Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homiliya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle 33rd National Migrants’ Sunday sa Sta. Clara de Montefalco Parish, Pasay City

SHARE THE TRUTH

 315 total views

Homiliya
Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle
33rd National Migrants’ Sunday
Sta. Clara de Montefalco Parish, Pasay City
March 10, 2019

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po una sa lahat ay nagpapasalamat sa Diyos na tumatawag sa atin at nagtipon bilang isang sambayanan ngayong unang Linggo ng kuwaresma.

Ang apatnapung araw ng kuwaresma ay paanyaya sa atin na maghanda na makipaglakbay kasama ni Hesus.

Saan ba pupunta si Hesus? Sa Jerusalem, upang doon ay Kan’yang tuparin ang misyon na ialay ang buong buhay bilang pagtalima sa Diyos Ama at pagmamahal sa atin.

‘Yong mga alagad N’ya nangako, “sasama kami sa iyo hanggang Jerusalem.” Pero noong hinuhuli na si Hesus, iniwanan na nila si Hesus.

Tayo sabi natin sa Salmo Responsoryo, “Poon ko samahan mo ako sa aking dusa ay kahirapan,” e kung sabihin naman ni Hesus, “Kayo samahan ninyo naman ako sa aking dusa at kahirapan,” sasama ba tayo?

Kaya itong apatnapung araw, paghahanda natin para talagang samahan natin si Hesus, dahil S’ya nangako, sasamahan N’ya tayo. Kapag tayo ay pupunta sa shopping, mag-sho-shopping, ang daming gustong sumama. Kapag manonood ng sine, lalo na kapag libre, ang daming sasama. Kapag may libreng tanghalian, ang daming sasama.

Pero kapag sumama ka sa Akin, pasanin mo ang Krus, ialay mo ang iyong buhay para sa kapwa’t sa Diyos, may sasama kaya?

Ang paglalakbay ni Hesus patungo sa Kan’yang kalbaryo ay napaka lungkot, hindi lamang dahil sa hirap ng katawan at isip, ito ay lalo nang mahirap dahil iniwanan S’ya ng Kan’yang mga kaibigan.

Papaano tayo maghahanda para masamahan si Hesus sa Kan’yang pagpunta sa kalbaryo? Ito pong mga darating na araw ay nag-aalay sa atin ng mga aral, mga pagninilay para kung papa’no tayong sinamahan ni Hesus sa ating paglalakbay, samahan din natin S’ya.

Sa araw na ito ang mga pagbasa ay tungkol sa ating paglalakbay sa pananampalataya. Sa unang pagbasa, pinaalaala ni Moises sa bayang Israel, “sinamahan kayo ng Diyos sa inyong paglalakbay, mula sa pagkaalipin sa Ehipto hanggang kayo ay makalaya.”

Kaya taun-taon, huwag n’yong kalilimutan na kayo ay bale wala na mga tao pero minahal kayo ng Diyos. Huwag n’yong kalilimutan ‘yon kung paano kayo pinulot ng Diyos sa kawalan, hinubog, minahal, ginawang kan’yang bayan, at harinawa kapag naalaala ‘yon, magpasalamat sa Diyos, mag-alay ng papuri, mag-alay ng mga ani ninyo sa lupa.

Dati wala kayong lupa ngayon meron na kayong natatamnan, huwag n’yong kalilimutan iyan ay dahil sinamahan kayo ng Diyos.

Ito po ang isang aral natin, alalahanin, gunitain, papaano tayo sinamahan ng Diyos at magpasalamat. Tayo po kasi madaling makalimot, kaya ang paglalakbay natin paputo-putol.

Halimbawa, kapag nawalan ng trabaho, “Diyos ko! Diyos ko! Samahan mo ako!” kapag nagkatrabaho na, good time na, good time! Gastos dito, gastos doon, nakakalimutan na ang Diyos. Tapos, sa sobrang kain, tataas ang blood pressure, tataas ang diabetes, tawag na naman sa Diyos, “Diyos ko! Diyos ko!” tapos kapag maayos na naman, nakalimutan na naman, litson dito, chicharon dyan, kaya ang ating buhay, paputol-putol, kulang sa memory.

Ang paglalakbay natin sa buhay, sa kamay ng Diyos ay isang napakagandang alaala, kapag nakalimutan, napuputol ang paglalakbay. Kaya nga sa misa, ano ang bilin ni Hesus, “Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa Akin.

Dahil hindi kita malilimutan, hindi Ko kayo kinakalimutan, pero bakit Ako ay inyong nakakalimutan? Sa ikalawang pagbasa naman, hindi lang pala sapat na naalaala natin ang kabutihan ng Diyos at salita ng Diyos, ang naaalaala natin, ipahayag, ibahagi i-share.

Sabi ni San Pablo, ang salita ng Diyos malapit sa inyo, nasa inyong puso. Pero kung malapit na sa puso, sana nasa labi rin, ipinahahayag. Huwag sarilinin ang alaala ng salita ng Diyos, ibahagi.

Mga kapatid, bahagi ng ating paglalakbay kasama ni Hesus ay ang misyon, ngayon ang labi ng tao parang punong puno ng galit. Sabi nga nila ngayon kumakalat ang tinatawag nating hate speech, Yun bang nagiging uso yung salita na hindi maganda at tinatanggap nalang, Yung salitang naninira, yung salitang nakakasakit parang ano nayon ngayon uso?

Uso kapag magalang kang magsalita parang wala ka sa moda, Parang ang pagiging magalang ay pinagtatawanan parang ngayon katanggap tanggap kapag ang dila mo ay matalas at marumi.

Hindi yon ang sinasabi sa atin ni Hesus, kung bubukas ang bibig mo sana salita ng Diyos na malapit rin sa iyong puso. Mga bata na nandito huwag n’yong tutularan ang hindi magandang halimbawa nang mga nakakatanda na ang pagsasalita ay magaspang.

Kapag magaspang ang pagsasalita gagaspang narin ang iyong mukha, kahit na ano pang sabon ang gamitin mo, kahit ano pang pabango ang gamitin mo, kahit ano pa ang isuot mo, magaspang! Alalahanin, gunitain ang kabutihan ng Diyos sa atin at ang malapit sa puso mo ipahayag ng iyong labi.

Pero siyempre yang paglalakbay na ‘yan hindi laging mapanatag. Sa ebanghelyo maraming tukso, para ang paglalakbay natin sa pananampalataya ay mapigilan. Si Jesus nga tinukso, ano yung mga tukso niya? Kapareho ng mga tukso na nararanasan natin. Halimbawa, “patunayan mo ang sarili mo!” yung tukso ba na magyabang, “kung ikaw nga ang anak ng Diyos, sige nga itong mga bato gawin mong tinapay patunayan mo ang sarili mo.

Yun tayo, yung tukso na hindi naman ‘yung kabutihan na gagawin kun’di patunayan mo na meron kang masasabi.

Mag e-eleksyon na naman lahat pinatutunayan ang kanilang sarili. Wala pa akong narinig na nangampanya na nagsabi, “Ako po, mahina, hindi ko po kaya ito, kaya magtulong-tulong po tayo.”

Naku walang ganyan! Ang lahat nang nangangampanya siya ang magaling. Tukso layuan mo ako! Pinaniniwala tayo na kaya nila lahat yon? hindi mo kaya baby! Aminin mo! Kapag doon nagsimula sa panglilinlang “Kaya ko ito!” tukso yan, ano na mangyayari? Sa simula palang gano’n na eh ano mangyayari?

‘Yung ikalawang tukso, naku po, “palitan mo na ang Diyos ako na ang sambahin mo, ang demonyo ang sambahin.” Ang demonyo ang magbibigay sayo ng kapangyarihan hindi ang Diyos. Kapag ang demonyo ang kinuhanan ng kapangyarihan, hindi na paglilingkod ang mangyayari, abuso na sa kapangyarihan. Pero kapag sa Diyos kinuha ang kapangyarihan ano ang kapangyarihan ng Diyos – Pag-ibig.

Kaya delikado na ang Diyos ay inaalipusta at pinapalitan siya at ang sinasamba na ay ang demonyo. Kapag ang diyos mo ay ang demonyo ang puder mo ay mala-demonyo rin.

At ang ikatlong tukso subukan mo ang Diyos, “sige nga subukan mo ang Diyos magpatihulog ka tingnan natin kung kikilos siya.”

Mga kapatid sa ating paglalakbay sa pananampalataya ang ganda ng memory ng pagmamahal ng Diyos na sana ay ating naipahahayag sa iba. Pero maraming tukso, tuluran natin si Hesus kumapit sa salita ng Diyos, huwag ipagpapalit ang Diyos, huwag sasamba sa ibang diyus-diyosan, kasi kapahamakan ang dulot ng mga huwad na diyos.

Kahit minsan hindi natin nauunawaan ang Diyos, ‘yan ay biyaya kase ang diyos na madaling unawain baka hindi yan diyos. Ang tunay na Diyos ay misteryo, kapag ang diyos ay napapaliwanag mo na nang lubus-lubusan huwad na diyos na yan ingat po tayo.

Unang linggo palang ho ito, sana palalimin natin ang ating paglalakbay sa pananampalataya para makasama natin si Hesus sa Kan’yang paglalakbay.

Sa Linggo pong ito ay Migrants Sunday. Kung tutuusin lahat tayo ay migrante, lahat tayo ay naglalakbay lang dito sa lupa. Dito pa sa atin na nasa Pasay, puwede ko bang malaman sino sa inyo ang talagang taga-Pasay? Taas ang kamay, Ilan sa inyo ang talagang pinanganak dito? Ilan sa inyo ang mga ninuno ay taga-Pasay? Ilan sa inyo sa atin ang nakatira dito sa Pasay pero ang pinagmulan ng mga ninuno ay sa ibang probinsya?

Ilan sa atin ang nandito ngayon dahil sa misang ito? (some raised their hand) mga migrante tayo, Migrants dito sa Santa Clara De Monte Falco. Araw-araw migrante tayo, umiikot tayo at karapatan ng tao ang pumili ng kanyang ibig puntahan, matirahan at magtrabaho.

Ang nakalulungkot lamang po, maraming tao ang napipilitan mag-migrate, ang tawag natin ay forced migration. Kung tutuusin gusto nila huwag umalis, pero dahil sa iba’t ibang mga factors; kahirapan, giyera, kawalan ng trabaho o kaya pagkasira ng mga tirahan nila dahil sa bagyo, dahil sa ecological changes, kahit yung ayaw mag-migrate napipilitan umalis.

Ang paglalakbay nila katulad nang nasabi ko kanina ay paglalakbay na maraming kalungkutang dala, pati yung kanilang pamilya naiiwan. Palagay ko lahat tayo dito mayroong isang kamag-anak na nag migrate sa ibang lugar, sa ibang bansa kung hindi man, sa ibang bahagi ng Pilipinas.

Tatapusin ko po ito kasi humahaba na, kararating ko lang po kaya medyo maliit ang aking – talaga namang maliit ang aking mga mata pero lalo pang lumiliit kasi kararating ko lang po galing Syria at Lebanon dahil po sa aking tungkulin sa Caritas International.

Bumibisita po ako sa mga lugar na either nasalanta ng natural calamities or nang giyera. Nakakalungkot po ang nakita ko sa Syria, huwag sana mangyari sa atin ano ho? Pero i-imagine n’yo, iniimagine ko kanina pa pasok dito sa Pasay, ‘yun bang habang pumapasok ka sa isang city sa kaliwa’t kanan ang makikita mo lamang mga bahay, building na na-bomba at ang natira na lamang ay mga bato-bato, mga bakal na liko-liko at alam mo sa ilalim ng mga bahay na yan ang daming bangkay na hindi na nahukay.

Lumikas ang mga tao, forced migration. May nakita akong bata putol ang paa tapos may isang bata lumapit sa akin nakangiti tapos kinausap ko through an interpreter, siya nalang ang buhay sa kanilang pamilya. Walong taon na bata. Saan nakatira? Kinupkop ng lolo, sabi nung lolo, “walong apo ang naiwan sa akin,” “anong gagawin ninyo?” “Lilikas kami.”

Forced migration; walang tubig, walang pagkain, walang kuryente. Pero mga kapatid ito po ang lalong nakasindak sa akin, sa Lebanon at Syria nagmisa ako sa mga Filipino na naroon, kahit lugar na peligroso pinupuntahan ng ating kababayan at yung dalawang minisahan ko mga kababayan natin na naging biktima ng human trafficking. Pinangakuan ng trabaho, pagdating nila doon – wala.

Kinuwartahan lang sila ng mga tinatawag na agency at sabi nung isa, “Ako po Kamag-anak ko pa ang nangdaya sa akin.” Ang kanilang paglalakbay ay malungkot, pero alam ninyo ang kanilang sinasabi, “Kapit lang Cardinal, kapit lang kay Hesus, kapit lang sa pananampalataya.”

‘Yon ang nagbibigay lakas sa kanila, sa kanilang migration. Pero dahil ang buhay natin ay araw-araw migration, sana rin pananampalataya ang ating kapitan at ipagdasal po natin ang mga kapatid natin na nasa panganib.

‘Yung mga naka kulong sa detention center for illegal migrants. At sa mga pamilya na nandito baka hindi n’yo alam ang pinagdadaanan ng inyong mahal sa buhay abroad dahil hindi nila sasabihin sa inyo ang tunay na kuwento.

Pakiusap ko lang, alagaan naman ninyo ang kanilang mga ipinadadala. Pahalagahan, huwag lulustayin kasi buhay nila ang nakataya para buhayin ang kanilang pamilya dito at bahagi na ng paggalang natin sa kanila ang gamitin ng maayos ang kanilang mga ipinadadala, kanilang ipina-uuwi sa atin.

Salamat nalang may Hesus na nakipaglakbay sa atin, nagbibigay lakas loob sa mga naglalakbay na dumaraan sa hirap.

Tayo po’y tumahimik sandali at ipanalangin ang ating mga kababayan at ang hindi natin kababayan, na ngayon ay naglalakbay, ibinebenta, dinadaya, nawa’y sila ay mailigtas sa kapahamakan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 25,776 total views

 25,776 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,432 total views

 40,432 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 50,547 total views

 50,547 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 60,124 total views

 60,124 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 80,113 total views

 80,113 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,901 total views

 6,901 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,900 total views

 6,900 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,858 total views

 6,858 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,870 total views

 6,870 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,911 total views

 6,911 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,868 total views

 6,868 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 6,954 total views

 6,954 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,838 total views

 6,838 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,832 total views

 6,832 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,905 total views

 6,905 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 7,050 total views

 7,050 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,885 total views

 6,885 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,933 total views

 6,933 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,893 total views

 6,893 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,851 total views

 6,851 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top