Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 5,404 total views

2nd Sunday of Advent Cycle C
Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6

Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng Adbiyento. Bukas natin ipagdiriwang at pagninilayan ang Inmaculada Concepción. Ngunit ang nagsisimba ngayong Linggo ay tumupad na na ipangilin ang kapistahan ng Inmaculada Concepcion.

Sa panahon ng Adbiyento inaasahan natin ang pagdating ng Panginoon na magdadala ng kaligtasan. Dahil sa darating siya, ihanda natin ang ating sarili sa pagtanggap sa kanya. Iyan ang mensahe ni Juan Bautista. Itinalaga siya ng Diyos upang manguna sa Panginoon at ihanda ang kanyang daraanan. Dumating si Juan sa takdang panahon at sa takdang lugar at mayroon siyang takdang mensahe.
Narinig natin ang pangalan ng mga dakilang tao noong panahon ni Juan. Sila iyong mga hari, mga namumuno at mga pangunahing mga pari noon. Sila iyong mga bigatin at mga kilala sa kanilang panahon. Nandiyan ang Emperador ng Roma na si Tiberias, si Pontio Pilato na gobernador ng Judea, si Herodes at si Felipe na mga hari, si Anas at si Caifas na mga punong pari. Ginamit lang sila bilang mga background para sa takdang panahon ng pagkilos ng Diyos sa ating kasaysayan. Pero ang pinadala ng Diyos ay hindi ang mga dakilang mga taong ito na may posisyon at may kapangyarihan. Ang pinadala ng Diyos ay si Juan na hindi naninirahan sa isang ciudad o isang palasyo. Nandoon siya sa tabi-tabi ng bayan, sa isang ilang. Iniiwasan ng mga tao ang ilang kasi wala namang matatagpuan doon – walang tubig, walang pagkain, walang mabibili, walang masyadong mga tao. Pero nandoon si Juan. Doon siya nanawagan. Doon nagmula ang salita ng Diyos at ang nakarinig nito ay ang sumasadyang pumaroon.

Ang mensahe niya ay hindi madali: Magsisisi kayo. Ang pagsisisi ay nangangahulugan na pag-amin na ako ay nagkamali. Mahirap aminin ito. Ang pagsisisi ay nanawagan ng pagbabago. Mahirap magbago. Ibig natin manatili sa nakasanayan na lang natin. Pero kailangan ng pagsisisi upang matanggap ang Diyos na dumadating. Kailangang ihanda ang daan niya: tuwirin ang daan, tibagin ang bundok, tambakan ang lambak, patagin ang baku-bako. Tuwirin ang liku-likong pamamaraan ng ating buhay, ang ating pagkukulang ay dapat punan, ang ating pagmamalabis ay dapat bawasan, …ang baku-bakong pag-iisip natin ay dapat patagin. Ito ang ibig sabihin ng pagsisisi.

Pero kahit na mahirap ang hamon ng adbiyento, saya ang diwa ng adbiyento. Sinulat ni Baruc sa unang pagbasa: “Nagagalak sila kasi hindi sila kinalimutan ng Diyos… Aakayin sila ng Diyos, at babalik silang masaya sa pangangalaga ng kanyang habag at katuwiran, at liligaya sa liwanag ng kanyang walang hanggang kaningningan.” Darating nga ang Panginoon kasi mahalaga tayo para sa kanya. Hindi niya tayo iiwanan o pababayaan. Anuman ang dinadaan natin ngayon, darating ang Diyos sa atin. Kaya masasabi natin ang sinulat ni San Pablo: “Ang aking panalangin para sa inyo ay lagi kayong mapuspos ng kagalakan.”

Kaya huwag tayong matakot na pumunta sa ilang at pakinggan ang panawagan ni Juan Bautista. Ang ilang ang nagbibigay ng katahimikan upang makilala ang ating sarili at mapakinggan ang Diyos. Hind komportable ang buhay sa ilang. Kailangan tayong magsakripisyo upang magkaroon ng disiplina sa sarili at maituwid ang buhay natin. Kailangan nating aminin ang ating kasalanan upang ito ay talikdan. Sa paraang ito magkakaroon tayo ng tunay na adbiyento kasi magbabago ang buhay natin. Tutungo na tayo sa Diyos, o di kaya, ang Diyos na mismo ang lalapit sa atin.

Ang malungkot lang ay para sa marami, ang adbiyento ay isang ordinaryong panahon lang. Wala mang pagsisikap na magbago, na magsisisi, na magdasal at magnilay. Para sa iba nga, nandiyan na ang ingay ng mga Christmas carols, ng mga paputok, ng mga palaro at Christmas parties. Wala pang pasko. Adbiyento pa lang. Ito ay panahon ng panalangin at pagninilay. Ito ay panahon ng patulong sa kapwa. Ito ay panahon ng pagsisisi. Kung talagang isinasabuhay natin ang adbiyento magiging masaya at tunay ang pasko natin kasi mas lalo nating matatanggap ang Panginoong Jesus.

Ang adbiyento ay ang mabuting gawa na pinasisimulan sa atin ng Diyos upang maging lubos ang ating pagtanggap sa kanya sa araw ng pagbabalik ni Kristo Jesus. Tandaan natin na ang Adbiyento ay hindi lamang paghahanda para sa Pasko. Mas pinaghahandaan natin ang muling pagdating ng Panginoon. Doon magiging ganap na ang kaligtasan na inaantay natin. Mas dakila ang saya ng muling pagdating ng Panginoon kaysa anumang pasko. Ito ang abangan natin. Tulad ng siguradong darating ang Pasko, siguradong darating muli ang Panginoon. Ang kasiyahan ng pasko ay anino lamang ng muling pagdating ng Panginoon.

Halina Jesus, dumating ka na!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Eat Healthy This Christmas 2024

 3,974 total views

 3,974 total views Ang panahon ng Adbiyento o Advent season ay panahon ng paghihintay, paghahanda at pasasalamat.. Kapanalig, inihahanda natin ang ating PUSO upang tanggapin ng may kagalakan ang panginoong Hesu Kristo na tumubos sa ating mga kasalanan. Pinakamahalaga sa Advent season ay ang pagkakaroon natin ng “spiritual nourishment” hindi ang kagalagakan na dulot ng mga

Read More »

Pagpapanagot kay VP Sara

 23,001 total views

 23,001 total views Mga Kapanalig, dalawang impeachment complaints na ang isinampa laban kay VP Sara Duterte sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang impeachment ay isang legal na proseso ng pagpapatalsik mula sa puwesto ng isang lingkod bayan. Bahagi ito ng checks and balances kung saan pinananagot ng lehislatura ang mga kapwa nila lingkod-bayan sa ehekutibo at

Read More »

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 18,357 total views

 18,357 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 27,067 total views

 27,067 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 35,826 total views

 35,826 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 1, 2024

 8,814 total views

 8,814 total views 1st Sunday of Advent Cycle C World Day for People with Disabilities National AIDS Sunday Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36 December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 24, 2024

 11,449 total views

 11,449 total views Solemnity of our Lord Jesus, King of the Universe Dan 7:13-14 Rev 1:5-8 Jn 18:33-37 Ngayon na ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, December 1, magsisimula na tayo ng bagong taon sa taon ng simbahan na tinatawag nating Liturgical Year. Ang Huling Linggo ay nagpapaalaala sa atin ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 17, 2024

 9,964 total views

 9,964 total views 33rd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of the Poor Dan 12:1-3 Heb 10:11-14.18 Mk 13:24-32 Darating ang malalaking pagbabago sa mundo. Iyan ang nararamdaman natin at iyan ang pinaparamdam sa atin ng ilang mga scholars at ng ilang mga politiko. Nararanasan natin ang climate change. Umiinit ang panahon. Tumitindi ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 10, 2024

 12,204 total views

 12,204 total views 32nd Sunday of Ordinary time Cycle B 1 Kgs 17:10-16 Heb 9:24-28 Mk 12:38-44 Kapag pinag-uusapan ngayon ang kahirapan, sino ba ang naiisip natin na mahirap? Siguro naiisip natin ang mga batang lansangan, ang mga may kapansanan na nakatira sa squatter areas o ang mga katutubo sa gubat. Sila iyong kawawa. Sa panahon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 9,431 total views

 9,431 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 10,528 total views

 10,528 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 16,133 total views

 16,133 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 13,603 total views

 13,603 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 15,651 total views

 15,651 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 16,979 total views

 16,979 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 21,225 total views

 21,225 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 21,653 total views

 21,653 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 22,713 total views

 22,713 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 24,023 total views

 24,023 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 26,672 total views

 26,672 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top