Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 6,247 total views

2nd Sunday of Advent Cycle B
Is 40:1-5.9-11 2 Pt 3:8-14 Mk 1:1-8

Ang isang gabay natin sa panahon ng Adbiyento ay si Juan Bautista. Tinuturuan niya tayo paano maging handa sa pagtanggap sa darating na Panginoon sa pamamagitan ng kanyang pahayag at ng kanyang buhay. Simple lang ang buhay niya. Nakatira siya sa disyerto. Ang disyerto ay isang lugar ng panalangin at ng penitensiya. Ang damit niya ay balat ng kamelyo. Ito ay magaspang. Talagang pangpenitensiya! Ang pagkain niya ay mga balang at pulut-pukyutan, mga simpleng pagkain na matatagpuan sa disyerto. Kakaiba ito sa mga hinahanap-hanap ng mga tao ngayon – masasarap na pagkain at branded na mga damit.

Ang kanyang panawagan ay magsisisi kayo at talikdan ang inyong mga kasalanan. Ang pagbibinyag niya sa ilog Jordan ay tanda ng pagsisisi. Ang paglulublob sa tubig ay tanda ng kagustuhan ng mga tao na linisin na ang kanilang kasalanan. Ang panlabas na paliligo sa ilog ay pahiwatig ng panloob na paglilinis. Kaya hindi lang basta lumulublob ang mga tao sa ilog Jordan, sila ay nagpapahayag muna ng kanilang kasalanan. Inaamin nila ang kanilang kasamaan.

Ano ba ang kasalanan na dapat tanggalin at linisin? May iba’t ibang kasalanan. May mga kasalanan na dala ng pagmamalabis, tulad ng pagmamalabis sa pag-inom ng alak kaya nalalasing, at pagmamalabis ng paggamit ng bawal na gamot. Pagmamalabis na galit. Inggit, o kayabangan. Ang lahat ng pagmamalabis ay kasalanan, kasama na ang pagmamalabis sa pagkain. Tinatawag din natin ang kasalan na pagkukulang, tulad ng pagkukulang sa paggawa ng ating tungkulin, pagkukulang sa pagdarasal, pagkukulang sa pagtulong sa nangangailangan, pagkukulang sa paggalang at pagsunod sa magulang at nakatatanda, pagkukulang sa pagmamahalan ng mag-asawa. Nakikita din ang kasalanan sa liku-likong pamamaraan. Hindi matuwid ang ginagawa o sinasabi kasi may tinatago o may ikinahihiya. Kaya nandiyan ang pagsisinungaling, ang pagkakalat ng tsismis, ang paninira sa kapwa, ang corruption, ang pagnanakaw. Ang mga ito ay hindi natin ginagawa ng lantaran. Patago natin ito ginagawa. Maitutulad din ang kasalanan sa baku-bakong daan. Hindi stable. Hindi maaasahan ang ugali, pabago-bago. Walang isang salita.

Kaya tama ang panawagan ni Propeta Isaias at ni Juan Bautista. Gumawa ng maayos na daan para sa Panginoon. Straight na daan ng Panginoon patungo sa atin, at straight na daan natin patungo sa Diyoa. Tanggalin na ang mga kasalanan. Patagin ang pagmamalabis, tambakan ang pagkukulang, ituwid ang liku-likong pamamaraan at patagin ang baku-bako at butas-butas na daan. Tingnan po natin sa ating buhay. Ano ba ang mukha ng kasalanan sa atin – pagmamalabis, pagkukulang, liku-liko at baku-bako? Sana po ngayong panahon ng adbiyento makapangumpisal tayo. Ito ay isang magandang gawain para maihanda ang daan ng Panginoon. Ang pagkukumpisal ay paraan ng pagsisisi. Inaamin na natin ang ating kasalanan kasi ito ay tinatanggihan na natin.

Pero baka may iba sa atin na naiinip na sa kaaantay sa pagdating ng Panginoon. Hanggang kailan pa ba tayo maghahanda ng daan? Kailan ba talaga darating ang Panginoon? Ang paskong pinaghahanda natin ay isang ala-ala lang. Inaalaala natin ang unang pagdating ni Jesus. Naging tao siya at nakipamuhay sa atin. Ang unang pagdating ni Jesus ay pahiwatig ng kanyang muling pagdating. Ito ang mas mahalaga sa atin na paghandaan. Darating siya muli. Lahat tayo ay haharap at mananagot sa kanya. Handa ba tayo rito?

Pero kailan ba talaga siya darating? Taon-taon na lang may adbiyento, at tayo ay hinihikayat na maging handa. Pero hindi pa nga ba siya dumadating? Huwag po tayo mainip. Pinapalaala sa atin ni San Pedro sa ating ikalawang pagbasa na iba ang pagbilang at ang pagtingin natin sa panahon kaysa Diyos. Sa Panginoon ang isang araw ay maaaring isang libong taon sa atin, at ang isang libong taon sa atin ay para lang isang araw sa kanya. Tutuparin niya ang kanyang pangako na darating siyang muli. At hindi siya nagpapabaya. Kung natatagalan tayo, gamitin natin ang panahon na wala pa siya na mas lalong maging handa.

Noong tayo ay mga estudyante pa, kung minsan nahuhuli ang teacher na magbibigay ng exam. Sa panahon na wala pa siya, ang iba ay nag-uusap at nagbibiruan, ang iba ay basta na lang nag-aantay. Pero may mga masigasig na mga estudyante na ginagamit ang panahon na mas lalong mag-review pa. Sino ba tayo sa mga ito? Ang mga nag-gu-good time lang at nagbibiruan habang wala pa ang Panginoon? Ang mga nagwawalang kibo? O iyong ginagamit ang panahon para lalo pang gumawa ng mabuti, lalo pang maging madasalin, lalo pang makilala ang Diyos? Kaya nga sinabi ni San Pedro: “Samantalang kayo’y naghihintay, sikapin ninyong mamuhay na payapa, walang dungis at kapintasan.” Mamuhay tayo nang ayon sa kalooban ng Diyos samantalang hinihintay natin ang Araw ng Panginoon.

Ang isang virtue na binibigyan ng diin sa Adbiyento ay pag-asa, hope, paglaum. Tinitingnan natin ang ating buhay na may pag-asa. Ito ay may kahihinatnan, may patutunguhan. Ang patutunguhan nito ay kaligtasan. Kahit na gaano kadilim ang buhay, may liwanag sa bandang huli. Kahit na gaano kahirap, darating ang kasaganaan, kahit na gaano kagulo, may kapayapaan. Saan nakabase ang ating pag-asa? May pag-asa tayo kasi may pananampalataya tayo na nandiyan kasama natin ang Diyos, at sa pamamagitan ni Jesus nagtagumpay siya sa kasamaan, sa kasalanan at sa kamatayan. Nakikiisa tayo sa tagumpay na ito kapag tayo ay nagsisisi sa ating kasalanan. Dito natin natatalo ang kasamaan sa buhay natin. Nakabase din ang ating pag-asa sa paniniwala na hindi tayo iiwanan ng Diyos at babalik siya para sa atin.

Kailangan po natin ang pag-asa sa panahong ito na madaling mawalan ng pag-asa ang marami. Ang tanda nito ay ang maraming suicides, kahit na sa mga kabataan. Kaunting kabiguan lang, wala na silang pag-asa. Marami din ang madaling maghiwalay. Ang pag-ibig ay nawawala na kapag may away o di-pagkakasundo. Kailangan natin ang liwanag ng pag-asa. Kaya ngayong adbiyento isabuhay natin ang pag-asa. Kumapit tayo sa Diyos! Sa mga kahirapan at kadiliman ng buhay abangan natin ang kaligtasan na dadalhin ng Diyos. Magbibigay siya ng liwanag at ng sigla sa ating buhay.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 2,471 total views

 2,471 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 10,787 total views

 10,787 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 29,519 total views

 29,519 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 46,090 total views

 46,090 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 47,354 total views

 47,354 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 27, 2025

 1,201 total views

 1,201 total views 2nd Sunday of Easter Cycle C Divine Mercy Sunday Acts 5:12-16 Rev:9-11.12-13 Jn 20:19-31 Sa Muling Pagkabuhay, nararanasan natin ang kadakilaan ni Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 20, 2025

 3,739 total views

 3,739 total views Easter Sunday Cycle C Acts 10:34.37-43 Col 3:1-4 Jn 20: 1-9 Happy Easter! Maligayang Linggo ng Muling Pagkabuhay! Ito na po ang matagal

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 13, 2025

 6,313 total views

 6,313 total views Palm Sunday of the Lord’s Passion Cycle C Alay Kapwa Sunday Is 50:4-7 Phil 2:6-11 Lk 12:14-23:56 Ngayon araw nagsisimula na ang Semana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 6, 2025

 7,958 total views

 7,958 total views 5th Sunday of Lent Cycle C Is 43:16-21 Phil 3:8-14 Jn 8:1-11 “Gawa ng Diyos ay dakila kaya tayo’y natutuwa.” Ito ang tugon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 30, 2025

 9,995 total views

 9,995 total views 4th Sunday of Lent Cycle C Laetare Sunday Jos 5:9-12 2 Cor 5:5.17-21 Lk 15:1-3.11-32 “Ang tao’y ibinilang ng Diyos na kanyang kaibigan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 23, 2025

 12,361 total views

 12,361 total views 3rd Sunday of Lent Cycle C Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9 Dahil po sa television, sa radio at sa social media,

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 23, 2025

 14,454 total views

 14,454 total views 3rd Sunday of Lent Cycle C Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9 Dahil po sa television, sa radio at sa social media,

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 9, 2025

 16,983 total views

 16,983 total views 1st Sunday of Lent Cycle C Dt 26:4-10 Rom 10:8-13 Lk 4:1-13 Ang kuwaresma ay isang katangi-tanging panahon ng simbahan. Sa panahong ito

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 2, 2025

 21,456 total views

 21,456 total views 8th Sunday of the Year Cycle C Sir 27, 4-7 1 Cor 15:54-58 Lk 6:39-45 Ang ating buhay ay puno ng pagdedesisyon. Kahit

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 23, 2025

 22,872 total views

 22,872 total views 7th Sunday of Ordinary Time Cycle C St Peter the Apostle Sunday (Opus Sancti Petri) 1 Sam 26:2.7-9.12-13.22-23 1 Cor 15:45-49 Lk 6:27-38

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 16, 2025

 24,575 total views

 24,575 total views 6th Sunday of Ordinary Time Cycle C Jer 17:5-8 1 Cor 15:12.16-20 Lk 6:17.20-26 Marami sa atin, o baka lahat tayo, ay naghahanap

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 9, 2025

 26,814 total views

 26,814 total views 5th Sunday of Ordinary time Cycle C Is 6:1-2.3-8 1 Cor 15:1-11 Lk 5:1-11 Sa harap ng mga dakilang tao, o kakila-kilabot na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 2, 2025

 29,042 total views

 29,042 total views Feast of the Presentation of the Lord World Day for Consecrated and Religious Life Pro-Life Sunday Day of Prayer and Awareness against Human

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 26, 2025

 30,501 total views

 30,501 total views 3rd Sunday of Ordinary Time Cycle C Sunday of the Word of God National Bible Sunday Neh 8:2-4.5-6.8-10 1 Cor 12:12-30 Lk 1:1-4.4:14-21

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 19, 2024

 31,764 total views

 31,764 total views Feast of Sto. Niño Holy Childhood Day (Sancta Infantia) Week of Prayer for Christian Unity Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Lk 2:41-52 Ang pananampalatayang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top