Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 428 total views

3rd Sunday of Ordinary Time Cycle A

Is 8:23-9:3 1 Cor 1:10-13.17 Mt 4:12-23

Si Jesus ay isinilang sa Bethlehem sa probinsiya ng Judea at siya ay lumaki sa Nazareth sa probinsiya ng Galilea. Walang espesyal na nakatatawag ng pansin sa buhay ni Jesus sa Nazareth. Lumaki siya tulad ng isang ordinaryong bata sa pangangalaga ng kanyang mga magulang kasama ng kanyang mga kamag-anak. Natuto siyang maging isang karpentero sa kanyang amang si San Jose. Noong mamatay si San Jose siya na ang nagtaguyod sa kanyang pamilya ng mahabang panahon. Huwag tayong maniwala sa mga kuru-kuro na siya ay pumunta sa Tsina o sa Egipto o sa iba pang pook. Ito ay mga kuru-kuro at walang ebidensya.

Noong dumating si Juan Bautista at nagsimula nang manawagan ng pagsisisi sa may Ilog Jordan, isa si Jesus sa maraming tao na pumunta kay Juan at nagpabinyag din siya kahit na nag-aalinlangan si Juan na gawin ito kasi siya dapat ang binyagan ni Jesus. Nakumbinsi ni Jesus na gawin na lang ang nakatakda na. Sa pagbibinyag kay Jesus nagpatotoo ang Espiritu Santo at ang Diyos Ama tungkol sa kanya. Mula noon iniwan na ni Jesus ang Nazareth at nagsimula sa siya ng kanyang pagmimisyon lalo na noong mabalitaan niya na si Juan ay pinabilanggo ni Herodes. Ang pagbasa natin ngayon ay nagbibigay ng background ng ministry ni Jesus.

Siya ay kumilos sa baybayin ng Lawa ng Galilea sa teritoryo ng mga tribu ng Zabulon at Naphtali. Tinupad niya ang sinabi ni Propeta Isaias mga pitong daang taon na ang nakaraan. Ang mga lugar na ito ay nasa laylayan ng teritoryo ng Israel. They are in the uppermost north of Canaan. Ang karatig na mga pook nila ay mga lugar na ng mga Hentil kaya malakas na ang influensiya ng mga hindi Judio sa kanila. Sila ay itinuturing na nasa kadiliman, kasi parang hindi na puro ang kanilang pananampalatayang Hudyo. Sa lugar ng Zabulon at Naphtali lumabas ang liwanag at magiging masaya uli ang mga tao roon tulad ng pagsasaya sa panahon ng anihan o sa panahon ng pagsamsam nila sa mga kaaway. Naging masaya sila kasi dito kumilos si Jesus. Dito unang naranasan ng mga tao ang kanyang mga aral at mga himala. Dito sa Galilea dumayo ang mga tao upang makita at mapakinggan si Jesus. Ang naging headquarters ni Jesus ay ang Capernaum at hindi na ang Nazareth.

Hindi tulad ni Juan Bautista na siya ay nanatili lang sa isang lugar na malapit sa Ilog Jordan, si Jesus ay naglalakbay sa iba’t-ibang bayan ng Galilea. Nagpapahayag siya ng Magandang Balita na masa-summarize natin na: “Malapit nang maghari ang Diyos kaya magsisisi na kayo at talikdan ang inyong mga kasalanan.” Hindi lang si Jesus nangaral, naghanap din siya at nagtawag ng magiging kasama niya. Ayaw ni Jesus na mag-isa siya sa kanyang misyon. Kailangan niya ng kasama upang maipagpatuloy ang kanyang misyon at lumawak ito. Pero kailangan muna niyang hubugin ang mga magpapatuloy ng gawain niya, kaya kailangan silang makipamuhay na kasama niya.

Sa kanyang paglalakbay sa baybayin ng lawa tinawag niya ang dalawang magkapatid, si Simon at si Andres at si Santiago at si Juan. Sila’y mga mangingisda. Maaari na ang mga ito ay paminsan-minsan nang nakikinig sa kanya at kilala na sila ni Jesus. Ngayon hiningi na ni Jesus na sila ay maging committed sa kanya. Iba na ang magiging gawain niya. Iba na ang huhulihin nila – hindi na isda kundi mga tao. Generous naman ang dalawang pares na magkapatid. Iniwan nila ang trabaho nila, ang kanilang mga gamit at pati ang pamilya nila at sumunod at nakipamuhay kay Jesus. Kaya sila ang nakasaksi sa mga gawain ni Jesus at sa mga aral niya.

Sa mga pangyayaring ito maaari tayong makakuha ng mga aral kung paano dapat tayo kikilos sa simbahan na nagpapatuloy ng misyon ni Jesus. Una, si Jesus ay hindi kumilos sa gitna ng kanyang sociedad. Hindi siya pumunta at nanatili sa Jerusalem, ang capital city o sa Judea man lang kung saan matatagpuan ang mga wagas o tunay na mga Hudyo. Pinili niya na ang pagkikilusan niya ay ang tabi-tabi ng kanyang bayan. Kung sa atin pa hindi siya kumilos sa Maynila o sa Cebu o sa Davao. Nandoon siya sa Samar, o sa Mountain Province, o sa Palawan. Pangalawa, hindi tumigil si Jesus sa isang lugar at nag-antay lang sa mga tao na lumapit sa kanya. Pinupuntahan niya ang mga tao. He moves from place to place. Pangatlo, hindi si Jesus na kumikilos na mag-isa. Kung sa bagay kaya niyang gawin ito kasi Diyos naman siya at siguro mas madali sa kanya na magsolo na lang. Sa kanyang pagtawag ng mga kasama kailangan pa niyang hubugin sila. Minsan nga medyo nainip siya sa katigasan ng ulo nila at sa kakulangan ng kanilang pananampalataya.
Pero hindi, ang pagsama-sama at pagkakaisa ay mahalaga sa ating pagiging Kristiyano.

Sa ating ikalawang pagbasa narinig natin na pinagalitan ni Pablo ang mga Kristiano sa Corinto dahil sa nalaman niya na nagpapangkat-pangkat sila. Sa halip na magkaisa, nagkakampihan sila sa mga leaders na dumating sa kanila. Sabi ng ilan na sila ay kay Apollos, sabi naman ng iba kay Pablo, o kay Pedro, o kay Jesus mismo. Kaya ang pakiusap niya sa kanila ay magkaisa sila sa pananalita, isipa’t layunin upang mawala sa kanila ang pagkakabaha-bahagi. Kaya ang simbahan ay hindi lang isang tao o isang grupo. Ito ay Katoliko, na nangangahulugan na pangkalahatan. It is always a challenge to work with others, much more with all. Pero ito ang paraan ni Jesus.

Pang-apat na katangian ng pagmimisyon ni Jesus: Siya ay nagtatawag at humuhubog ng magiging mga leaders sa grupo niya. Upang maging leaders kailangan na hubugin sila sa pamamagitan ng kanilang pagsasama sa kanya. Hindi lang sapat na malaman ang mga aral ni Jesus, kailangan ang relationship sa kanya upang makuha ang kanyang diwa at ang kanyang pananaw; upang mahubog sila sa pag-ibig sa Ama at pag-ibig sa kanya.

At ano ang mensahe ni Jesus? Walang iba kundi ang paghahari ng Diyos. Ito ay ang kalagayan na ang Diyos ang masusunod. Darating na ang Diyos. Nandito na nga. Sundin natin siya. At magagawa lamang natin ito kung tayo ay magsisisi. Bitiwan na natin ang ating sariling pananaw at kaugalian upang matanggap ang kalooban ng Diyos.

Suriin po natin ang ating pagiging simbahan at ang ating pagkilos sa simbahan. Ito ba ay naayon sa ginawa ni Jesus, na tayo ay hindi nanatili sa isang lugar kundi tayo ay kumikilos at inaabot ang mga nasa laylayan, na tayo ay kumilos ng sama-sama, na tayo ay nag-aanyaya ng mga maging kamanggagawa natin sa gawain ng Diyos, na hinuhubog natin ang mga leaders, na ang mensahe natin ay walang iba kundi ang kalooban ng Diyos? Ito ang Magandang Balita. Dumating na ang nagpapahiwatig, nagpapaalam at nagsasabuhay ng kalooban ng Diyos, at iyan ay si Jesukristo. Binigay na niya sa atin ang kanyang Espiritu upang magawa natin ang ginawa niya. Tularan natin siya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 5,818 total views

 5,818 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 12,151 total views

 12,151 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 16,765 total views

 16,765 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 18,326 total views

 18,326 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 34,226 total views

 34,226 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 1,881 total views

 1,881 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 2,984 total views

 2,984 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 8,589 total views

 8,589 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 6,059 total views

 6,059 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 8,107 total views

 8,107 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 9,435 total views

 9,435 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 13,681 total views

 13,681 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 14,109 total views

 14,109 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 15,169 total views

 15,169 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 16,479 total views

 16,479 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 19,208 total views

 19,208 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 20,394 total views

 20,394 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 21,874 total views

 21,874 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 24,284 total views

 24,284 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 27,568 total views

 27,568 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top