Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily January 3, 2021 | Feast of the Epiphany Year B Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12

SHARE THE TRUTH

 180 total views

Merry Christmas. We are still in the Christmas season. The child is born for us. Dumating nga ang Diyos sa atin. Ang tanong: para kanino siya dumating? Para sa kanyang pamilya lang, ang angkan ni David? Para lang ba siya sa mga Hudyo, the chosen people of God? Para lang ba siya sa mga taong mabait? O sa mga Kristiyano lang? Ang kapistahan natin ngayong araw ang sasagot sa tanong na ito.
 
Traditionally we call this the Feast of the Three Kings. This is inaccurate. Hindi naman po mga hari ang bumisita kay Jesus. Sinasabi sa atin na sila ay mga pantas, mga astrologers, mga mag-aaral ng mga bituin na galing sa silangan. Saan sa silangan hindi nga natin alam. Sabi ng iba sa Arabia daw, o sa Ethiopia, o sa Persia o sa India. Sa totoo lang, hindi talaga natin alam. But the east is usually connected with wisdom in ancient Israel. Ni hindi man sinasabi na sila ay tatlo. Alam natin na sila ay may dalang tatlong regalo, so traditionally we have supposed that each of them carried a gift, but they could be two with three gifts or even five with three gifts. So to call this the feast of the Three Kings is not accurate. Besides it does not give the real meaning of the feast. So the ancient name of the Feast of the Epiphany of the Lord is more appropriate. Epiphany means manifestation or appearance. Ito iyong kapistahan ng Pagpapakita o Pagpapakilala ng Panginoon.
 
May tatlong pagpapakilala si Jesus. Pagpapakilala sa kanyang mga alagad. Iyan iyong paggawa niya ng unang milagro niya sa kasalan sa Cana. Nakita ng kanyang Ina at ng kanyang mga alagad ang kanyang kaluwalhatian sa himalang ito. Nakilala siya sa mga Hudyo noong bininyagan siya ni Juan Bautista sa ilog Jordan. Bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyo ng kalapati at may boses mula sa langit na nagsasabi na siya ang kinalulugdang anak ng Ama. At ngayong araw ang pagkilala sa kanya ng mga pantas na galing sa Silangan sa pamamagitan ng tala.
Ang tanong natin kanina: Para kanino dumating si Jesus? Sa kapistahang ito sinasabi sa atin na siya ay dumating para sa lahat ng mga tao. Ang lahat ng lahi ay represented ng mga pantas. Ang mga ito ay hindi mga Hudyo. Iba ang paniniwala nila pero kinilala nila si Jesus na hari ng mga Hudyo.
 
Iyan din ang sinabi ni Propeta Isaias sa ating unang pagbasa. Dumating na ang liwanag. “Darkness covers the earth, and thick clouds covers the earth; but upon you the Lord shines, and over you appears his glory. Nations shall walk in your light.” Kikilalanin siya ng lahat. Dadalhin sa kanya ang kayamanan ng mga bansa. Natupad ang mga salitang ito pagdating ng mga pantas mula sa malalayong lugar na may dala-dalang mga regalo. Ang mga regalo nila ay nagpapahiwatig ng kanilang pagkilala sa sanggol na ito: ginto, sapagkat siya ay hari; kamanyang, sapagkat siya ay Diyos; mira sapagkat siya ay mag-aalay ng sarili niya bilang sakripisyo.
 
Itong universality of salvation ay siya rin ang mensahe ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Kinilala ni Pablo na binigyan siya ng katangi-tanging misyon. Siya ay katiwala ng Diyos upang ipaabot sa mga gentil, sa mga hindi Hudyo, na sila rin ay magmamana ng mga pangako ng Diyos para sa kanyang bayan. Sila rin ay kasama sa katawan ni Kristo at makikinabang sa mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Jesukristo. Salvation is for all peoples.
 
Ito ay isang magandang balita. Ang biyaya ng Diyos ay para sa lahat, kaya si Jesus ay dumating para sa lahat. Pero, ang magandang balitang ito ay isang malaking hamon sa ating panahon ngayon na dahil sa maraming problema at sa kasakiman, malaki ang tukso na magkakanya-kanya na lang tayo. Para sa atin lang ang biyaya. Maliwanag itong nangyayari ngayon sa agawan – talagang agawan – sa vaccine. Ang mga mayayamang bansa ay gustong sila lang muna ang mabakunahan kasi sila ang may pera, kasi sila ang may technology na nakatuklas ng vaccine. Pati na dito sa ating bayan, may mga tao nang nagpalusot na unang mabakunahan kahit hindi pa iaaaprobahan ng gobyerno. Mga tao ng gobyerno pa ang lumalabag sa proseso na takda ng gobyerno. Each one for himself. And the government does nothing about it. Hindi, ang kaligtasan ay para sa lahat. Kailan tayo matututo na kung hindi maliligtas ang lahat hindi maliligtas ang bawat isa?
 
Oo, ang sanggol ay isinilang para sa lahat. Pero sino ang nakatagpo sa kanya? Iyong mahihirap at iyong naghahanap sa kanya. God went out of his way, he sent his angels, to announce the birth of the child to the shepherds, mga mahihirap na tao na kahit na sa kadiliman ng gabi ay nagtatrabaho. Sila ang unang binalitaan. At dahil sa sila ay naniwala, pinuntahan nila ang sabsaban at nakita ang sanggol. Really the good news is preached to the poor. Ito rin ang ginawa ni Jesus noong siya ay nagpahayag. Umikot siya sa mga mahihirap, mga may sakit, mga makasalanan at pinadama sa kanila ang pagkalinga ng Diyos. Kaya nga ang simbahan ay may option for the poor. We give preferential love for the poor. Hindi iyan nangyayari sa usapin ng vaccine ngayon. Inuuna ang may pera at makapangyarihan.
 
Natatagpuan din ang Diyos ng mga taong naghahanap sa kanya. Nakita siya ng mga pantas kahit na sila ay galing sa malalayong lugar. Maaaring mga dalawang taon sila naghahanap sa sanggol. Iyan ang kwento nila kay Herodes kaya noong hindi na sila bumalik sa kanya, pinapatay ng hari ang mga sanggol sa Bethlehem at sa paligid nito na nasa dalawang taon gulang pababa. Malayo ang kanilang pinanggalingan at matagal nilang hinanap pero natagpuan nila. Totoo ang sabi ni Jesus: Seek and you shall find.
 
Pero si Herodes at ang mga dalubhasa sa batas sa Jerusalem ay hindi nila natagpuan ang bata. Ang Bethlehem ay malapit lang sa Jerusalem – mga 10 kilometro lang. Alam nila kung saan ipanganganak ang bata – matatagpuan ito sa Banal na Kasulatan. Kaya noong tinanong ni Herodes ang mga experts sa Bible, kaagad natukoy nila. Pero hindi sila interested na puntahan ang bata. We will meet the savior not because we know but because we go out of our way to meet him. Pumunta ang Diyos sa kanyang bayan at hindi siya natagpuan, hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. Mga dayuhan pa ang nagpahalaga sa kanya.
 
Ngayong taon 2021 ang paksa natin ay Missio ad Gentes – misyon sa mga hindi pa Kristiyano. Ito po ay pastoral priority natin sa simbahan dahil sa ito ang huling habilin ni Jesus bago siya umakyat ng langit, na humayo tayo sa buong mundo, ipahayag ang mabuting balita, at gawing alagad ni Jesus ang lahat. Si Jesus ay dumating para sa lahat. Marami pa ang nag-aantay ng mabuting balita. Tayong biniyayaan na makilala si Jesus ay may tungkuling ipakilala siya sa iba. Kaya nga ang tagline natin ay gifted to give. We are gifted with the faith in order that we may give the faith. But this is true not only with the faith but with all the good things that we have received. Ano mang biyaya na natanggap natin sa Diyos ay hindi lang para sa atin. Ito rin ay para sa iba. Ang ating kayamanan, ari-arian, talino, oportunidad – ang mga ito ay pinasasalamat natin at ang mga ito ay sinisikap nating ibahagi sa iba. We become channels of God’s goodness to others. This is the challenge of our catholicity. We are called to be more universal in our outlook and in our generosity because God has come not only for a particular group but for all. Kaya nga ang symbol ng epiphany ay ang liwang ng bituin. Ito ay nakikita ng lahat. Ito ay para sa lahat. Ngunit ang makikinabang sa liwanag na ito ay aalis sa kanilang kinaroronan, aalis sa kanilang status quo, upang hanapin ang kaligtasan na itinuturo ng liwanag.
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 23,631 total views

 23,631 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 38,287 total views

 38,287 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 48,402 total views

 48,402 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 57,979 total views

 57,979 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 77,968 total views

 77,968 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,237 total views

 5,237 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,334 total views

 6,334 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,939 total views

 11,939 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,409 total views

 9,409 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,457 total views

 11,457 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,785 total views

 12,785 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,031 total views

 17,031 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,459 total views

 17,459 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,519 total views

 18,519 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,829 total views

 19,829 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,558 total views

 22,558 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,744 total views

 23,744 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,224 total views

 25,224 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,634 total views

 27,634 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,910 total views

 30,910 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top