Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 6,522 total views

4th Sunday of Ordinary Time Cycle B
Sunday of the Word of God
National Bible Sunday
Deut 18:15-20 1 Cor 7:32-35 Mk 1:21-28

I-dineklara ni Papa Francisco na ang bawat ika-tatlong Linggo ng Enero ay ang Sunday of the Word of God sa buong mundo. Pero dahil sa ang ikatlong Linggo ng Enero ay Kapistahan ng Santo Nino dito sa Pilipinas, ginagawa natin ang Sunday of the Word of God sa ika-apat na Linggo, na dito sa Pilipinas naman ay National Bible Sunday. Kaya magkatugma na ngayong Linggo ay Linggo ng Salita ng Diyos at Pambansang Linggo ng Bibliya.

Mahalaga ang Salita ng Diyos. Ang lahat ay nilikha sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Nagsalita ang Diyos, ang nagkaroon. Si Jesus ay naparito upang ipahayag ang Salita ng Diyos na siyang Magandang Balita ng ating kaligtasan. Si Jesus mismo ay ang Salita ng Diyos na nagkatawang tao. Sinabi ni Jesus na kung mahal natin siya, sinusunod natin ang kanyang Salita.

Ang Diyos ay nagsasalita sa maraming paraan – sa kalikasan, sa mga taong pinapadala niya, sa ating konsensya, sa ating karanasan, kung tayo ay nagdarasal, at may iba pang paraan. Ngunit ang isang katangi-tanging paraan na natatagpuan natin ang Salita ng Diyos ay sa Bibliya. Binabasa, pinapakinggan natin at pinag-aaralan ang Bibliya kasi dito matatagpuan natin ang Salita ng Diyos. Iba ang Bibliya sa ibang mga aklat. Mayroong maraming magagandang aklat pero ang Bibliya ay talagang maaasahan natin kasi ito ay galing sa Diyos. Sinulat ito ng mga tao na kinasihan ng Espiritu Santo. Ito ay sinulat ni Pablo, ni Lukas, ni Isaias, ni Baruk at ng marami pang mga tao na ginamit ng Diyos. Ang nakasulat dito ay ang salita nila at ang salita ng Diyos. Kaya nga ito ay 100% human at 100% divine. Kaya hinihikayat tayong pag-aralan at panampalatayaan ito upang ito ay maunawaan. Pag-aralan – tulad ng pinag-aaralan natin ang mga sinulat ng mga dakilang authors tulad ni Balagtas at ni Dr. Jose Rizal. Panampalatayaan – kasi ito ay galing sa Diyos at pinaniniwalaan natin ang sinasabi niya. Ang layunin ng Bible ay walang iba kundi ang kaligtasan sa pamamagitan ni Jesukristo.

Noong nagsalita ang Diyos sa mga Israelita doon sa bundok ng Horeb – nagulat at natakot sila. Makapangyarihan ang salita ng Diyos. Sinamahan ito ng kulog, kidlat at apoy. Nasindak ang mga tao kaya sinabi nila kay Moises na pakiusapan ang Diyos na huwag nang direktang magsalita sa kanila. Magpadala na lang ng iba na magsalita sa kanila. Ganoon nga ang pangako ng Diyos. Magpapadala siya ng isang propeta na tulad ni Moises na magsasalita sa kanila at magpaliwanag ng dapat nilang gawin. Matagal na inabangan ng mga tao ang propetang ito na tulad ni Moises. Marami na ring pinadala na mga propeta. Magagaling sila pero hindi tulad ni Moises.

Noong dumating si Jesus natagpuan ng mga tao ang katuparan ng pangakong propeta na tulad ni Moises. Hindi lang nga. Mas magaling at mas makapangyarihan pa kaysa kay Moises. Iyan ay si Jesus.
Narinig natin sa ating ebanghelyo na hangang-hanga ang mga tao kay Jesus. Nagtuturo siya sa kanila na parang isang may kapangyarihan, hindi tulad ng mga eskriba o mga guro nila. Maaaring ang kapangyarihan niya ay galing sa lawak at lalim ng kanyang itinuturo. May dating ang kanyang sinasabi kasi ito ay galing sa kanyang karanasan at malalim na pagkakilala sa Diyos. Mas lalong humanga sila at nanggilalas pa nga noong sa pamamagitan ng kanyang salita pinalayas niya ang demonyo at pinagaling ang isang tao. Talagang makapangyarihan ang kanyang salita. Pati na ang demonyo ay napag-uutusan niya. Talagang si Jesus na ang nagmana ng galing at kapangyarihan ng Salita ng Diyos na unang naranasan ng mga tao kay Moises.
Ang mga salita at gawa ni Jesus ay siyang nababasa natin sa Bibliya. Si Jesus nga ang susi at sentro ng buong Bibliya. Kaya kung tatanggapin natin ang Salita ng Diyos, tinatanggap natin si Jesus. Sinabi niya na siya ay ang daan, ang buhay at ang katotohanan. Siya ang daan patungo sa katotohanan na nagdadala ng buhay. Ano ang gagawin natin upang matahak natin ang landas na ito, ang daan na si Jesus?

Una po, basahin natin ng palagi ang bibliya, lalo na ang mga ebanghelyo na naglalaman ng mga gawa at aral ni Jesus. Basahin natin ito na nagdarasal. Sa totoo lang, kapag binabasa natin ang Bibliya ng nagsisikap na ito ay maintindihan, tayo ay nagdarasal na. Nakikinig na tayo sa sasabihin ng Diyos. Kung tayo ay may pagkakataon, pag-aralan natin ang Bibliya. Marami na ngayong mga libro at mga on-line na mga materials na nagpapaliwanag ng Bibliya o ng mga bahagi ng bibliya na mahirap maintindihan. Naging mahirap unawain ang Bible kasi sinulat ito ng matagal na – ilang libong taon na, sa ibang lenguahe, at sa kultura na kakaiba kaysa atin. Naging mahirap din kasi hindi tayo familiar sa mga pananalita na ginagamit dito at sa mga kwento na makikita doon. Kaya sa matiyagang pagsisikap at sa palagiang pagbabasa masasanay na rin tayo sa lenguahe ng Bible at madadalian na rin tayong unawain ito.

Hindi sana tayo magkulang sa pagsisikap na maintindihan ang Bible. Ayaw ba natin na maintindihan ang Diyos? Siya ang nagbibigay ng liwanag sa atin. Ang kanyang salita ang nagpapasigla sa ating buhay. Makakaiwas tayo sa maraming gulo kung sinusunod natin ang Salita ng Diyos.

Magkakaroon po tayo ng second collection ngayon araw para po sa pagsuporta ng mga programa na magpapalalim sa pag-unawa ng Bibliya. Sa ibang mga lugar, wala pa ngang Bibles ang mga tao. Kailangan din mabigyan siya ng Bible. Kailangan din natin suportahan ang mga nagbibigay ng bible study o ng katesismo, kasi ang tinuturo sa katesismo ay walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Sa ating pagko-contribute, at least sa material na bagay, nakakatulong din tayo na palaganapin ang Salita ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagbabalik ng pork barrel?

 4,495 total views

 4,494 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 10,294 total views

 10,293 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 28,853 total views

 28,852 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »

Sss Premium Hike

 42,084 total views

 42,084 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »

3 Planetary Crisis

 48,225 total views

 48,224 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 12, 2025

 1,814 total views

 1,814 total views Feast of the Baptism of the Lord Cycle C Is 40:1-5.9-11 Ti 2:11-14;3:4-7 Lk 3:15-16.21-22 Ang pagbibinyag sa ating Panginoong Jesus ay nagpapaalaala sa atin ng ating binyag, ngunit hindi magkapareho ang ating binyag sa kanyang binyag. Ang pagbibinyag na ginagawa ni Juan Bautista sa mga tao noong panahon niya ay tanda ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 5, 2025

 1,921 total views

 1,921 total views Solemnity of the Epiphany of the Lord Pro Nigritis (African Mission) Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12 Isang katangi-tanging tanda ng pasko ay ang parol, lalo na ang parol na may liwanag. Ito ang decoration na inilalagay natin para sa pasko. Bakit parol? Bakit parol na maliwanag? Ang kapistahan natin ngayon ang sasagot

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 1, 2025

 6,040 total views

 6,040 total views Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Num 6:22-27 Gal 4:4-7 Lk 2:16-21 Happy New Year sa inyong lahat! Ngayon ay ang ika-walong araw pagkatapos ng Pasko. Ayon sa kaugalian ng mga Hudyo, sa ika-walong araw pagkasilang ng isang anak na lalaki, siya ay tutuliin. Ito ay isang tanda na siya ay Hudyo

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily Simbang Gabi December 22 2024

 5,353 total views

 5,353 total views 4th Sunday of Advent Mic 5:1-4 Heb 10:5-10 Lk 1:39-45 Ngayon na ang huling Linggo sa apat na Linggo ng Adbiyento. Nakasindi na ang lahat ng kandila sa ating Corona ng Adbiyento. Dumadating na ang bukang liwayway at sa ilang sandali na lang, darating na ang liwanag ng kaligtasan. Sinabi na sa atin

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 15, 2024

 7,408 total views

 7,408 total views 3rd Sunday of Advent Cycle C Gaudete Sunday Zeph 3:14-18 Phil 4:4-7 Lk 3:10-18 “Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion. Sumigaw ka, Israel. Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem.” Iyan ang pahayag ni propeta Sofonias. Ang salitang Lungsod ng Sion at Lungsod ng Jerusalem ay iisa lang ang kahulugan. Ang Sion

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 8, 2024

 13,331 total views

 13,331 total views 2nd Sunday of Advent Cycle C Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6 Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 1, 2024

 16,741 total views

 16,741 total views 1st Sunday of Advent Cycle C World Day for People with Disabilities National AIDS Sunday Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36 December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 24, 2024

 19,376 total views

 19,376 total views Solemnity of our Lord Jesus, King of the Universe Dan 7:13-14 Rev 1:5-8 Jn 18:33-37 Ngayon na ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, December 1, magsisimula na tayo ng bagong taon sa taon ng simbahan na tinatawag nating Liturgical Year. Ang Huling Linggo ay nagpapaalaala sa atin ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 17, 2024

 17,891 total views

 17,891 total views 33rd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of the Poor Dan 12:1-3 Heb 10:11-14.18 Mk 13:24-32 Darating ang malalaking pagbabago sa mundo. Iyan ang nararamdaman natin at iyan ang pinaparamdam sa atin ng ilang mga scholars at ng ilang mga politiko. Nararanasan natin ang climate change. Umiinit ang panahon. Tumitindi ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 10, 2024

 20,131 total views

 20,131 total views 32nd Sunday of Ordinary time Cycle B 1 Kgs 17:10-16 Heb 9:24-28 Mk 12:38-44 Kapag pinag-uusapan ngayon ang kahirapan, sino ba ang naiisip natin na mahirap? Siguro naiisip natin ang mga batang lansangan, ang mga may kapansanan na nakatira sa squatter areas o ang mga katutubo sa gubat. Sila iyong kawawa. Sa panahon

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 17,358 total views

 17,358 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 18,455 total views

 18,455 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 24,060 total views

 24,060 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 21,530 total views

 21,530 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 23,576 total views

 23,576 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top