Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 10,459 total views

19th Sunday in Ordinary Time Cycle B
1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51

May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang siya napatunayan niya sa mga tao sa bundok ng Carmelo na si Yahweh ang tunay na Diyos at siya lamang ang Diyos. Wala nagawa ang apatnaraan at limampung propeta ng diyos-diyosang si Baal na kinikilala ng mga tao noon. Hindi siya nakapagpadala ng apoy mula sa langit para kainin ang handog nilang bakang susunugin. Pero si Elias, isang dasal lang niya at dumating ang apoy at nilaplap ang hain niya. Success!

Pero, sa halip na gantimpalaan siya, inusig pa siya ng reyna. Pinahanap siya sa kanyang mga kawal upang patayin. Dali-daling tumakas ni Elias sa disyerto. Pero napagod na siya sa katatakas. Tumigil na lang siya sa ilalim ng isang malaking puno at nagpabaya na. Ang dasal niya ay: “Panginoon, kunin na po ninyo ako. Ako po’y hirap na hirap na. Nais ko na pong mamatay.”
Nagpabaya na siya pero hindi siya pinabayaan ni Yahweh. Nagpadala ng anghel sa kanya na nagdala ng mainit na tinapay at tubig. Ginising siya at pinakain. Kumain nga si Elias pero bumalik uli sa pagkatulog. Marahil pagod pa, o talagang nagpabaya na siya. Ginising uli siya ng anghel at pinakain. Pagkakain niya, tumayo na siya at nagpatuloy ng paglalakad ng apatnapung araw papunta ng bundok ng Horeb. Doon niya nakatagpo ang Diyos.

Sa ating ebanghelyo naman, ibig na ng mga tao na noon naghahanap kay Jesus na iwanan na siya. Hindi nila matanggap ang sinabi ni Jesus na siya ay ang pinadala na galing sa langit. Ang usap-usapan nila ay: “Paanong galing sa langit ang taong ito na siya ay galing sa Nazareth. Hindi ba anak siya ni Jose na karpentero? Kilala natin siya. Kilala natin ang kanyang mga magulang at mga kamag-anak. Bakit sasabihin niya sa siya ay galing sa langit?” Ngunit nag-insist pa si Jesus na maniwala sila sa kanya upang magkaroon sila ng buhay, at hindi lang basta anong buhay, kundi buhay na walang hanggan. Ang mga ninuno nila na kumain ng manna sa ilang noong panahon ni Moises ay namatay lahat, pero ang kakain ng pagkaing ibibigay niya ay hindi mamamatay. Kaya tanggapin na nila siya. Maniwala na sila sa kanya. Siya ang tunay na pagkain na galing sa langit at mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumakain nito.

At paano siya tatanggapin? Maniwala sila sa kanya! Pero hindi lang siya tatanggapin. Siya ay kakainin kasi ang kanyang laman ay tunay na pagkain at ang kanyang dugo ay tunay na inumin. Noong marinig ito ng mga tao mas lalo silang naguluhan. Hindi nila ito matanggap. Nagsialisan sila. Sila noong una ay sabik na sabik na naghahanap sa kanya. Ibig pa nga nila siyang gawing hari nila. Tumawid pa sila ng dagat upang makatagpo siya sa Capernaum. Ang hinahanap nila ay ang makabubusog ng kanilang tiyan. Ngunit nang nagsalita na si Jesus na dapat siyang tanggapin at paniwalaan kasi siya ay galing langit, nawala na ang gana nilang sumunod sa kanya. At noong inalok pa ni Jesus ang kanyang sarili bilang pagkain para sa buhay na walang hanggan, ay talagang umalis na sila. Iniwan na nila si Jesus.

Si Elias ay nagpatuloy sa kanyang paglalakbay sa disyerto kasi napakain siya ng anghel. Ngayon ang pagkaing inaalok sa atin ay si Jesus mismo, ang kanyang katawan mismo. Hindi ba tayo maniniwala sa kanya? Ang gustong ibigay sa atin ng Diyos ay hindi lang ang buhay sa lupa kundi ang buhay na walang hanggan. Ito ang kaligtasan. Madalas kapag pinag-uusapan ang kaligtasan ang naiisip natin ay kaligtasan sa sakit, kaligtasan sa kahirapan, kaligtasan sa kahihiyan o sa pagkapagod. Higit pa diyan ang kaligtasan na ibibigay ng Diyos. Ang gusto niyang ibigay sa atin ay buhay na walang hanggan. At may pagkain na magsusustento sa atin sa ating paglalakbay papunta sa buhay na ito – walang iba kundi ang katawan ni Kristo. Natatanggap natin ito sa Banal na Komunyon. Kaya hinihikayat tayong magsimba at magkomunyo linggo-linggo.

Pero, mga kapatid, hindi lang basta bastang matanggap ang katawan ni Kristo. Matatanggap natin ito kung naniniwala tayo sa kanya. Kailangan muna ng pananampalataya na si Jesus nga ay ang pinadala ng Diyos bilang katuparan ng mga pangako niya. Kailangan nating tanggapin ang kanyang mga salita at gawa. Kaya ngayon, bago tayo magkomunyon sa Banal na Misa, kailangan muna tayong makinig sa paliwanag ng kanyang Salita. Kaya pinapakain muna tayo sa lamesa ng Salita ng Diyos. Dito sa ambo o sa lectern pinapahayag ang Salita ng Diyos na galing sa Bibliya. Dito binabasa ang ebanghelyo at dito ito pinapaliwanag sa homilia. Ang tugon natin sa paliwanag ay ang pagpahayag ng ating pananampalataya. Dahil sa tayo ay nananampalataya kaya nagiging handa tayong bigyan halaga ang katawan ni Kristo na ating tatanggapin sa Banal na Komunyon mula sa lamesa ng altar. Hindi natin gaanong mapapahalagahan ang katawan ni Kristo kung ang Salita ng Diyos ay hindi muna natin tinatanggap ng may pananampalataya.

Marami tayong mga problema na dinadaan sa ating buhay. Nandito ang Diyos na nakikilakbay sa atin. Nandito si Jesus, ang pagkaing nagpapalakas sa atin. Huwag natin siyang iiwanan. Huwag tayong mawala sa mga abalahin lamang ng buhay na ito. May buhay na mas mahalaga na pinapatunguhan natin. Ito ay ang buhay na walang hanggan. Para sa buhay na ito namatay si Jesus. Para sa buhay na ito dinadala tayo ni Jesus.

Katatapos lang ng Olympic games sa Paris. Maraming mga tao ay masaya sa panonood ng mga palabas ng mga athletes. Masaya sila sa panonood. Masaya sila sa mga memories nila sa Paris. Pero hindi naman tatagal ang mga ito. Ang malulusog at magaganda na mga athletes ay tatanda at mamatay din. Pagkaraan ng ilang buwan mawawala na sa kaisipan ng maraming ang mga nangyari sa Paris. Talagang ang lahat ay lilipas. Hindi lang tayo para sa mundong ito. Para tayo sa buhay na walang hanggan. Ito ay hangarin natin at ito ang lakbayin natin.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 11,377 total views

 11,377 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 17,601 total views

 17,601 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 26,294 total views

 26,294 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 41,062 total views

 41,062 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 48,184 total views

 48,184 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 1,341 total views

 1,341 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 2,653 total views

 2,653 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 5,383 total views

 5,383 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 6,568 total views

 6,568 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 8,048 total views

 8,048 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 13,744 total views

 13,744 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 16,178 total views

 16,178 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 18,038 total views

 18,038 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 20,348 total views

 20,348 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 26,475 total views

 26,475 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 24,604 total views

 24,604 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 26,887 total views

 26,887 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 29,793 total views

 29,793 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 30,732 total views

 30,732 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 29,738 total views

 29,738 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top