Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 545 total views

19th Sunday of Ordinary Time Cycle A

1 Kgs 19.9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14: 22-33

Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre OO, kaya nga tayo nagsisimba, nagdarasal, tumutulong sa kapwa, nagbabalik-handog at nagpopondo ng Pinoy. Gusto din ng Diyos na makikipagtagpo sa atin. Kaya nga pinadala niya ang kanyang bugtong na anak na maging tao. Kaya nga isinugo niya ang simbahan na magpahayag ng Magandang Balita ng pagmamahal niya sa buong mundo. Hindi naman siya naglalaro ng taguan sa atin. Siya ay Diyos na nagpapakilala. Ang tanong ay: Ano ang dapat nating gawin upang magtagpo tayo ng Diyos?

Ang Diyos ay Diyos. Dakila siya! Higit siya kaysa atin! Ang paraan niya ay hindi ayon sa pamamaraan natin. Handa ba tayong tagpuin siya sa paraan ng kanyang paglapit sa atin? Siya ang masusunod, hindi naman tayo. Pero bukas ba tayo na harapin siya?

Si propeta Elias ay nawawalan na ng pag-asa. Akala niya matagumpay na siya. Napatunayan na niya sa harap ng haring si Acas at ng mga tao na si Yahweh ang tunay na Diyos. Si Yahweh ay nagpadala ng apoy sa bundok ng Carmelo upang laplapin ang alay ni Elias habang walang nangyari sa mga dasal at sayaw ng apatnaraang propeta ng Baal. Pero nagalit ang reynang si Jezebel at nangakong ipapapatay siya. Kaya dali-daling tumakas si Elias at lumakad ng apatnapung araw papunta sa bundok ng Horeb upang doon magsumbong at magreklamo kay Yahweh. Nag-antay siya kay Yahweh sa isang yungib ng bundok.

Noong panahon ni Moises na mga limang daang taon nang nakaraan, doon din si Moises pumunta sa Horeb na kilala noong bundok ng Sinai upang makipagtagpo sa Diyos at upang kunin ang mga Batas niya. Kaya sa bundok na ito ay gusto rin ni Elias na makipagtagpo sa Diyos. Pero kakaiba ang pagdating ng Diyos sa kanya kaysa kay Moises. Noong panahon ni Moises dumating ang Diyos sa gitna ng malakas na usok at hangin, na may malakas na kidlat, kulog at lindol. Para iyong isang nakakatakot ng volcanic eruption. Doon naranasan ng mga Israelita ang Diyos na makapangyarihan. Noong panahon ni Elias ang Diyos ay wala sa malakas na hangin, o sa apoy, o sa lindol. Umihip ang mahinahon na hangin. Lumabas ang propeta sa yungib at doon niya nakatagpo ang Panginoong Diyos. Nagsumbong siya sa Diyos at doon din siya binigyan ng instructions kung ano ang gagawin niya pagbalik niya sa kanyang bayan.

Si Jesus din ay dumating sa mga alagad pero sa kakaibang paraan. Dumating si Jesus sa mga alagad na naglalakad sa tubig, sa gitna ng malakas na alon at hangin sa lawa ng Galilea. Kakaiba itong pahayag ng kapangyarihan – naglalakad sa tubig sa gitna ng bagyo! Tuloy akala ng mga alagad na multo ang lumalapit sa kanila. Nangahas si Pedro na hamunin si Jesus kung talagang siya iyon. Papuntahin niya siya sa kanya sa dagat. Pinalapit siya ni Jesus: “Halika!” sabi ni Jesus sa kanya. Nakalakad nga si Pedro sa dagat, pero noong nawala ang attention niya kay Jesus at mas pinansin niya ang alon at ang hangin kaysa si Jesus, nagsimula siyang lumubog. Tumawag siya at inabot naman ni Jesus ang kanyang kamay at sinagip siya. Pinagwikaan siya ng Panginoon: “Bakit ka nag-alinlangan? Kay hina ng iyong pananalig!”

Makakatagpo natin ang Diyos kung gusto natin at hinahanap natin siya. Pero dumadating siya sa iba’t-ibang pamamaraan. Kung tayo ay nagdi-discern, matatagpuan natin siya. Kaya kailangan natin ng kahandaan. Una, maging handa tayo sa kanyang pagdating sa ibang paraan. Iba ang pagdating siya kay Moises at iba naman ang pagdating niya kay propeta Elias sa parehong bundok. Mahinahon ang kanyang pagdating kay Elias pero sa mga apostol dumating siya sa gitna ng bagyo. Maaaring iba ang pagdating niya ngayon sa atin kapag tayo ay nagdaral kaysa pagdating niya noon. Kaya huwag nating ikulong ang Diyos sa karanasan natin noon. Pangalawa, kailangan tayong lumapit sa kanya upang matagpuan siya. Kailangang lumakad ni Elias ng apatnapung araw para makarating sa bundok ng Horeb. Kailangan si Pedro na mag try na lumakad din sa tubig. Pangatlo, kailangan na hindi mawala ang ating attention sa Panginoon. Si Elias ay hindi nadistract ng malakas na hangin, ng lindol at ng apoy. Patuloy pa rin siyang nag-antay sa Diyos na darating. Si Pedro ay nadistract ng malakas na hangin at alon. Nawala ang kanyang attention kay Jesus. Nanghina ang kanyang pananampalataya. Pang-apat, sa ating kahinaan, tumawag tayo sa Panginoon. Hindi niya tayo pababayaan. Sasagipin niya tayo. Hindi hahayaan ng Diyos na maligaw tayo sa paghahanap natin sa kanya.

Sa Banal na Kasulatan may madalas na panawagan sa Diyos: “Lord , I want to see your face. It is your face O Lord that I seek.” Ang paghahangad na makita ang mukha ng Diyos ay paghahangad na lumapit sa kanya upang lalo siyang makilala. Sana nasa atin ang hangaring itong. Kung talagang mahal natin siya, lumalapit tayo sa kanya at kinikilala natin siya.

Hindi lang tayo ang naghahanap sa kanya. Ang Diyos mismo ay naghahangad na lumapit sa atin. Nagpapakilala siya sa atin. Nagsasalita siya sa atin. Kaya nga pinadala niya ang simbahan upang patuloy na mangaral at patuloy na ipakilala siya. Kaya nga ang simbahan ay patuloy na nagdiriwang ng mga sakramento, kasi ang mga sakramento ay mga pagkakataon ng pakikipagtagpo sa Diyos. The sacraments are encounters with Christ. Sana nga natatagpuan natin ang presensiya ng Diyos kapag tayo ay nagpapabinyag, kapag tayo ay nagpapakasal, kapag tayo ay nagkukumpisal at kapag tayo ay nagsisimba. Hindi lang mga seremonyas ang mga sakramento. Sa pamamagitan ng mga gawain at mga bagay na nakikita sa mga sakramento, napapalapit tayo sa kanya. Napapalapit tayo sa Diyos sa pamamagitan ng tubig ng binyag, ng langis ng kumpil at ng pagpapahid ng langis, ng tinapay at alak sa misa, ng salita ng pagpapatawad sa pagkukumpisal. Iba’t-ibang paraan ang ginagamit ng Diyos upang mapalapit tayo sa kanya. Tanggapin natin ang mga sakramento at lumapit sa Diyos. Makatatagpo natin siya sa mga magsakramento.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 36,255 total views

 36,255 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,911 total views

 50,911 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 61,026 total views

 61,026 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 70,603 total views

 70,603 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 90,592 total views

 90,592 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,830 total views

 5,830 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,927 total views

 6,927 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,532 total views

 12,532 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 10,002 total views

 10,002 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,050 total views

 12,050 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,378 total views

 13,378 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,624 total views

 17,624 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,052 total views

 18,052 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,112 total views

 19,112 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,422 total views

 20,422 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,151 total views

 23,151 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,337 total views

 24,337 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,817 total views

 25,817 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,227 total views

 28,227 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,503 total views

 31,503 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top