ay mga luma na yan natatakot sila na mag expired.” Pahayag pa ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas.
Dagdag pa ng Obispo sa halip na libreng condom, pagtuturo ng mataas na moralidad ang ibigay ng pamahalaan sa mga kabataan upang magkaroon ng tamang pag-iisip sa pakikipagrelasyon at pagpapamilya.
“Ipaabot sa mga kabataan na karamihan ng mga lalaking may Aids nakuha ito sa pakikipag sex sa kapwa lalaki. Mga babae naman nakukuha ito sa sex with many partners o sa may Aids na. Also teach them self discipline.” Dagdag pa ng obispo.
Samantala mula nga sa datus ng Department of Health, 25 Filipino kada araw ang nagkakaroon ng sakit na HIV/AIDS mula noong Mayo ngayong taon .