Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HOMILY
HIS EMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE
65TH ANNIVERSARY OF HOLY FAMILY PARISH
SAN ANDRES BUKID MANILA
AUGUST 07, 2016

SHARE THE TRUTH

 256 total views

Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, tayo po ay magpasa lamat magpuri sa Diyos dahil tinipon niya tayo ngayong umaga upang sa pagdiriwang ng eukaristiya tayo ay kanyang mapalakas at mapanibago sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at ng esperitu santo na ibibigay sa atin para maging tunay na katawan ni Kristo, bayan ng diyos at templo ng banal na esperitu.

Nagpapasalamat po tayo sa pagsapit ng ika- 65-anibersaryo ng pagkakatatag natin bilang parokya. Ito ay biyaya ng Diyos at ito rin po ay isang malaking responsibilidad.

Kung tayo ay taga-pagmana ng pananampalataya ng ipinunla sa parokyang ito 65 years ago, ano naman ang ating ipapasa sa susunod na henerasyon?

May mga parokya na unti-unti nang lumiliit, galing lang po ako sa World Youth Day sa Poland. Maraming Obispo, pari, religious, mga lay people na aming nakasalamuha galing sa ibang bansa.

Yung isang obispo sa Germany sabi niya sa akin, hirap na hirap ako, sabi ko bakit po? Hirap na hirap ako sa pagsasara ng parokya. Sabi ko bakit kayo magsasara? kasi may mga parokya na 20 na lang ang parishioners.

Sabi ko sa inyong bansa kilalang-kilala kayo sa pagiging mga Katoliko, bantayog ng pananampalataya tapos ngayon nagsasara na. Mayroon nga raw isang simbahan malaking basilica, ang misa ay ginaganap na lamang sa isang side chapel, hindi na sa gitna kasi ang nagsisimba naman ay kasya na doon sa gilid.

Kaya tayo po nagpapasalamat 65 years, pero hindi lamang ito yung kami umabot na kami 65 may 20 percent discount baka mga 20 percent discount din ang mga nananampalataya, baka hindi lang nag-20 percent discount sa gamot, sa sine, sa pedicure, manicure, pamasahe at kung anu-ano.

Ang nakakatakot baka taun-taon 20-percent din ang dini-discount sa pananampalataya. Kapag dumating ang ika-100 taong anibersaryo ng parokya, ano kaya ang mukha ng parokya?
Kaya ang ating pagdiriwang ay may kasamang pananagutan, ang ipinagdiriwang natin ay hindi yung nakapagpatayo ng magandang gusali, hindi ang parokya ay sambayanan ng pananampalataya.

Yang mga sinasabi kong halimbawa ay mas magaganda pa ang simbahan nila sa Germany pero kung walang lamang tao pangit yan, mas gusto ko pa ang kapilya na gawa sa nipa pero umaapaw sa pananamapalataya.

65 na kami, ang tanong diyan kumusta ang pananampalataya? kamusta ang ugnayan sa Diyos? kumusta ang ugnayan kay Hesus? kumusta ang ugnayan sa esperitu santo? yan diyan tayo nagiging parokya. At kumusta ang uganayan sa isat-isa, nakikita ba sa atin nanananahan ang Diyos?

Mapalad tayo dahil ang mga pagbasa ay tungkol sa pananampalataya, napakayaman po pero magbibigay pansin lamang ako sa ilang bahagi ng pananampalataya.

Una, ang pananampalataya ay pagtitiwala sa Diyos, kahit ang hinihingi ng Diyos o ang sinasabi ng Diyos ay parang imposible o mahirap tanggapin pero dahil ang nagsasalita ay ang Diyos, magtitiwala ako.

Iyan ang ipinakita ni Abraham, ni Sarah at ng ating mga ninuno sa pananampalataya, ayon sa ikalawang pagbasa. Hindi madali para kay Abraham na paalisin sa kanyang hometown para lumipat sa isang lugar na hindi naman sigurado gaganda ba ang buhay niya, pero nagtiwala siya sa Diyos, alam natin si Abraham at si Sarah ay hindi magkaanak, pero sabi ng Diyos magkakaroon ka ng maraming anak kasing dami ng mga bituin at buhangin.
Eh hindi nga makaisang anak, papano magkakaroon ng ganung karami?
Pero dahil ang Diyos ang nagsalita naniwala nagtiwala si Abraham at si Sarah yan po ang unang aspeto ng pananamplataya, saan ba tayo nagtitiwala?

Kaya ang paalala ni Hesus sa ebanghelyo, baka naman ang ating tiwala ay sa kayamanang makalupa kaya maraming tao nag-accumulate ng pera, nag-aaccumulate ng makakain, nang maisusuot kasi ang tiwala nila ay naroroon sa pananampalatya sa Diyos.

Ang ikalawa po, ang tiwala at pananalig pinapakita sa gawa sa pagtalima sa Diyos.

Kasi madali namang sabihin oo nga tanggap ko ang salita ng Diyos, nagtitiwala ako sa Diyos pero kapag gagawin na ibang usapan na yan. Iba na madali yung magsabi na nagtitiwala ako sa Diyos pero yan ba ay maipapakita ko sa gawa?

Katulad ni Abraham, ginawa niya ang kalooban ng Diyos, katulad ng mga Israelita sa unang pagbasa, iniutos ng Diyos kumain kayo ng hapunang pampaskuwa, maghanda kayo palalayain ko kayo.

Parang mahirap paniwalaan, nagtiwala sila pero ginawa ang tiwala na umuuwi sa gawa.

Masarap sana magtesting, di ba sabi ni Hesus kapag sinampal ka sa kanang pisngi ibigay mo pa ang kabila o tayo naman oo nga, oo nga, subukan kaya natin.
Tayo kapag sinampal hindi lang sampal ang ibinibigay natin, minsan yung gawa hindi tumtugma doon sa sinasabi kong aking pinaniniwalaan.

Sabi ni Hesus hindi lamang pitong beses ka magpapatawad kundi maka pitong pitumpong beses, tayo nakadalawa ka na kapag tumatlo ka na humanda ka sa akin aba 70 times 7.

Sabi ni Hesus magmahalan kayo tulad ng pagmamahal ko sa inyo, simpleng bagay eh ano ho, minsan nga komunyon nagtutulakan pa.

Parang mauubusan, so may tiwala pero tiwala na nakikita rin sa gawa, sa kilos ayon sa kalooban ng Diyos.

At ang ikatlo po, ang pananampalataya ay ang mabuhay sa piling ng Diyos lagi, ang pananampalataya ay ang mabuhay lagi sa piling ng Diyos.

Hindi yung alas-otso hanggang alas-nueve konektado ako sa Diyos, alas-nueve, alas- diyes kalimutan ko muna ang Diyos, alas- diyes hanggang alas-onse balik na naman ako sa Diyos, tapos alas-onse hanggang alas-dose pagbigyan ko muna ang sarili ko, kalimutan muna ang Diyos. Alas-tres ay naku divine mercy yan kapiling ko ang Diyos, 3:10 tapos na ang divine mercy, di tong-its naman ako.

Iyan ang binabatikos ni Hesus sa ebanghelyo, meron daw mga alagad na pinagtiwalaan niya at ang ibinibigay na halimbawa ay yung katiwala, yung amo may pinagkatiwala sa manggagawa, umalis ang amo nagbakasyon, ano ang ugali ng katiwala? Wala naman ang amo ko hindi naman niya nakikita ang ginagawa ko, at dahil sa isip niya binura niya ang amo niya, hindi na rin niya naisip na baka bumalik kahit anong oras, talagang binura na niya ako na ngayon ang nandito wala ang amo anong ginawa, nag- abuso! Pinagsamantalahan ang ibang mga kasambahay, naging mayabang, naging mapagsamantala.

Ang aral po sa atin kung may pananampalataya, tayo lagi nasa piling ng Diyos at kapag naiisip natin ang Diyos at nakikita natin ang Diyos lagi. Magda-dalawang isip ka sa iyong mga ikikilos galit na galit ka na pero huwag mong alisin ang Diyos nandiyan ang Diyos para yung galit mo hindi umuwi sa pagkamuhi at pananakit sa iyong kapwa.

May asawa ka na, may tumabi sa iyo sa simbahan na pagkaganda-ganda, huwag mo isipin na wala naman ang misis ko ngayon nasa Hongkong, wala naman ang Diyos kaya tingin na nga ako. HINDI, nandiyan ang Diyos.

Sakit daw natin yan kapag may pulis, sunod wala namang pulis eh hindi na. Parang kailangan tayong takutin lagi para gumawa ng mabuti.
Ang taong gumagawa ng mabuti dahil lamang natatakot hindi kumbinsido yan, kapag nawala na ang takot abuso ulit.

Ang pananamplataya hindi ganyan, ang pananamplataya hindi ko kailangang takutin pa ako, hindi ko kailangan na ako ay pangakuan ng gantimpala, gagawin ko ang mabuti dahil mabuti ito.

Hindi ko kailangan na ako’y takutin, hindi ko kailangan na ako’y pangakuan ng pabuya, gagawin ko ito dahil sa Diyos.

At kapiling ko ang Diyos lagi kaya ang aking salita, ang aking gawa, ang aking ugnayan hindi ko iniisip wala naman ang Diyos.

Noong bata kami kapag Biyernes Santo may biruan noon eh, o patay na si Hesus puwede na tayong gumawa ng kahit ano, patay siya eh. Bakit ganun ang pananampalataya hindi panaka-naka, consistent, hinanap ko ang Diyos, kapiling ko ang Diyos, kumikilos ako ayon sa Diyos, lagi-lagi.

Ito po ang tatlong aspeto ng pananampalataya na sana ay hilingin natin sa Diyos na bilang biyaya at atin ding maipasa sa susunod na henerasyon, pananalig at pagtitiwala sa Diyos higit sa lahat. Huwag ipagpapalit ang Diyos, siya ang ating pinagkakatiwalaan.

Ikalawa, pagtitiwala na isinasagawa, kumikilos ayon sa narinig natin sa Diyos.
At ikatlo, mabuhay lagi, minu-minuto, segu- segundo sa piling ng Diyos hindi seasonal hindi yung kapag Biyernes Santo magpapako para raw mapatawad tapos buong taon kinakalimutan ang Diyos.

Hindi, ang pananamplataya ay ang ating consistent na buhay.

Tayo po ay tumahimik sandali at hilingin natin sa Diyos, ang biyaya ng malalim na pananampalataya gayundin ang lakas upang ito ay ating maibahagi at maipasa lalu na sa kabataan at sa mga susunod pang henerasyon, sa ating parokya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 4,448 total views

 4,448 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 14,563 total views

 14,563 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 24,140 total views

 24,140 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 44,129 total views

 44,129 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 35,233 total views

 35,233 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task Luis Antonio G. Cardinal Tagle

 5,774 total views

 5,774 total views The Smell of the Sheep: Knowing their pain and healing their wounds is at the core of the shepherd’s task. Luis Antonio G. Cardinal Tagle Meeting of the Presidents of the Bishops’ Conferences on Safeguarding of Minors February 21, 2019 The abuse of minors by ordained ministers has inflicted wounds not only on

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life

 5,759 total views

 5,759 total views H.E. Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life Homily Feb 16, 2019 We thank God for bringing us together on this beautiful day. Let us give the Lord praise and thanksgiving, for life-giving creation and we thank God for this opportunity again to be one community proclaiming to the world

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Palm Sunday Homily

 5,719 total views

 5,719 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Conception March 25, 2018 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Sinisimulan po natin ngayon ang mga mahal na Araw Holy Week at ang pasimula ay ang paggunita natin sa maringal at mabunyi na pagpasok ni Hesus sa banal

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Walk for Life 2018

 5,772 total views

 5,772 total views February 24, 2018 “Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya magpasalamat po tayo sa Panginoon na siyang nagtipon sa atin po sa umagang ito. Siya rin po ang naglalakad, siya ang tunay na naglalakad sumasama lang po tayo, Siya ang unang naglakad at patuloy na naglalakad, at tayo po ay ang kanyang katuwang. Hindi

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Feast Day of Blessed Takayama Ukon

 5,774 total views

 5,774 total views Homily Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and praise to God for this day. We thank God for giving us the opportunity to be one community so that we could be renewed by his word, by his presence, by his spirit and

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily – His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila – Street Mass Zone 7, St. John Bosco Parish, Makati – January 19, 2018

 5,719 total views

 5,719 total views Muli po magpasalamat tayo sa Panginoon na tayo ay binigyan ng lakas ng katawan, tamang pag-iisip. Maganda ang panahon at kakayanan na maglakad at ngayon sama-sama tayo para sa Eukaristiya. Nagpapasalamat po ako kay Fr. Degs at mga kasama sa parokya sa paanyaya na makapiling kayo sa misang ito. Kung bibigyan po ng

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

HIS EMMINENCE LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE TRASLACION – JANUARY 09,2018, QUIRINO GRANDSTAND

 5,819 total views

 5,819 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo. Una po sa lahat, magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin itong mga mga nakaraang araw pa, hanggang ngayon, hanggang mamaya. Upang bilang isang sambayanan, tayo ay kanyang mapanibago ng kanyang salita, nang kanyang espiritu ng kanyang presensiya. Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio, New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral, December 31, 2017

 5,729 total views

 5,729 total views His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo tayo po ay mapuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos na siya pong nagdala sa atin sa gabing ito dito sa Manila Cathedral Basilica upang patuloy nating pagnilayan ang kahulugan

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Welcomes the Year of the Clergy and Consecrated Persons as it culminates Year of the Parish: Communion of Communities Homily

 5,771 total views

 5,771 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Nov.30, 2017 – Thursday Minamahal na mga Kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos sa Kaniyang kabutihan sa atin, sa ating mga parokya, sa ating mahal na Archdiocese of Manila. Lahat ng papuri ay sa Panginoon. Nagpapasalamat din po tayo dahil tinipon

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Love2Last event of CFC

 5,714 total views

 5,714 total views HOMILY SMX Pasay City October 29, 2017 My Dear Brothers and Sisters in Christ, We thank God for bringing us together; we are one big family this afternoon as we celebrate the Eucharist. Kahit saang parokya, kahit saang lugar kapag nagdiriwang ng Eukaristiya tayo ay isang malaking pamilya na tinitipon ni Hesus sa

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

1st Year Anniversary of Sanlakbay

 5,726 total views

 5,726 total views Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Basilica de San Sebastian October 21, 2017 Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos siya po ang nagtipon sa atin sa umagang ito upang sa pamamagitan ng kanyang salita, ng katawan at dugo ni Hesus at

Read More »
Cardinal Homily
His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle

Homily His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
1st day of Novena Mass for the feast day of St. Rafael
San Rafael Parish, Balut Tondo Manila

 5,781 total views

 5,781 total views Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, una sa lahat magpasalamat tayo sa pagtitipon na ginawa ng Diyos para sa atin, bilang isang sambayanan bilang isang pamilya. Lalu na po sa unang araw ng ating pagno-nobena, bilang paghahanda sa kapistahan ng ating patron si San Rafael. Ang novena ay paghahandang spiritual, naghahandang pangsambayanan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top