Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HOMILY
HIS EMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE
NOVENA MASS–MOST SACRED HEART PARISH MADALUYONG CITY
JUNE 25, 2016

SHARE THE TRUTH

 154 total views

Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, tayo po ay magpuri at magpasalamat sa Panginoon dahil tinipon niya tayo bilang isang sambayanan sa Eukaristiyang ito, at tayo rin po ay nagagalak sa Panginoon dahil tayo ay binigyan niya ng pagkakataon na maghanda sa ating pagpaparangal sa banal na puso ni Hesus sa pamamagitan ng huling araw ng nobena at bukas po ay ipagdiriwang ng ating parokya ang kapistahan. Sana bumalik kayo bukas para sa misa ng pista. Ang atin pong mga pagbasa sa linggong ito ay akmang-akma sa atin pong pagkilala sa puso ni Hesus gayon din ang uri ng puso na tayong mga alagad niya dapat ay mayroon.

Sa mga pagbasa, isang katangian ng kalooban o puso ni Hesus at sana puso natin ang pinapakita nito ay ang kalayaan na sumunod kay Hesus. Sa pang-araw araw na buhay lahat po ng ating mga choices o pagpili, mga desisyon ay may mga kasamang tatalikdan. Halimbawa po ang mga estudyanteng andito, kung gusto mong mag-aral at nagdesisyon ka mag-aaral ako, ngayon mayroon kang mga tatalikuran, hindi ka sasama sa mga barkadang mag-aanyaya sayo o kaya magbabasa ka, hindi ka manonood ng tv. Mga mag-asawa kapag sinabihan ka ng asawa mo huwag ka munang umalis tulungan mo akong mag-alaga ng anak nating may sakit. Kapag nagdesisyon ka, sige mag-aalaga ako ng anak na may sakit meron kang tatalikuran hindi ka makikipagbinggo, hindi ka makiki-majong, hindi ka makikipag-inuman. Hindi pupuwedeng dalhin ko na lang kaya yung anak kong maysakit doon sa may inuman para habang inalagaan ko umiinom ako, dalhin ko na lang kaya yung anak kong may sakit doon sa may tong-its para sabay, hindi sa tunay na buhay kelangang meron kang tatalikuran. Iyong kailangan ng kalayaan kapag ang puso hindi malaya hindi ka makakasabi ng hindi, hindi ka rin makakasabi ng oo. Pinakita po ni Hesus sa ebanghelyo ang puso niya, malayang malaya para tuparin ang misyong iniatang sa kanya. Bagamat may mga panganib sa pagpunta sa Jerusalem tumuloy slya hindi siya mapipigil, malaya siyang ibigay ang sarili para matupad ang misyon. Pagpunta sa Jerusalem ayaw s’yang papasukin ng isang nayon ng Samarya kasi po nung panahon na yon ang mga Hudyo, si Hesus ay Hudyo at mga Samaritano ay magkaaway noong nalaman ng mga taga-Samarya na dadaan, si Hesus ayaw. Hindi papasukin kung tayo si Hesus magagalit ka na ,ano ho? At yung dalawang alagad ni Hesus si Santiago at Juan galit na galit, sabi Panginoon magpababa na tayo ng apoy mula sa langit, tupukin yang mga taga Samarya na yan. Pero si Hesus malaya ang puso, malaya sa galit kahit siya ay tinatanggihan hindi ayaw ko yan, hindi iyan ang aking misyon, ang puso malaya para maging mapayapa, mapagmahal at hindi alipin ng galit. Kita natin sa puso ni Hesus,malaya tuparin ang misyon malaya na umibig kahit na sa galit sa kanya Inaasahan nya ganyan din tayo kalaya yan ang puso ni Hesus kaya tayong mga alagad hinahamon sa ebanghelyo.

Merong gustong sumunod, susunod po ako kahit saan, sabi ni Hesus ang mga asong gubat may lungga, ang ibon may pugad, ako wala akong matuluyan handa ka bang sumunod? Susunod ka ba kapag mahirap na ang buhay o baka kaya ka sumusunod sa akin akala mo easy-easy lang, pinapaalam ko sayo wala tayong matutulugan, magiging malaya pa kaya ba itong gustong sumunod? Si Hesus malaya ang puso ang kanya misyon hindi comfort ang hanap niya. Matupad lamang ang misyon niya kahit ano pang hirap o kahit walang bahay, kahit walang matulugan okay lang basta available for mission, ang hamon niya ikaw susunod ka sa akin handa ka ba? Handa ka ba sa discomfort? Yung isa susunod po ako sa inyo pero ililibing ko muna ang tatay ko, sagot ni Hesus hayaan mo ang mga patay na maglibing sa kapwa patay. Naku po parang ano ho, parang marahas? Pero ano ang punto ni Hesus? parang sinasabi niya ikaw natagpuan mo na ang buhay susunod ka sa akin babalik ka ba sa mga patay? Hayaan mo na ang mga patay sila sila nakita mo na ang buhay sumunod ka na. Mukhang bumalik sa patay. Di ba ganon tayo gusto ko kaliwanag pero kapag nakita yung dilim na parang kaakit-akit balik sa dilim.

May nagkuwento nga sa akin kapag ang doctor daw niya nagsabi sa kanya na bawal kumain ng matataba ng lechon, ano ginagawa niya? naghahanap ng ibang doctor, hindi malaya, hindi malaya na sumunod sa kanyang doctor. Ayaw kang sundin, hanap nalang akong ibang doctor na papayagan ako kumain ng lechon. Ayan, papunta na sa liwanag, may lechon sa dilim balik sa dilim. Hindi malaya yung isa naman sabi susunod ako Panginoon pero magpapaalam muna ako sa nanay at tatay ko, sa aking mga kasambahay, ang sabi ni Hesus ang nag-araro na laging lumilingon aba anong klaseng pag-aararo yan? Hindi po nagiging marahas si Hesus. Mga bata hindi sinasabi ni Hesus na wag kayo magpaalam sa mga magulang nyo ha baka kayo’y magpapalaboy laboy at sasabihin nyo aba sabi ni Hesus. Kung susunod ka kay Hesus, okay pero kung ikaw ay maglalakwatsa lang ay hindi magpaalam ka ang tinuturo ni Hesus ay yung kalayaan ng kalooban at puso kasi alam natin kaya alam natin kay dali ang puso natin maging alipin.

Nakakatuwa sa unang pagbasa si Eliseo tinawag para pumalit humalili kay Elias, si Eliseo ay magsasaka, ano ginawa niya? Umuwi, kinatay ang toro na ginagamit niya pang-araro, ang pamato ginawang gatong niluto yung toro, ginawang panggatong yung pamatong at pinakain sa bayan yung niluto niya. Anong ibig sabihin niya? nagpaalam na siya sa dating buhay, nagpaalam na siya buhay magsasaka, malaya iniwanan upang makasunod sa bagong buhay. Kalayaan na sumunod kay Hesus, kalayaan na magpalam sa maaaring humadlang sa pagsunod kay Hesus. Paalaala ni San Pablo sa ikalawang pagbasa, ang kalayan ay hindi yung basta gagawin ko ang gusto ko hindi ko gusto yang kilay mo ay – kita bat mo ginawa yan? Malaya ako Noong ako po ay nag-aaral sa ibang bansa kapag traffic may mga patayang nangyayari, yung isang nahuli nagdadrive traffic di gumagalaw aba lumabas ng kanyang sasakyan binaril yung driver nung kabilang sasakyan nung nahuli sya tinanong bat mo ginawa yan kasi yung pinapatugtog nyang music di ko gusto para tumahimik patayin ko na sya. Aba, tapos sabi sabi dun sa imbestigador malaya ako, malaya ako, sabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa hindi iyan ang kalayaan na dulot ni Hesus, ang kalayaan na dulot ni Hesus ay mapalaya tayo sa kasamaan. Upang malaya tayong makasunod sa espiritu ni hesus. Yan ang kalayaan sino ang tunay na malaya hindi yung gagawin ang magustuhan hindi ang tunay na malaya yung gumagawa ng mabuti bilang pagsunod sa espiritu santo. Kapag ang aking ginagawa ay ayon sa masama hindi ko tunay na malaya alipin ako ng kasamaan. At yan ang puso ni Hesus sana po sa nobenang ito at sa fiesta bukas yan ang hilingin natin na ang ating mga puso ay maging makaya na sumunod kay Hesus. Malaya na. talikuran ang kasamaan, malaya na sumunod kay Kristo, malaya na tuparin ang ating mga misyon katulad ng kalayan ng puso ni Hesus. Let our hearts be like your heart Jesus. At bilang pagtatapos po naikuwento ko na to sa ibang misa nung minsan po sa kumpil ipinaliwanag ko dun sa kukumpilan na kapag dumating, natanggap nilang muli ang espitu santo sana ang maging bunga ng espirtu santo sa kanila ay maging malaya na sumunod kay Hesus Huwag yung patumpik tumpik, hindi yung titingnan ko, kapag tumawag si Hesus, malaya tugon agad walang makakahadlang. Kapag nag-anyaya si Hesus hindi yung iisipin patingnan ko ha, kung tatanggapin ko hindi kapag sinabi ni hesus magpatawad ka, patawad agad hindi yung iisipin ko pa, hindi ka malaya. Di ba? Isipin n’yo ngayon sino ba yung kaaway niyo, patawarin niyo agad. Hindi yung bukas na o bahala na, hindi ka malaya. Sabi ni San Pablo kapag pinagsalitaan ka ng masama, huwag masama ang sasabihin mo. Sabi nga kapag ikaw pinagsalitaan ng masama god bless you. Tigil ang kasamaan yung kasamaan nya kaya lumalaki Ang masamang salita babanatan ng masamang salita. Hindi pasama nang pasama. Anong ginawa ni Hesus minasama sya tinigil ang iginanti pag-ibig hindi na ngayon makaganti yung mga ano kasi anong gagantihan nila pagibig. Ganyan ang kalayaan pinaliwanag ko yan sa kukumpilan pagkatapos ng kumpil ano ang pipiliin ninyo, pag-aaral o paglalakwatsa. Pagaaral po Malaya na ang puso nila. Ano ang uunahin pagdarasal o panonood ng tv, pagdarasal po wow talagang umeepekto yata ang aking pangangaral kukumpilan na ano ang mas mahalaga ang misa o 30 million dollars, 30 m dollars nako wala alipin na naman. Kaya kailangan tayo humihingi ng biyaya, hindi natin kaya yan palipat lipat tayo minsan malaya, maya-maya hindi na naman malaya. Sa loob ng tatlong segudno kung anu ano ang ating palipat lipat pero ang puso ni Hesus malaya para sa Diyos ako para ako sa kapwa at ganyan sana ang puso natin tayo’y tumahimik sandali ibukas ang ating kalooban sa kalooban ni Hesus at kung meron po kayong nararanasan ang pagkaalipin saglit sa pera sa inggit o kung ano man hilingin natin kay Hesus na tayoy mapalaya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 55,241 total views

 55,241 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 66,316 total views

 66,316 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 72,649 total views

 72,649 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 77,263 total views

 77,263 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 78,824 total views

 78,824 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 5,768 total views

 5,768 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 5,753 total views

 5,753 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 5,713 total views

 5,713 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 5,766 total views

 5,766 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 5,768 total views

 5,768 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 5,713 total views

 5,713 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 5,813 total views

 5,813 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 5,723 total views

 5,723 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 5,765 total views

 5,765 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 5,708 total views

 5,708 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 5,720 total views

 5,720 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 5,775 total views

 5,775 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top