201 total views
Mga minamahal na kapatid sa Panaginoong Hesukristo tulad po ng nasabi natin sa pasimula ng misa tayo ay magpasalamat sa Diyos na ang pagtipion-tipon sa atin sa ngalan ng Panginoong Hesukristo at sa bisa ng esperitu santo.
At ang ating pagtitipon sa eukaristiya ngayong araw ng linggo ay pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus, ang kanyang tagumpay laban sa kasalanan at kamatayan. At sa linggong ito ay atin ding sinisimulan ang buong linggo ng kamulatan tungkol sa mga bilanggo, Prison awareness week na sa susunod na linggo ang tugatog, prison awareness sunday.
At kasama natin ang buong daigdig sa pagdiriwang ng world mission sunday sinasariwa natin ang ating tungkulin na maging mga misyunero sa lahat ng sulok ng mundo upang ipakilala ang mahabaging Diyos si Hesus, ang mukha ng mahabagin at mapagpatawad na Diyos.
At dito po sa atin ay atin ding pasisinayaan ang isang programa na harinawa ay makatulong sa naghahanap ng landas tungo sa bagong buhay mula sa addiction tungo sa bagong buhay, Sanlakbay. Andami nating ipinagdiriwang ano ho? Baka kinakabahan kayo sa dami ng pinagdiriwang gaano kaya kahaba ang misa? gaano kahaba ang homiliya? ei bawat isa dun ei talaga namang nangangailangan ng sariling tutok.
Pero mabait ang Diyos kasi ang mga pagbasa ang siya nang magtutuhog ng lahat ng ito, prison awareness mission, paglalakabay sa bagong buhay. Sa ebanghelyong narinig po natin mula kay San Lukas, si Hesus ay nagbigay ng talinhaga, isang talinhaga na kanyang inilahad para maiwasan natin ang isang bagay, ano yun? Yung pagmamataas dahil ang tingin natin sa sarili natin ay ako’y matuwid. Hindi po masama ang maging matuwid sa katunayan gustong-gusto natin yan, gusto ng mga bata na ang tingin ng mga magulang nila ay ambait ng batang ito, gusto ng mga estudyante na sa harapan ng kanilang mga teacher mga principal masabi nila na ang batang ito matuwid gumagawa ng matuwid mabait, gusto na natin yan ei. O may mga sisters tayo dito siguro gusto rin nila na marinig ng kanilang superyora, sister ang galing mo, tama matuwid ang ginagawa mo lalu na kapag ang usapin ay pagharap sa Diyos. Hindi na lang sa magulang, teacher, superior, hukom kundi sa Diyos. Sino ba naman ang ayaw na maging matuwid sa mata ng Diyos.
Dalawang tao ang ipinakita sa talinhaga, ang isa ay Pariseo, isa po sila sa mga dalubhasa sa mga bagay na makadiyos, huwag po nating isipan na lahat ng Pariseo ay katulad ng nabanggit sa ebanghelyo, isa lamang po ito pero posibleng ako, ikaw, tayo ang Pariseong ito. Humarap siya sa Diyos at buong confidence na nakaharap sa Diyos, bakit, kasi sabi niya tuwing makalawa nag-aayuno siya sa loob ng isang linggo, wow, matuwid ito nagbibigay ng ikapu sa lahat ng kanyang kinikita wow. Matuwid ang taong ito. At totoo namang ginagawa niya ito huwag na nating pagdududahan, kaya lamang bagamat nagsasabi siya ng totoo itong paglilitanya ng kanyang mga matuwid na gawa, umuwi sa isang kawalan ng katotohanan. Kasi sabi niya rin sa Diyos salamat po hindi ako katulad ng iba, na ng ibang tao magnanakaw, mandaraya, mangangalunya ibahin mo ako lord, baka dito sa loob ng templo ako lamang ang maasahan mo at salamat hindi mo ko ginawang katulad nila sila makasalanan ako matuwid.
Hindi totoo yun, kahit ikaw ay may nagagawang mabuti, makasalanan tayung lahat! Ayaw niyang aminin yun at upang ma-impress ang Diyos sa kanyang pagiging matuwid, niyurakan naman niya ang kaniyang kapwa, lalu na yung isang publikano, tax collector na kinamumuhian ng lahat. Sabi pa nung Pariseo, salamat hindi ako kasing sama ng isang tao lalu na katulad nun, yun tinukoy paggawa ba ng isang taong matuwid ang kalimutan na siya rin ay makasalanan, gawa bang matuwid na ang sabihin sila lamang ang may mali ako laging tama, matuwid ba yun?
Sa ebanghelyo ang sagot ng Diyos hindi, hindi iyan nakakalulugod sa Diyos, hindi yan pagiging matuwid, iyan ay pagiging mayabang, palalo, sa bandang huli ang nagpapangagap na matuwid hindi na niya kailangan, ang Diyos hindi rin niya mamahalin ang kapwa. At ang nakagugulat yung isa, yung tax collector, yung publikano na alam ng lahat na makasalanan ni hindi makatingin sa langit hiyang hiya na tumingin sa Diyos, wala siyang maipagmamalaki katulad ng Pariseo, wala siyang litanya ng mga mabubuting gawa niya, wala ang dala niya sa Diyos ay ang kanyang karukhaan , ang nasabi lamang niya, O Diyos mahabag po kayo sa isang makasalanan, wala akong maihaharap sa iyo kundi ang aking kamalian, ang aking mga kasalanan, nagawa ko na ito bahagi na ito ng kung sino ako subalit ito lang ang maihaharap ko sa yo at ang hiningi ko sa iyo ay habag kapatawaran.
At sabi ni Hesus, itong mapagpakumbabang makasalanan ang nagbigay kaligayahan sa Diyos . Nabaligtad, ang itinuturing ng mundo na matuwid sa mata ng Diyos ang siyang nagkamali at ang itinuturing ng mundo na babang-baba sa makasalanan siya pa ang nakitaan ng Diyos ng matuwid na ugali dahil naging makatotohanan siya, walang pagpapanggap, walang pagmamataas. Sa kanyang karukhaan alam niya tanging ang habag ng Diyos ang magbibigay sa kanya ng paghihilom, katarungan kailangan kita o Panginoon. Ito po ang diwa kung bakit ang simbahan ay mayroong prison ministry, kung mayroong restorative justice ministry. At kung atin pong titingnan sa ikalawang pagbasa sa sulat ni San Pablo kay Timoteo, si San Pablo noong sinulat niya ito, siya ay nasa kulungan. Biruin niyo sa misa natin mayroong sulat mula sa kulungan, nasa buong mundo ay ipinahahayag.
Kanina pagkabasa ni Superintendent hindi naman n’ya sinabi ang salita ni Pablo, ang sabi niya ang salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos, ang Diyos maaring mangusap sa loob ng piitan. Hindi po kaagad-agad po natin ito sasakyan bilang mga tao, kailangang humingi tayo ng liwanag mula sa Panginoon, kasi po ito ang tinatawag na reversal of fortunes , at inihahanda tayo ni Hesus sa ebanghelyo ang itinuturing ng mundo na matuwid at mabait sa mata ng Diyos hindi pala. Sa ebanghelyo na ang itinuturing ng mundo na makasalanan dahil umamin, nagpakumababa, humingi ng awa sa mata ng Diyos siya ang matuwid.
Sa ikalawang pagbasa ang kinulong nila na si Pablo, sa mata ng Diyos dakilang apostol at hanggang ngayon ang kanyang salita pinakikinggan binababasa. Yung salita ng mga nagkulong sa kanya wala na hindi na sila kilala, si San pablo hanggang ngayon nagangaral sa atin. Prison awareness begins with that disposition to be open to God mysterious ways. Ang kahalagahan ng tao, ang tao na kahit sinasabing punong-puno ng kasalanan, hindi sumusuko ang Diyos. Mag-aanyaya sa katotohanan, sa karukhaan, sa pag-amin at kapag sinabi mahabag ka O Diyos nagiging matuwid sa mata ng Diyos. Ang paglilingkod ng simbahan sa mga nagkakamali, sa mga nabibilanggo at sa mga nalulong sa mga bisyo ang pinagmumulan po ay ang inspirasyon ng salita ng Diyos. Siyempre naman ang kamalian ay dapat puksain, ang kamalaian ay dapat e-discourage, hindi mabuti para sa tao, sa pamilya, sa sambayanan, ang pamayanihan ng kawalang katarungan at ng krimen. Totoo po yun, totoo yun at tradisyun ng simbahan yan ang ating restorative justice ministry ay para matulungan hindi lamang ang nagkamali kundi ang sambayanan na mapigilan na ang pagakalat ng kasamaan, at to discouraged ang patuloy na pagkalat ng kasamaan. Subalit ito ay ginagawa sa pamamagitan ng restoration of justice. At kapag ang katarungan ay naipanumbalik umuuwi ito sa healing not to destruction. Kaya restorative, buuin muli ang nagkasala katulad noong publikano sa ebanghelyo, buuin muli ang pamilya at ang lipunan thru justice, thru humility and by giving the repentant sinner hope, yan po ay tulong-tulong na ginagawa.
Sabi nga po ang pagkalulong sa bisyo lalu na kung ito ay tungkol sa mga pinagbabawal na droga na bagamat ito ay talagang criminal act para po sa mata ng simbahan ito rin ang isang spiritual concern. Kapag ang isang tao ay nalulong sa addiction at ang addiction po ay hindi lamang sa droga, yung iba addicted sa sugal, yung iba addicted sa pornography, yung iba addicted sa sex, yung iba addicted sa cellphone, yung iba addicted na sa telenovela parang mamamatay kapag hindi nakapanuod. Yung iba addicted na sa pambobola, yung iba addicted na sa panloloko ng kapwa, yung iba addicted na sa pagsisinungaling, yung iba addicted na sa panloloko, napakaraming addiction. At panong nangyayari ang addiction? Kapag napamayanihan na ng isang kadiliman ang puso at yung kadiliman na yun ay nagiging Panginoon, kaya kapag nagsabi, hithitin mo ako, opo susunod ako,puntahan mo ang pornography site na ito, opo susunod ako. Lokohin mo ang asawa mo, opo susunod po ako, it is a spiritual concern, sino ang Diyos mo? Kaya ang tugon ay hindi lamang panghusga kundi tulungan ang tao makilala muli ang tunay na Diyos at summurender sa Diyos. Kapag hindi nakakasurrender sa Diyos walang tunay na surrender. Mga kapatid bawat isang tao na nagiging biktima ng kadiliman na nagpapasunod sa kanya sa huwad na Diyos na umuuwi sa addiction, ang isang tao na yan makakaapekto sa pamilya at sa marami.
Kaya concern, malasakit din ng pamilya at community ang makatutulong sa taong iyun . At sa araw na ito mula sa simbahan itong spiritual warfare within the heart of an addicted person at yung relational dimention sa family, sa community. Sa pagtutulungan po nating lahat harinawa ay makatulong upang ang nagkamali ay ma-restore, maging matuwid sa mata ng Diyos at ng lipunan at ang pamilyang mga nasugatan naging biktima ay maghilom din dahil may tunay na katarungan. We seek healing, justice not revenge, only justice heals, revenge wounds all the more.
Tayo po ay tumahimik sandali at ibukas ang ating puso sa Diyos na nakababasa ng ating kalooban. Katulad ng publikano sa ebanghelyo, sana mabanggit natin ikaw na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan maawa ka sa amin.