Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 30,407 total views

Homily February 14 2024
Ash Wednesday
Joel 2:12-18 2 Cor 5:20-6:2 Mt 6:1-6.16-18

Tulad ng sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, bilang pinadala ng Diyos, nanawagan kami sa inyo sa ngalan ni Kristo, makipagkasundo na kayo sa Diyos. Ngayon na ang panahon ng kaligtasan. Tanggapin na ninyo ang kaligtasang inaalok sa inyo.

Iyan po ang panahon ng Kuwaresma na sinisimulan natin ngayong araw. Ito ay panahon ng masidhing pagsisikap na isabuhay ang kaligtasan na tinanggap na natin noong tayo ay bininyagan. Niligtas tayo ni Jesus noong siya ay nagpakasakit, namatay at muling mabuhay para sa atin. Natanggap natin ang kaligtasang ito noong tayo ay bininyagan. Binayaran na ni Jesus ang ating mga kasalanan at binahagi sa atin ang kanyang bagong buhay. Naging mga anak na tayo ng Diyos Ama, tulad ni Jesus. Naging tagapagmana na tayo ng langit. Naging templo na tayo ng Espiritu Santo na nananahan sa atin. Ang mga katotohanang ito ay pinapaalaala uli sa atin, at hinihikayat tayo na isabuhay ang bagong buhay ng mga inililigtas ng Diyos.

Ang paglalagay ng abo sa ating mga noo ngayong araw ay panawagan sa atin ng bagong buhay na mapapasaatin. Huwag huwag tayong malilang ng mundong ito. Lilipas ang buhay na makalaman natin. Mamamatay tayo at babalik tayo sa alabok, pero may bagong buhay na nag-aantay sa atin. Mamuhay na tayo ngayon ayon sa bagong buhay na ito, kaya magsisisi na sa ating mga kasalanan at mamuhay para sa kaharian ng Diyos.

Oo, napatawad na ang kasalanan natin noong tayo ay bininyagan. Pero dala-dala pa rin natin ang bakas ng kasamaan sa ating buhay ngayon at hinahatak pa tayo nito. Huwag tayo magpadala dito. Patuloy natin labanan ang kasamaan sa ating buhay. Talagang ang buhay natin ay isang pakikidigma sa kasamaan. Araw araw nating itong ginagawa at huwag dapat tayong magpabaya. Binigyan naman tayo ng sandata sa labanan na ito. Ito ang tatlong programa ng kuwaresma – iyan ay ang panalangin, ang pagpepenitensiya at ang pagkakawanggawa.

Sa panalangin nakikipag-ugnay tayo sa Diyos. Ito po ay ang balik-handog natin ng panahon. Sikapin natin na mas bigyan ng panahon ang Diyos sa ating personal na panalangin, sa ating pakikiisa sa mga gawain sa simbahan tulad ng pakiisa sa rosary at Bible sharing sa ating mga Kriska o BEC, sa ating personal na pagbabasa ng Bible, sa mga sama-samang pagdarasal sa ating mga pamilya. Mas pinagbibigyan natin ng panahon ang panalangin, may lumalago ang ating pag-ibig sa Diyos at mas mabibiyayaan tayo.

Ang madalas na hadlang sa ating pagdarasal ay ang sariling kagustuhan. Mas gusto natin ang barkada, mas gusto natin ang mag-tik-tok o manuod ng video o TV, mas gusto natin ang matulog. Kaya kailangan ding supilin ang ating sarili. Ito na ang pagpepenitensiya. Kasama dito ang pag-aayuno ngayong araw ng Miyerkules ng Abo at ang hindi pagkain ng Karne tuwing Biyernes. Maaari din tayong gumawa ng pagpigil sa sarili sa iba’t-ibang paraan upang magkaroon ng self-control. Ito ay maaaring pag-control ng pagmumura, supilin ang pagiging magalitin, labanan ang katamaran, bawasan o alisin ang pag-iinum o paninigerilyo. Maraming paraan upang magkaroon tayo ng self-mastery.

Ang bunga ng ating panalangin at penitensiya ay ang pag-ibig sa kapwa na napapakita natin sa ating pagkawanggawa. Kaya ang panahon ng kuwaresma ay panahon ng FAST2FEED. Ang natipid natin dahil sa pag-aayuno ay ibinigigay natin para makakain ng mga nagugutom o hindi sapat na nakakain na mga bata. Kaya mayroon tayong second collection sa araw na ito para sa FAST2FEED. Mayroon din tayong programa ng ALAY KAPWA. May pananagutan tayo sa ating kapwa kaya naglilikom tayo ng pera upang makatulong sa mga nasasalanta ng mga kalamidad. Nagtitipid tayo upang may mai-share tayo sa iba. Pati na ang mahihirap o ang mga bata ay makakasama sa pagtulong sa kapwa. Nandiyan ang PONDO NG PINOY, ang pagtatabi ng maliit na halaga, kahit na piso araw-araw bilang tanda ng pag-ibig sa Diyos at sa kapaw. Hindi ba ito din ang diwa ng ating pagbabalik-handog ng kayamanan? Seriosohin natin na ang ating pagbabalik-handog. Binibigyan tayo ng simbahan ng maraming paraan upang makatulong sa kapwa.

Mga kapatid, sa ating pagdarasal, napapalapit tayo sa Diyos. Sa ating pagpepenitensiya nagkakaroon tayo ng self-control, at sa ating pagkakawanggawa nakakatulong tayo sa kapwa. Ngunit may sinasabi ang Panginoong Jesus sa atin tungkol sa mga ito. Gawin natin ang mga ito, pero gawin natin na hindi nagpapakitang tao. Ginagawa natin ito para sa Diyos, mapansin man ng iba o hindi. Ang Diyos na nakakakita ng mga bagay na ginagawa ng lihim, ay ang gagantimpala sa atin. May gantimpala sa Diyos kasi mabubuti ang mga gawaing ito. Huwag lang sana sirain ang kabutihan ng panalangin, ng pag-aayuno at ng paglilimos ng kayabangan o paghahanap ng pansin sa ibang tao.

Ang kuwaresma ay tatagal ng apatnapong araw. Apatnapo ay panahon ng paghahanda at panahon ng pagpapanibago. Ito ay nagpapakita ng pagtitiyaga. Ang tunay na pagbabago ay hindi natatamo sa panandaliang paraan. Kailangan nito ng panahon upang magka-ugat at maging kaugali. Ang mga Israelita ay dapat maglakbay ng apatnapong taon sa disyerto upang maging bayan ng Diyos pagpasok nila sa lupang ipinangako sa kanilang mga ninuno. Umulan na apatnapong araw at gabi upang mapanibago ang mundo noong panahon ni Noe. Si propeta Elias ay lumakbay ng apatnapong araw papunta sa bundok ng Horeb upang doon ay makatagpo ang Diyos. Si Jesus ay nagdasal at nag-ayuno ng apatnapong araw sa disyerto bago siya magsimula ng kanyang misyon. Kaya taon-taon apatnapong araw tayo dumadaan sa kuwaresma upang sariwain ang ating sarili para makaisa ni Jesus sa kanyang misterio paskal – ang kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay. Upang makaisa ni Jesus sa kanyang muling pagkabuhay dumadaan din tayo sa karanasan ng pagsisikap na mamatay sa sarili at maging generous.

Mga kapatid, pumasok tayo sa panahong ito na may kababaan loob, kaya tumatanggap tayo ng abo sa ating noon, at ng may katatagang loob na ipagpatuloy ang disiplina ng panalangin, penitensiya at kawanggawa sa loob ng apatnapong araw na ito.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 3,708 total views

 3,708 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 13,823 total views

 13,823 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 23,400 total views

 23,400 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,389 total views

 43,389 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 34,493 total views

 34,493 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 3,803 total views

 3,803 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 4,900 total views

 4,900 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 10,505 total views

 10,505 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 7,975 total views

 7,975 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 10,023 total views

 10,023 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 11,351 total views

 11,351 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 15,597 total views

 15,597 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 16,025 total views

 16,025 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 17,085 total views

 17,085 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 18,395 total views

 18,395 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 21,124 total views

 21,124 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 22,310 total views

 22,310 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,790 total views

 23,790 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 26,200 total views

 26,200 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 29,481 total views

 29,481 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top