216 total views
Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, tayo po ay pinagpala dahil tinipon na naman tayo ng Panginoon sa araw na ito upang magkasama-sama bilang isang sambayanan para makatanggap muli ng kaniyang salita, ang kaniyang katawan at dugo at ng kanyang esperitu santo na patuloy niyang ibinibigay sa atin at lalu’t higit ginugunita na naman natin ang patnubay, ang pagpapanalangin at proteksiyun ng ating mahal na patrona, ang ina ng laging saklolo.
At maganda ang ating fiesta dahil napapaloob po sa taon ng awa, year of mercy. Ang mahal na ina, ina ng laging saklolo kahit ano pang araw, kahit anong taon kahit hindi year of mercy matatakbuhan, maawain, sumasaklolo. Sana ganyan din tayo, baka year of mercy maawain, pagkatapos ng year of mercy sasabihin puwede na akong hindi maawain. Tapos na ang year of mercy, ay hindi lalu na sa ating parokya laging saklolo, laging maawain, laging dumadamay, laging nagmamalasakit, anuman ang araw, taon o panahon, iyan ang gusto ng mahal na ina, This is how love, mercy could circulate it does not confined by territory or by time, love, mercy and compassion they all go beyond space and time and so hope that as we celebrate our mother of perpetual help, helping the poor will be perpetual, hindi seasonal o hindi temprenamental kapag nasa mood ako, tutulong ako, kapag wala ako sa mood huwag mo akong lapit-lapitan ha, kapag pasko sige puwede kayong lumapit, tapos na ang pasko bakit ka lumalapit? Ang ating awa naiiwan sa panahon at sa lugar.
Mula sa mga pagbasa, konektadong-konektado ang pagbasa, ang mga pagbasa tungkol po sa kalayaan ng puso ng kalooban na kailangan ng mga susunod kay Hesus. At kailangan din kalayaan ng puso para maging mahabagin at maawain sa kapwa. Ang pusong hindi malaya ay hindi magmamahal, ang pusong hindi malaya hindi tutugon kay Hesus at sa kapwa. Pero ano ba yung kalayaan? sabi po ni San Pablo, iyan ang ibinigay ni Hesus sa atin manatiling malaya pero ang kalayaan ay hindi raw yung, puwede kung gawin yung gusto ko. Mga bata na andito, sasabihin ng mga bata malaya ako, teenager na ako kung gusto kong manigarilyo, maninigarilyo ako, malaya ako. Sasabihin nung mga bata may isip na ako, kung gusto kong magtext hanggang ala-una ng madaling araw, kung gutso kong mag-internet malaya ako. O kaya high school pa lang nakikipag girlfriend na, boyfriend na, nakikipaglambutsinngan sa ilalim ng tulay. Tapos uuwi hindi pa tapos ng high school buntis na, tatay na yung isa, nanay na yung isa, kapag tinanong mo anong nangayari? Eh malaya naman ako. Ay sino ba ang ama niyan? isa sa kanila, anong isa sa kanila marami ba yan? Kasi malaya naman ako, nagustuhan ko siya, nagustuhan ko siya malaya ako. Sabi ni San Pablo hindi yan ang kalayaan na binigay ni Hesus na ayon sa Esperitu Santo, ang puso ay pinalalaya sa kasalanan, sa pagkamasakasarili upang maglingkod ng may pagmamahal. Ang tunay na kalayaan hindi idinidikta ng kamunduhan at kasalanan, hindi kalayaan iyan lalu kang alipin ng kasalanan. Ang tunay na malaya kayang sabihin hindi sa kasalanan at oo sa pag-ibig na naglilingkod. Yan at yang kalayaan na yan yan lamang ang makatutugon at makakasunod sa Diyos at makatutugon sa kapwa nang may awa. Pinakita po yan ni Hesus, si Hesus napakalaya ng puso malaya na sumunod sa kalooban ng Diyos. Sa ebanghelyo papunta siya sa Jerusalem, sa Jerusalem doon na siya dadakpin, papatayin. Kung tayo yan, magtatago na tayo pero siya malaya, ito ang misyon ko galing sa ama at walang makakahadlang kahit kamatayan malaya ibibigay ang sarili para sa Diyos. Papunta silang Jerusalem, hindi sila pinapasok sa isang bayan ng Samarya kasi yung mga Hudyo at ang mga Samaritano ay magkaaway galit na galit ang mga alagad ni Hesus, si San juan at si Santiago sabi kay Hesus tawagan natin ang langit magpadala ng apoy para tupukin ang bayan na yan inisulto tayo hindi tayo pinapasok. Tingnan niyo ang kalayaan ni Hesus, hindi, hindi ako naparito para ikondena ang mga tao kundi para isalba sila.
Kahit nasasaktan si Hesus hindi magpapaalipin sa galit sa panghuhusga malaya ang puso magmahal kahit sa kaaway. Wow, Eh kayo yan titirisin mo na yan, kaya lumalala ang gulo sa mundo, e hindi tayo malaya. O mga bata, ang mga bata kapag nagkakainitan ng ulo sasabihin nung isa, tutuksuhin nung isa yung kalaro nya, eh ano gagawin ng kalaro, ano na wala nang tigil, lumalaki nang lumalaki yung gulo, eh kaya pakalat nang pakalat ang kasamaan yung isang kasamaan tutugunan kapwa kasamaan, hindi naman titigil itong isa, sige parin, sige maya-maya, ano na yan malawak na ang kasamaan kasi lahat hindi malaya alipin ng galit, alipin ng inggit, alipin ng paghihiganti. Sabi ni San Pablo kapag pinasalitaan ka ng masama ang sagot mo god bless o di hindi na siya makakasagot mapipilitin na rin yan and also with you. O e di tapos ang away kaya lumalaki yung away babanat yung isa, babanatan nang banatan. Tama na. Malaya ba ang puso? Malaya bang umibig? Pinapakita ni Hesus pati ang kaaway. Hindi ka magpapaalipin sa iyong galit kasi malinaw sa kanya ang misyon niya hindi para sirain ang kapwa kundi para iligtas ang kapwa, ganun si Hesus iyan po ang inaasahan sa atin itong mga alagad niya. Susunod daw sabi nung isa susunod ako sa iyo, sinabi ni Hesus ang asong gubat may lungga, ang ibon may pugad ako walang matulugan. Parang sinasabi niya na handa kang sumunod sa akin? Dapat malaya ka na humarap sa buhay na hindi madali. Gusto mong sumunod kay Hesus pero baka ang hanap mo ay comfort, convenience, if you want to follow me, you should be free to face any situation even discomforts. Are you free? E tayo paminsan magpipiknik lang bitbit lahat, ano e kailagnan may biscuit, kailangan may tubig, kailangan may tabo, hindi aalis hanggat hindi okay. Okay ba to? okay ba yan? Kapag sumunod ka kay Kristo humanda ka wala kang matutulugan pero hindi masama loob mo kasi hindi naman yan ang hanap ng puso mo, ang puso mo ang hanap lang makasunod kay Hesus.
Malaya, sabi nung isa susunod po ako pero ililibing ko muna ang tatay ko, sabi ni Hesus hayaan mong ang mga patay ilibing ang kanilang mga patay, parang marahas ano ho? Pero ang punto ni Hesus hindi naman yung hayaan mo nalang yung tatay mong patay, ang ano niya ay kung ikaw papunta na sa buhay susunod ka sa akin, ako ang buhay susunod ka sa akin, pabalik-balik ka naman sa patay. Kapag natagpuan mo na ang buhay, good bye na patay. Eh tayo ho eh pabalik balik tayo, mangangako hindi na ako kakain ng chicharon, ng taba, o sumsunod na sa doktor, e piyesta nakakita, paminsan-minsan lang namaan ito, nasa buhay na punta na naman sa kamatayan.
Niloko ka nang boyfriend mo, hindi na ako magpapaloko ulit, naku pinadalhan ka ng text miss you, nako, miss you too. Ayan na hindi natin malaman ano ba gusto natin liwanag o dilim? Kapag ganyan-ganyan tayo, kaya sabi ni Hesus aba natagpuan mo na ang kaliwanagan babalik ka na naman sa dilim, ano ba? Sabi nung isa susunod po ako pero magpapaalam muna ako sa aming pamilya, hindi naman sinasabi ni Hesus balewalain ang pamilya, ang punto niya, sabi niya kapag nag-aararo ka hindi pwedeng palingon-lingon ka, aba ang pag-aararo paliko-liko iyan, pawarde-warde yan kapag meron kang natutukan diretso pero kailangan malaya. Ang kalayaan po handa magsabi ng NO, hindi sa iba pero YES kay Hesus. Para maging mahabagin at maawain kailangan kaya tayong maging malaya, malaya sa pagkamasarili, malaya sa pag-iisip lamang, sa pag-iisip, sa sariling interes pero malaya na tumugon sa pangangailangan ng ating kapwa katulad ng ating mahal na ina ang puso handang-handa,malayang-malaya na sumaklolo sa atin, laging saklolo. Ganyan po sana tayo hilingin natin sa Diyos ang kalayaan ng puso. Tumahimik po tayo sandali at ibukas ang puso sa mahal na panginoon at sa tulong ng mahal na ina linisin nawa ang ating puso para maging malayang tumugon sa Diyos at sa kabutihan ng kapwa.