211 total views
Pinasinayaan ni Cebu Auxiliary Bishop Oscar Florencio – Diocesan Administrator of Military Ordinariate of the Philippines ang Home of Hope of St. Camillus na itinatag ng Camilllians Philippines sa pakikipagtulungan nito sa Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care at Archdiocese of Cebu.
Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI ā Executive Secretary ng CBCP ECHC, ito ay magsisilbing bukas na tahanan para sa mga taong lulong sa masamang bisyo, mayroong HIV-AIDS, mental health illness o anu pa mang karamdaman.
Ipinaliwanag ni Father Cancino na ang inisyatibong ito ay ginagawa ng Simbahang Katolika upang mas maipamalas ang kahalagahan ng buhay at matugunan din ang ibaāt-ibang medikal na pangangailangan ng bawat Filipino.
āIto ay isang tahanan kung saan lahat ng mga papasok dito ay matatagpuan nila ang tunay na pag-asa at ang patuloy na kahalagahan ng buhay. Ito ay para sa mga tao or people who use drugs or inject drugs, at dito sa center makaka-access sila ng health promotions, mga drug awareness, health awareness sa mga different diseases like HIV, STI, Tuberculosis.ā Pahayag ng pari sa Radyo Veritas
Bukod dito, inihayag ni Father Cancino, makapagbibigay din ang Home of Hope of St. Camillus ng medical at surgical services depende sa pangangailangan ng isang pasyente at mayroon ding libreng HIV testing at psycho-spiritual accompaniment sa sinumang nangangailangan at gustong magbago ang kanyang buhay.
āItong Home of Hope na ito, parang gumawa na ng network of services dun sa ibaāt-ibang partners natin. So kumbaga ang ating pinaka aim dito ay tayo sa simbahan nagpapahalaga tayo ng buhay at tayo ay naninindigan na sa pagmamahal at pag-asa sa Panginoon, may pagbabagong mangyayari, at hindi tayo maggi-give up dun sa mga kapatid natin na gusto talagang magbago.ā Dagdag pa ni Father Cancino.
Nananawagan din si Fr. Cancino para sa karagdagang tulong at suporta upang maipagpatuloy at mapalawak pa ng simbahan ang pagtulong sa pangmental at medikal na pangangailangan ng bawat Filipino.
Ayon sa Pari, sa pamamagitan ng munting pagtulong sa nangangailangan, ang bawat isa sa atin ay nagiging mabuting Samaritano na handang tumulong at umagapay sa ating kapatid na humihingi ng tulong.
āInaanyayahan ko kayo na suportahan natin ang programa ng simbahan, lalong lalo na sa pagtulong sa ating mga kapatid na gustong magbago at lalong lalo na rin sa pangmental at health services natin sa simbahan dahil ito ay isang basic na pangangailangan ito ay karapatan ng ating mga kababayan.ā Pahayag ng Pari.
Ang pagbubukas ng Home of Hope of St. Camillus na ginanap noong ika-14 ng Marso ay dinaluhan ng humigit kumulang 135 mga katuwang ng simbahan mula sa International, National at Local Non-Government Organizations.