Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle CORPUS CHRISTI Homily

SHARE THE TRUTH

 885 total views

Archdiocesan Celebration of the Solemnity of Corpus Christi
and Declaration of Sta. Cruz Church as Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament
June 3, 2018

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay napupuno ng kagalakan at pasasalamat sa Diyos siya po ang tumawag sa ating lahat upang magsama-sama sa napakagandang hapon at araw na ito.

Nagpapasalamat din po tayo sa kanya dahil sa biyaya sa ating Archdiocese ng isa na namang Shrine, Archdiocesan Shrine na nakatutok sa Banal na Eukaristiya, ang kamahal-mahalang katawan at dugo ni Hesus – ang Eukaristiya, ang bukal at rurok ng buhay Kristyano.

Kaya po para sa ating mga Blessed Sacrament Fathers and Brothers sa parokya ng Santa Cruz Church at mga deboto ng Mahal na Birhen Del Pillar dito sa Santo Cruz Church, congratulations po sa inyo, congratualations, maligayang bati po.

Nagpapasalamat din po tayo kay Bishop Ronnie Bancud, SSS – Bishop ng Cabanatuan at kay Bishop Bernard Cortes, Obispo po ng Infanta, sila po ay tumawid ng mga ilog at mga bundok para makiisa sa atin sa hapong ito, maraming salamat sa inyo.

Ang pagiging Shrine- Archdiocesan Shrine ay hindi lamang po pagtanggap ng isang titulo lalo na titulo ng karangalan. Ang Shrine ay mayroong misyon para sa buong Archdiocese, misyon para palalimin ang buhay pagsamba at panalangin, misyon na palalimin ang pagtanggap, pakikinig at pagsasabuhay ng salita ng Diyos, misyon na hubugin ang sambayanan bilang tunay na katawan ni Kristo na dumaramay, nakikibahagi sa misyon ni Kristo sa mundo.

Hindi ito titulo at kapag ang isang dambana at parokya hindi nagagawa ang misyon, maaaring bawiin ang titulo, kasi kalimitan nag-uunahan gusto “titulo, titulo, kami shrine shrine…” pagbinisita mo wala namang kaibahan noong hindi pa shrine at naging shrine, bakit pa kinuha ang titulo, wala rin naman pala.

Bawat biyaya, may responsibilidad. Gusto natin biyaya, responsibilidad sa ‘iba nalang yan’, hindi po laging magkasama. Kaya sa ating mga kapatid dito sa parokya ayan na, balikatin ang misyon na kasama sa biyayang ipinagkaloob.

Napakayaman po ng Eukaristiya, lalo na sa mga pagbasang ating narinig. Ibig ko lamang pong bigyan ng pansin ang isa sa paulit-ulit na lumalabas sa mga pagbasa. Ito ay ang Covenant – pakikipagtipan, tipanan Ang Eukaristiya ay sakramento at buhay at misyon ng Covenant o pakikipagtipan.

Tayo pong mga Filipino kilalang kilala sa pagiging deboto sa Eukaristiya at sa misa, nakakalungkot pong aminin sa ibang bahagi nng mundo kakaunti na sumisimba, nakakalungkot po na isinasara ang ibang parokya, simbaha dahil wala na namang dumadating para sa Eukaristiya.

Nakakataba ng puso dahil tayo po dito sa Pilipinas lalo na kung ganitong linggo, ganitong mayroong ipinagdiriwang na kapistahan ang daming misa, lahat puno standing room pa nga birthday nagpapamisa, kasal gusto may misa, libing gusto may misa pwede namang libing na walang misa pero gusto natin may misa, 40th day misa, kukuha ng board exam sunod sunod na misa pati lapis iminimisa, bago ang sapatos isisimba muna.

Parang lahat na ng bahagi ng buhay natin misa, may tatakbo bago pumunta sa COMELEC yung kanilang partido magmimisa, pagkatapos ng simba nila yung kalaban na partido magmimisa din, lahat misa ang gusto.

Nakakatuwa pero kapag lahat tayo misa, misa, misa napapatanong ka, nauunawaan pa ba ang kahulugan ng misa o baka naging kustumbre na lamang, naging elemento na lamang ng kultura.

Social, Cultural pero sakramento ba? Hindi ko sinasabing itigil, sinasabi ko palalimin ang pag-unawa at pagsasabuhay at sa araw na ito tipanan – covenant.

Sabi ni Hesus sa Ebanghelyo “ito ang kalis ng aking dugo, dugo ng bago at walang hanggang tipan” Bago, walang hanggan, ano yung luma na tipan? yun ang nasa unang pagbasa. May tipanan ang Diyos at ang bayang Israel, papaano ito naganap? Sa pamamagitan ni Moises ipinahayag sa bayan ang salita ng Diyos, ang utos ng Diyos tumugon ang bayan lahat ng tinuturo, inuutos ng Diyos tinatanggap namin, nagtipan sa salita.

Tapos po yaan ay ginawaan ng ritwal, nagpapatay si Moises ng mga hayop bulls- turo at sinunog ang laman bilang sakripisyo holocaust at ang usok ay handog sa langit, ang dugo nung hayop kalahati ibinuhos sa altar – ang altar ay symbol ng Diyos, ang kalahati ng dugo iwinisik sa tao. Dugo symbol ng buhay, sa pamamagitan ng dugo ang Diyos at ang bayan nag-iisang buhay, ang tipanan ay pagtatagpo ng buhay kaya sasabihin ng Diyos “ako ang maguiging Diyos ninyo at kayo ang magiging bayan ko”.

Kaya lamang po ang tipanan na luma ay masyadong external – panlabas, parang naiwan sa ritwal, seremonya, kaya nakikita natin maya’t maya nagtataksil ang Israel sa tipanan at kapag nagtaksil gawa na naman ng external sacrifice mag-aalay ng hayop susunugin, ang dugo iaano na naman tapos papalya na naman sa tipanan, offer na naman ng sacrifice puro panglabas, mabuti subalit kulang.

Ano ang ginawa ni Hesus? Ito ang bagong tipan.

Sabi sa ikalawang pagbasa sa sulat sa mga Hebreo “ang pakikipagtipan ni Hesus, hindi sa pamamagitan ng dugo ng kambing, kalapati, tupa, turo kundi sarili niyang dugo” ito ang bagong tipan, hindi buhay at dugo ng iba, ibang nilalang ang gagamitin kundi “narito ako, ako ang makikipagtipan, katawan ko, dugo ko, buhay ko” hindi na ito pamlabas, ito ay tipanan na nangyayari sa isip, puso, pagdaloy ng buhay at ang buong kasaysayan ng isang tao, si Hesus.

“ito ang aking katawan para sa inyo, ito ang aking dugo para sa inyo” kay Hesus naganap ang bago at wala ng pagkabali na tipanan, siya ay tunay na Diyos kaya kay Hesus nakipagtaya ang Diyos sa atin pero si Hesus ay tunay ding tao kaya kay Hesus ang sankatauhan ay nakipagtipan ng lubusan sa Ama bago at pang magpakailanman hindi mababali at tayo po ay inaanyayahan ni Hesus maging bahagi, tayong sumasaksi, tayo na nag-aala-ala sa kanyang pakikipagtipan sana bilang katawan ni Kristo, tayo na katawan ni Kristo ay maging bayan ng pakikipagtipan sa Diyos at sa kapwa.

Mga kapatid ang ating buhay ngayon parang hindi na tipanan ang rule, ang ugnayan natin sa Diyos at sa kapwa ngayon ‘Transaction’, more transaction than covenant kapag transaction alam niyo na yan parang business lang yan edi “magkano yan?” bente pesos, nabigyan na kita ng bente quits tapos na, wala akong utang sa iyo, wala ka ring utang na loob sa akin kasi bente yan, bente ito tapos – transaction.

May ki-kidnapin, magkano ang ransom? 1 million, bayad ka 1 million tapos – transaction.
Mga mag-asawa, pwede ba malaman sino sa inyo ang mag-asawa? (referring to the people attending the mass) wala? Walang may asawa dito? Puro binata at dalaga ang nasa Archdiocesan Shrine, bilib naman ako ha, wow ibig sabihin marami pwede pang magmadre at pari dito.

Ang pag-aasawa hindi transaction, hindi yan kontrata lamang tipanan, ano ang sinasabi doon sa vows of the covenant? “for richer or for poorer” wala akong pinipili na kondisyon, maganda man ang buhay hindi maganda makikipagtipan ako sa iyo. Hindi kung transaction, “basta maganda ang buhay okey tayo eh pumangit na ang buhay dyan ka na” yan ang transaction, “for richer or for poorer” mayaman ka, kaisa mong buhay ako, mahirap ka nandito pa rin ako, yung transaction “eh kaya nga kita pinakasalanan, akala ko mayaman ka eh wala ka rin pala, diyan ka na”.

“In sickness or in health” maganda man ang katatayuan mo nandito ako, may karamdaman ka na, nandito pa rin ako. Tipanan buhay hindi nakabatay sa kung ano ang pakinabang o kaya ang aking perwisyo, hindi hindi nagtutuos.

Nung minsan po sa isang misa pagkatapos ng misa may narinig ako, tinatawag ako “Luis! Luis!” sabi ko aba sino ang tatawag sa akin ng Luis kundi dati kong teacher kasi yung iba naman Chito ang tawag sa akin “Luis!” nung lumingon ako ay dati ko ngang teacher nung first year high school, sabi ko “ma’am buhay ka pa pala” nakakatuwa buhay na buhay. Alam niyo po siya nagsimulang magturo doon sa paaralan na yun at nag-retire doon, hindi trabaho eh tipanan. At ang nagpapatakbo ng ekswelahan hindi rin transaction ang turing sa mga teacher tipanan. Eh ngayon “naku mas mataas ang offer doon sa isang school nay un, additional 2,000, ba-bye” mga ganyanan na ano ho.

Andito yung mga magulang ko, sila nagtrabaho sa iisa lamang lugar, doon nagsimula doon nagretire, kasi naaalaala ko sabi nila yung amo nila maganda ang pakisama sa kanila at sila ay ito ang nagbigay ng pagkakataon sa amin – tipanan.

Minsan pati magkakaibigan hindi mo na alam kung tipanan nga ba o transaksyon, kapag ikaw ay kapakipakinabang pa goodie goodie sayo, kapag ikaw ay parang perwisyo na tapos na ang transaction, ikinahihiya ka na.

Nakakalungkot pati naman po ang mga political parties ganyan, ngayon ito ang kaalyado sa susunod na eleksyon iba na naman, meron pa bang tipanan?Buhay pa ba ang salitang yan?
Buhay sa Eukaristiya at tayong mga deboto sa Eukaristiya, mabuhay ayon sa tipanan.

Ang buhay ng pagliligtas sa atin ng Panginoon ay hindi kontrata, hindi transaction kundi buhay para sa inyo, katawan ko, dugo ko para sa inyo.

Kailangan ng mundo natin ngayon yan, lalo na ngayon na pag sinabi katawan, ang katawan ginagamit na para sa transaksyon, ibinibenta ang katawan, kinukuha ang kidney, liver ibinibenta dahil sa kahirapan mga tao ibibenta, human trafficking, human smuggling, new forms of slavery ang katawan hindi na for covenant, for sale. Ang dugo, buhay hindi na ginagalang bilang katipan kay daling pumatay, kay daling magsaksakan, kay daling magbarilan, nasaan ang tipanan? Ang naiiwan na lang ay pader, bakas ng dugo tipanan ba yan? ]

Mga kapatid sana itong Archdiocesan Shrine of the Body and Blood of Christ may really become for the Archdiocese an Evangelizing Center, a center of spiritual growth towards covenant relationship, pakikipagtipan sa mga dukha, pakikipagtipan sa mga napapabayaan, pakikipagtipan sa mga nagdurusa dahil ang kanilang katawan, buhay at pagkatao ay ginagamit sa transaction sa halip na igalang sa pakikipagtipanan at sana tayo po makibahagi diyan.

Bakit kayo tahimik? Siguro sabi ninyo “ah ganun pala” oh walang bawian muna ng titulo, isabuhay natin ito.

Bilang pagwawakas po, nung bata-bata akong pari may mga offering ano ang daming offering, eh dahil yung parokya ko agricultural ang mga alay yung mga sayote, mga sitaw, mga kape yung hindi yung instant yung coffee beans ganyan, may isang misa may nagbigay ng kahon edi tinanggap ko nilagay ng sakristan sa may altar, ano ba’t habang umaandar yung misa nakita ko yung kahon gumagalaw, sabi ko dun sa sakristan “pakitingnan mo nga ano ba yung kahon na yun”, kinuha niya bumalik “meron pong manok, manok po ang laman buhay na manok, pero meron din luya at sayote” edi Tinola, nag-offer ng Tinola, sabi parang “o bahala na kayong magluto”. Syempre dito wala namang sigurong nag-oofer ng ganun mga ensaymada, mga tikoy marami diyan, hindi ko po sinasabing huwag ninyong, huwag na kayong mag-alay kay Fr. Rudsend ng hopia, tikoy pero katulad ni Hesus hindi siya kumuha ng pampalit ng iaalay, ang inialay niya ang kanyang sarili.

Mabuti po pero madali na bumili ng iaalay pero sa Eukaristiya hindi bumili si Hesus ng tupa siya ang kordero ng Diyos, ito ang aking katawan, ito ang aking dugo tayo po ang hinihingi na katipan ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 27,844 total views

 27,844 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 58,983 total views

 58,983 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 64,568 total views

 64,568 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 70,084 total views

 70,084 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 81,205 total views

 81,205 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Manalangin at magkawanggawa, paanyaya ngayong Kwaresma

 3,976 total views

 3,976 total views Umaasa ang opisyal ng Vatican na maging daang paggunita ng Kwaresma upang higit pang mamulat ang bawat isa sa kalagayan ng mga nangangailangan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Luis Antonio Tagle – pro Prefect Dicastery for Evangelization sa misang ginanap sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma. Paliwanag ng Cardinal,

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

1st Misa de Gallo His Excellency Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila at Manila Cathedral

 772 total views

 772 total views Homily 1st Misa de Gallo His Excellency Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Dec.16, 2019 Manila Cathedral Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpuri at magpasalamat sa Diyos sumapit na naman ang simbang gabi at tayo po ay tinipon niya. Alalahanin po natin ang mga kapatid natin lalo na

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Homily of His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle New Year’s Eve Mass at Manila Cathedral

 757 total views

 757 total views HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle New Year’s Eve Mass @ Manila Cathedral December 31, 2018 Mga minamahal na Kapatid sa Panginoong Hesukristo, Tayo po ay nagpapasalamat sa Diyos siya po ang tumawag sa bawat isa sa atin para lumabas ng ating mga bahay, tahanan pumarito at maging bahagi ng

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle PCNE Thanksgiving Mass

 751 total views

 751 total views HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle PCNE Thanksgiving Mass @ Arzobispado Chapel, Arzobispado Manila -August 28, 2018 My dear brothers and sisters, we thank God for bringing us together in this Eucharistic celebration though every Eucharist is a thanksgiving. It is the supreme hearts of attitude and thanksgiving at this

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle Homily – Opening Activity Global Week of Action 2018

 719 total views

 719 total views HOMILY His Eminence Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Opening Activity – Global Week of Action 2018 (GWA18) @ Minor Basilica of San Lorenzo Ruiz, Binondo, Manila June 17, 2018 First of all we give thanks to God for bringing us together as one family, as one community of faith and I would

Read More »
Cardinal Homily
Reyn Letran - Ibañez

Communion, Participation at Mission, instrumento ng God’s miracle

 806 total views

 806 total views Ito ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang dapat matutunan at manahan sa bawat isa upang maging instrumento ng Panginoon sa kanyang mga milagro tulad na lamang ng naging buhay ni St. Anthony of Padua. Sa kapistahan ni St. Anthony of Padua sa Bustillos, Sampaloc, Manila, inihalimbawa ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top