Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 264 total views

Palm Sunday Lk 19:28-40

Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Lk 23:1-49

Ngayong Sunday ay simula na ng Semana Santa, ng Holy Week. Ang Linggong ito ay tinatawag na Linggo ng Palapas o Palm Sunday at Linggo ng Pagpapakasakit ng Panginoon, o Passion Sunday. May dalawang pangalan siya dahil sa dalawang katangian ng pagdiriwang natin ngayong araw. Nagsimula tayo sa pag-alaala ng pagpasok ng Panginoong Jesus nang matagumpay sa lunsod ng Jerusalem. Sinalubong siya ng mga tao nang buong sigla. Winelcome siya ng mga sanga ng palapas na winawagayway ng mga tao. Saya at malaking pananabik ang naghahari sa mga tao noon. Kinikilala nila si Jesus bilang isang hari sa pumapasok sa kanyang lunsod. Kaya ang mga palaspas na dala natin ay tanda ng ating pag-welcome sa Panginoon at pagkilala ng paghahari niya. Iuwi natin sa bahay at ilagay sa may pintuan ng bahay o ng kwarto o sa harap ng ating altar sa bahay. Pagnakita natin ito, alalahanin natin na winewelcome natin si Jesus sa ating bahay at sa ating buhay.

Kadidinig din natin sa pagbasa ang mahabang kasaysayan ng mga huling araw ng Panginoon sa Jerusalem, kung paano siya ipinagkanulo, dinakip, hinatulan, pinasakitan, ipinako sa krus at namatay. Lungkot at awa naman ang naghari sa atin habang pinapakinggan natin ang salaysay na ito. Malaking pagkakaiba ito sa masayang pagtanggap sa kanya ng may palaspas. Sa pagbabasa ng pagpapakasakit ng Panginoong hinahanda tayo sa mangyayari kay Jesus ngayong linggo. Kaya sinisimulan na nating pagnilayan ang kanyang pagpapakasakit at kamatayan. Kaya ngayon ay Passion Sunday.

Sa kanyang ebanghelyo piniprisenta ni Lukas na si Jesus ay determinadong naglalakbay patungo sa Jerusalem. Alam ni Jesus na ang kanyang misyon at ang kanyang buhay ay magkakaroon ng kaganapan doon. Maraming tao ang nasa lunsod ng mga araw na iyon kasi nalalapit na ang dakilang kapistahan ng Paskuwa, ang pag-alaala ng mga Israelita ng kanilang paglaya mula sa pagkaalipin sa Egipto. Dahil sa kanyang pangangaral at mga kababalaghang ginawa, kilala na si Jesus ng mga tao. Kaya noong nakita nila siya na dumadating, tuwang-tuwa sila na tinanggap siya. Kinilala nila siya na isang hari na dumadating sa ngalan ng Panginoong Diyos. At dumating si Jesus na nakasakay sa isang asno. Kakaibang hari ito. Ang asno ay hindi isang hayop na pandigma, hindi tulad ng kabayo. Ito ay hayop na pangkarga at pangtrabaho sa bukid. Ang haring ito ay dumadating hindi sa kadakilaan kundi sa kababaan. Iba ang kanyang paghahari. Sa panahon na siya ay binibigyang pugay ng mga tao, nanatili si Jesus na mababang loob.

Hindi pinagmalaki ni Jesus ang pagkilala sa kanya kasi kilala niya tayong mga tao. Alam niya na madali tayong magbago. Ang ating pagtanggap ay madaling maging pagtalikod o pagwalang kibo. Hindi siya nagkamali. Ilang araw lang ang dumaan at ang sigaw sa Jerusalem na “Hosanna sa Kaitaasan!” ay napalitan ng “Ipako siya sa Krus!” Sa maraming taong tumanggap sa kanya, ni wala mang nagtanggol sa kanya noong siya ay inaakusahan at hinahatulan. Sana hindi ito mangyari sa atin, na madali tayong tumalikod o makalimot sa Panginoon, na tayo ay nagpapadala lang sa public opinion o kung anong uso na ginagawa ng iba. Maging tulad sana tayo ni Mariang Ina ni Jesus na patuloy na nanindigan sa tabi ni Jesus kahit na sa ilalim ng krus.

Sa pagbasa natin ng kanyang pagpapakasakit, may ilang mga bagay din na nakakatawag ng pansin natin na kakaiba talaga si Jesus, hindi lang sa panahon ng tagumpay, pati na rin sa panahon ng kahirapan.

Habang siya ay hinahatulan, at lantarang kasinungalingan ang inaakusa sa kanya, siya ay tahimik. Hindi siya kumibo at hindi niya ipinagtanggol ang sarili, ni sa harap ni Caifas at ni Annas na leaders ng mga Hudyo, ni sa harap ni Haring Herodes na hari ng mga Hudyo, ni sa harap ni Pontio Pilato na gobernador ng mga Romano. Hindi niya ipinagtanggol ang kanyang sarili, kahit na sa mga kawal ng mga Hudyo at mga Romano na masakit na pinaglalaruan siya. Hindi siya namatay na may galit. Namatay siya na may tiwala sa Diyos kaya ang kanyang huling salita ay: “Ama, sa mga kamay mo ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu.” Tulad siya ng isang maamong tupa hanggang sa wakas at tinupad niya ang sinulat ni propeta Isaias na ating narinig sa unang pagbasa: “Hindi ako tumutol nang bugbugin nila ako, hindi ako kumibo ng ako’y kanilang insultuhin…ang pagdusta nila ay hindi ko pinapansin pagkat ang Makapangyarihang Panginoon ang tumutulong sa akin.”

Hindi siya kumibo sa mga insulto at pasakit sa kanya pero kumibo siya nang may habag sa mga tao. Ang reaction niya ay patawad at ipinagdasal pa niya ang gumagawa ng masama sa kanya: “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” Hindi niya pinansin ang insulto ng salarin na kumutya sa kanya pero pinangakuan niya ng langit ang salarin na kumilala sa kanya: “Sinasabi ko sa iyo, ngayon di’y isasama kita sa paraiso.” Pinansin niya ang mga babae na tumatangis sa kanya at sinabi sa kanila na ang mas tangisan nila ay hindi siya kundi ang darating na parusa sa mga tao.

Kakaiba si Jesus, kahit na sa kanyang kamatayan. Tularan natin siya. Piliin natin kung kanino tayo mag-re-react. Kahit na sa kahirapan huwag tayong maging self-centered, na ang pinapansin ay ang sarili. Mas pansinin natin ang iba at ang kanilang pangangailangan. Piliin natin na ang mananatili sa puso natin ay hindi ang galit o paghihiganti kundi ang awa sa iba at ang tiwala sa Diyos.

Maganda na sa linggong ito, huwag tayong magpabaya. Huwag tayong magpalipas lang ng panahon. Ang sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad sa jarden ng Gethsemani ay sinasabi niya sa atin: “Bakit kayo natutulog? Bumangon kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso.” Ang Semana Santa ay panahon ng panalangin. Manatili tayong gising at listo para magdasal. Maraming mga paraan ng panalangin ang inaalok sa atin ng simbahan. Nandiyan ang pagbabasa ng pasyon. Ito ay pagninilay sa kasaysayan ng ating kaligtasan sa pamamagitan ng awit. Makisabay tayo dito sa mga chapels natin na may diwa ng pagdarasal. Nandiyan din ang sariling pagbabasa ng Bible. Nandiyan din ang pakikisa sa mga pagdiriwang sa simbahan sa Huwebes Santo – sa Pagdiriwang ng Huling Hapunan ni Jesus, sa Biernes Santo – sa pagdiriwang ng Pagpaparangal sa Krus at ng kamatayan ni Jesus, at lalo’t higit sa Sabado de Gloria, ang magandang pagdiriwang ng magdamagang pag-aantay sa Muling Pagkabuhay at ang Pagkabuhay mismo ni Jesus.

Nandiyan din ang pakikiisa sa Daan ng Krus sa Biyernes, ang pagpuprusisyon ng Santo Entierro at ng mga santo, at ang masayang pakikiisa sa Salubong na walang iba kundi ang pag-alala sa pagtatagpo ni Jesus na muling nabuhay at ng kanyang nagdurusang Ina. Ang mga gawaing ito ay dapat tumulong sa atin sa ating pagdarasal at sa ating pagpapahalaga sa gawain ng kaligtasan na dinaanan ni Jesus para sa atin.

Ang bunga sana ng ganitong mga gawain ay ang ating pagpapahalaga sa ating kaligtasan at ang pag-alab ng ating pag-ibig sa Diyos na ganoon na lang magmahal sa atin – nagpakasakit siya, namatay at muling nabuhay para sa atin. Inaalok tayo na makisalo sa bagong buhay na ito na bigay niya sa atin – buhay ng malaking tiwala sa Diyos at ng pagmamahal sa ating kapwa. Panibaguhin nawa tayo ng ating pagdiriwang.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,630 total views

 35,630 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,286 total views

 50,286 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,401 total views

 60,401 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,978 total views

 69,978 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,967 total views

 89,967 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,805 total views

 5,805 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,902 total views

 6,902 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,507 total views

 12,507 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,977 total views

 9,977 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,025 total views

 12,025 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,353 total views

 13,353 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,599 total views

 17,599 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,027 total views

 18,027 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,087 total views

 19,087 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,397 total views

 20,397 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,126 total views

 23,126 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,312 total views

 24,312 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,792 total views

 25,792 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,202 total views

 28,202 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,478 total views

 31,478 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top