Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 509 total views

6th Sunday of Ordinary Time Cycle A

Sirach 15:16-21 1 Cor 2:6-10 Mt 5:17-37

Ang Bibliya natin ay binubuo ng dalawang bahagi, ang Lupang Tipan at ang Bagong Tipan. Ang nilalaman ng Lupang Tipan ay ang mga pahayag at mga pangyayari bago dumating si Jesukristo. Ang nakalagay naman sa Bagong Tipan ay ang mga pahayag at pangyayari tungkol kay Jesukristo at tungkol sa simbahan sa mga unang limampung taon nito. May nagsasabi, bakit pa kailangang basahin ang Lumang Tipan kung mayroon na tayong Bagong Tipan? Maliwanag ang sinabi ni Jesus: “Huwag ninyong akalain na naparito ako upang ipawalang-bisa ang Kautusan at ang aral ng mga propeta. Naparito ako, hindi upang ipawalang-bisa kundi upang ipaliwanag at ganapin ang mga iyon.” Kailangan pa ba natin ang Lumang Tipan? Opo kailangan pa natin kasi sinabi ito mismo ni Jesus. Kung balewalain natin kahit na ang pinakamaliit na bahagi ng Kautusan sa Lumang Tipan ibibilang tayo sa pinakamababa sa kanyang kaharian.

Oo, kailangan natin ang Lumang Tipan pero ito ay kailangan nating unawain ayon sa aral ni Jesus kasi ito ay mas pinalalim pa ni Jesus at pinaganap. He perfected it. Kaya apat na beses nating narinig sa ating ebanghelyo: “Narinig ninyo na noon ay iniutos sa mga tao… ngunit ngayon ay sinasabi ko sa inyo…” Mas pinalalim ni Jesus ang pagtupad ng mga utos. Hindi lang sapat na huwag pumatay, huwag din dapat tayo magalit at huwag murahin ang iba, kasi ang ugat ng pagpapapatay ay ang pagsasawalang halaga sa ating kapwa. Hindi lang sapat na huwag tayong makiapid. Tanggalin ang mahahalay na pagtingin at pagnanasa sa ating kapwa. Ang pakikiapid ay nagsisimula sa kahalayan. Ganoon din ang divorce, ang paghihiwalay sa asawa. Hindi ito pinayagan ni Jesus kahit na sa kautusan ni Moises ito ay pinayagan. Kaya nakikiapid ang nag-asawa sa hiniwalayan, kasi sa totoo lang sa mata ng Diyos, walang divorce, hindi sila hiwalay. Hindi lang sapat na tupdin ang sinumpaan. Huwag sumumpa. Dinadagdagan natin ng sumpa ang ating pangako kasi hindi tayo makatotohanan. Hindi naniniwala ang iba sa ating salita kaya pinagtitibay pa natin ito ng sumpa. Pero kung ang bawat salita natin ay totoo at pinaninindigan natin, hindi na kailangang manumpa pa. Mayroon tayong palabra de honor. Nawawala na ito sa maraming tao, lalo na sa politiko natin. Walang katuturan ang maraming pahayag ng ating mga politiko – hindi naman nila tinutupad ang kanilang mga pangako.

Para kay Jesus ang pagsunod natin sa Diyos ay dapat manggaling sa ating puso at sa ating intensyon. Sinusuri natin ang kaibuturan ng ating puso at kalooban. Kaya hindi lang panlabas ang ating pagsunod sa kanya. Napakaganda ang ating salmong tugunan:

“Ituro mo, Panginoon, layunin ng kautusan.

At iyon ang susundin ko habang ako’y nabubuhay.

Ituro mo ang batas mo’t sisikapin kong masunod,

Buong pusong iingata’t susundin nang buong lugod. “

Kaya kaya nating itong gawin? Masusunod ba natin ang utos ng Diyos? Sinabi sa atin ni Sirach sa ating unang pagbasa na kaya natin ito: Makapipili tayo ng anuman, tayo ang magpasya: tubig o apoy, buhay o kamatayan, maging tapat sa Diyos o hindi. Tayo ang pipili. Ginawa tayo ng Diyos na malaya. Nagbigay siya ng mga utos pero hindi niya tayo pinipilit. Oo, ayaw niya na tayo ay magkasala, kailanma’y wala siyang inutusang magpakasama o pinahintulutang magkasala. Binigay pa nga niya sa atin ang kanyang Banal na Espiritu upang matupad natin ang kanyang kagustuhan. Hindi lang niya tayo binigyan ng aral at gabay, binigyan pa niya tayo ng kakayahan na ito ay magawa. Malaki na ang kanyang itinaya upang magabayan tayo ng kanyang mga utos. Pero hindi niya tayo pinipilit. Tayo ang magpapasya, pero may resulta ang ating pasya. Kung pipili tayo ng tubig, mabubuhay tayo. Kung pipili tayo ng apoy, masusunog tayo.

Kaya ano ang dapat nating gawin?

Una, maniwala tayo na ang batas ng Diyos ay mabuti sa atin. Mahal na mahal niya tayo na ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak sa atin. Ayaw niyang mapahamak tayo kaya binibigyan niya tayo ng mga paraan upang hindi tayo mapasama. Ang mga batas ng Diyos ay tanda ng kanyang pagmamahal sa atin.

Pangalawa, kung naniniwala tayo na mabuti ang kanyang mga utos – alamin natin ang mga ito! Ano ba ang mga batas ng Diyos? Paano natin sila masusundan kung hindi natin sila alam? Kaya kailangan magbasa ng Bibliya at alamin ang katesismo. Hindi naman inililihim ng Diyos ang kailangan nating malaman.

Pangatlo, gawin natin ang ating nalaman tungkol sa Diyos. Hindi tayo maliligtas ng ating kaalaman kundi ng ating kabutihan at ang kabutihan ay nakikita sa gawa. Sinabi ni Jesus na hindi ang tumatawag sa kanya ng “Lord, Lord” ang makapapasok sa kanyang kaharian kundi ang gumagawa ng kanyang utos. Mahal natin ang Diyos kung ginagawa natin ang kanyang mga utos. Kaya hindi lang tayo naka-iiwas sa kasamaan sa pagtupad ng batas ng Diyos. Sa paggawa ng kanyang utos minamahal natin siya at napapamahal tayo sa kanya.

Pang-apat, umasa tayo na magagawa natin ang batas ng Diyos. Ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu upang gawin ito. Ito ang isang malaking pagkakaiba ng Bagong Tipan sa Lumang Tipan. Sa Lumang Tipan pinaalam sa atin ang batas. Nakasulat ito sa bato. Sa Bagong Tipan binigyan tayo ng Espiritu Santo at ang kanyang mga utos ay nakasulat na sa ating puso. Ginagabayan tayo ng Espiritu upang ito ay unawain ng wasto at upang ito ay gawin ng tapat. Kaya umasa tayo na magagawa natin ito.

Panglima, kung sakaling magkamali tayo at hindi natin ito nasunod, manalig tayo na handa ang Diyos na magpatawad upang tayo ay makatayo muli at makasimula muli na sumunod sa kanya. Hindi parusa ang nag-aantay sa atin kundi patawad upang makalakad tayo muli sa landas ng katarungan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 24,499 total views

 24,499 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 39,155 total views

 39,155 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 49,270 total views

 49,270 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 58,847 total views

 58,847 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 78,836 total views

 78,836 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,286 total views

 5,286 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,383 total views

 6,383 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,988 total views

 11,988 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,458 total views

 9,458 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,506 total views

 11,506 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,834 total views

 12,834 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,080 total views

 17,080 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,508 total views

 17,508 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,568 total views

 18,568 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,878 total views

 19,878 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,607 total views

 22,607 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,793 total views

 23,793 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,273 total views

 25,273 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,683 total views

 27,683 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,959 total views

 30,959 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top