172 total views
Bago ang pagpapayabong ng kaalaman, mahalagang maging bukas ang bawat isa sa pagtanggap ng Banal na Espiritu na pangunahing daan para sa pagpapanibago ng puso, isip at damdamin para sa kapayapaan ng pamilya, lipunan at ng buong mundo.
Ito ang mensahe ni San Jose, Nueva Ecjia Bishop Roberto Mallari-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) para sa Mass of the Holy Spirit sa pagbubukas ng school year calendar ng University of Santo Tomas 2017-2018.
Sa homiliya sinabi ni Bishop Mallari na mahalaga na hingin sa banal na espiritu ang biyaya at maipakita sa lipunan ang pagmamahal ng Diyos.
“In order for us to be effective agents of communion and renewal in the church and society, as we commit ourselves to new evangelization we have to be filled with a holy spirit with it’s gifts and fruits,” ayon kay Bishop Mallari.
At bilang catholic educators nawa ay magsilbing tulay sa pagbabahagi ng kaalaman at mabuting balita sa kapwa kaakibat ang pagmamalasakit.
“These gifts and fruits are actually what we need in order for us to realize and fulfill our mission and vision as catholic educators. Without which we lose sight of our purpose and reason of our existence. Our Catholic institutions such as colleges and universities must become channels of the spirit in order for these gifts and fruits to be dispenced and made available for all,” bahagi ng homiliya ni Bishop Mallari.
Kasama ring nagconcelebrate sa misa ang Dominican Fathers sa pangunguna ni Reverend Father Herminio Dagohoy, OP UST Rector at dinaluhan ng Thomasian community bilang hudyat sa pagbubukas ng klase.
Ang U-S-T ay may kabuuang 40 libong mag-aaral kabilang na ang pitong libong bagong Thomasians.
Ang U-S-T ay kabilang sa higit 200 miyembro Catholic Educators Association of the Philippines (CEAP) na nagpatupad ng bagong school calendar na nagsisimula ng Agosto-Mayo mula sa dating Hunyo-Marso.