Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 35,127 total views

Homily April 14, 2024
3rd Sunday of Easter Cycle B
Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48

Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan ng mga religious leaders ng kanyang panahon. Naranasan niya ang torture ng mga Romano, ang pagkutya ng mga tao, ang kaduwagan ni Pilato, ang pananahimik ng kanyang mga alagad. Nandiyan din ang walang katarungang pagbibintang at paghuhusga, ang panunulsol ng mga pari pa naman sa mga tao, ang pasakit ng pagkapako sa krus. Natanggap din niya ang huling kamandag ng kasalanan na walang iba kundi ang kamatayan, at masakit at nakakahiyang kamatayan. Ang lahat ng ito ay dinanas ni Jesus at napagtagumpayan niya. Siya ay muling nabuhay! Ang mga bakas ng sugat sa kanyang mga kamay at paa ay hindi na naging tanda ng kahihiyan kundi naging medalya na ng kanyang tagumpay. Hindi siya napahiya. Napagtagumpayan niya ang lahat.

Tayong nakikiisa kay Jesus ay nakikiisa din sa kanyang tagumpay. Ano naman ang ating tagumpay sa kasalanan? Ang kapatawaran! Totoo nandiyan pa rin ang kasalanan, pero wala na itong kapit sa atin. Napapatawad na tayo kahit na gaano kalaki ng ating kasalanan. Iyan ang mensahe ni Pedro at ni Juan sa mga tao doon sa Jerusalem. Maraming mga tao ang nagtipon noong makita nila na ang lumpo na namamalimos sa labas ng templo ay nakalalakad na. Pinaliwanag ni Pedro na ang lumpong ito ay nakalakad dahil sa kapangarihan ni Jesus na muling nabuhay. Oo, namatay siya. Itinakwil nila siya sa harapan ni Pilato kahit na gusto na niya siyang palayain. Pinagbintangan nila ang taong matuwid at banal at pinagpalit sa isang mamamatay tao. Pinapatay nila ang pinagmumulan ng buhay, ngunit hindi siya mapigilan ng kamatayan. Sila ay muling nabuhay. Ang katotohanan na buhay siya ay napagaling niya ng lumpo na nasa harapan nila ngayon.

Pero kahit na ganito ang kanilang ginawa kay Jesus hindi pa huli ang lahat. Sa kanilang pagka-ignorante sa pamamaraan ng Diyos, tinupad nila ang nakasulat sa banal na kasulatan na ang Kristo ay dapat magdusa. Kaya ngayon magsisisi na sila upang matanggal na ang kasamaan na kanilang ginawa. Iyan din ang sinulat ni San Juan na ating narinig sa ikalawang pagbasa. Ayaw ng Diyos na magkasala tayo, pero kung nagkakasala man tayo, nandiyan si Kristo na Tagapamagitan natin. Siya ang handog na nagpapatawad sa kasalanan natin, at hindi lang ng kasalanan natin, kundi kasalanan ng lahat ng mga tao. Kaya hindi na tayo maaalipin ng kasamaan. Matatanggal na ang kasamaan natin.

Sino ang magdadala ng mensaheng ito ng tagumpay at kapangyarihan? Ang mga apostol ni Jesus, na sila mismo ay nagkasala, na sila mismo ay nahirapan na makapaniwala. Nagpakita na si Jesus sa dalawa sa kanila sa daan patungo sa Emaus. Nakita na nila si Jesus na nakatayo sa harap nila. Pinakita na ni Jesus at pinapahipo pa sa kanila ang butas ng pako sa kanyang mga kamay at paa. Kumain na si Jesus ng inihaw na isda sa harap nila upang patunayan na hindi siya multo, pero nag-aalinlangan pa sila. Ang damdamin nila ay magkahalong takot at tuwa. Tuwa dahil nandiyan na si Jesus sa piling nila. Takot at pagkamangha kasi bago ang pangyayaring ito. Siya ba talaga ito? Totoo ba ito?

Pinaliwanag sa kanila ni Jesus na ang nangyari sa kanya ay bahagi ng plano ng Diyos. Nangyari ito sa kanya hindi dahil sa naging mahina siya at hindi siya nakatakas sa mga umuusig sa kanya. Ito ay nakatakda na sa Banal na Kasulatan. Nakasulat doon na magbabata ang Kristo ng kahirapan ngunit mabubuhay na muli sa ikatlong araw. At ngayong buhay na uli siya, ipapahayag na ang kapatawaran ng kasalanan.

Natalo na niya ang kasamaan. At sila, ang mga alagad niya, ang mga saksi sa mga pangyayaring ito. Ganoon nga ang ginawa ng mga apostol. Pumunta sila sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at nagpahayag. Hindi lang sila nagpatotoo sa pamamagitan ng kanilang mga salita. Itinaya nila ang kanilang buhay sa mensahe nila. Ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus na nagbigay ng lakas sa mga alagad na humayo at magbuhos ng kanilang buhay na ito ay totoo.

Nakarating hanggang sa atin ang mensaheng ito. Natanggap natin ang mga patotoong ito ng mga apostol kaya mayroong tayong apostolic faith. At tayo din ngayon, tinataya natin ang ating panahon, ang ating talento, ang ating yaman sa paniniwalang ito. Dahil sa handog ni Jesus, tayo ay nagbabalik handog. Kaya nga tayo nagsisimba ngayon. Kaya nga tayo nakikiisa sa mga panawagan ng bayanihan. Kaya nga marami sa atin ay nag-se-serve sa iba’t-ibang gawain ng simbahan. Kaya nga tayo nag-aambag ng ating makakayanan sa mga projects ng simbahan. Isinasabuhay natin ang pag-aalay ni Jesus sa paniniwala na makikiisa din tayo sa kanyang tagumpay.

Isabuhay natin at patuloy na ipahayag ang magandang balitang ito. Malaya na tayo sa kasamaan. Pairalin na natin ang kabutihan. Kaya huwag na tayong magpadala sa takot, sa pangamba, sa galit, sa inggit, sa bisyo at sa anumang kasamaan. Manalig tayo at maging generous at makikiisa tayo sa kapangyarihan ni Jesus na muling nabuhay.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 48,358 total views

 48,358 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 59,433 total views

 59,433 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 65,766 total views

 65,766 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 70,380 total views

 70,380 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 71,941 total views

 71,941 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 3,634 total views

 3,634 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 4,731 total views

 4,731 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 10,336 total views

 10,336 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 7,806 total views

 7,806 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 9,854 total views

 9,854 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 11,182 total views

 11,182 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 15,428 total views

 15,428 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 15,856 total views

 15,856 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 16,916 total views

 16,916 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 18,226 total views

 18,226 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 20,955 total views

 20,955 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 22,141 total views

 22,141 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,621 total views

 23,621 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 26,031 total views

 26,031 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 29,313 total views

 29,313 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top