Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 528 total views

Solemnity of the Epiphany of the Lord & Pro Nigritis Sunday

Is 60:1-6 Eph 3:2-3 Mt 1:1-12

Isinilang na ang bata. Ang ina niya ay si Maria at si Jose ang tumayo na tatay niya. Siya ay naging tao dahil sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ang pangalan niya ay Jesus sapagkat siya ay magliligtas. Sino ang ililigtas niya? Para kanino siya dumating? Ito ang sinasagot ng ating kapistahan ngayon – ang kapistahan ng pagpapakita ng Panginoon, ang kapistahan ng Epifania.

Noon, kinaugaliang tinatawag itong Feast of the Three Kings, pero ito ay hindi gaanong angkop. Ang dumalaw kay Jesus ay hindi mga hari kundi mga pantas – mga mag-aaral ng mga bituin na noon ay tinatawag na mga Mago kung saan nanggaling sa ating salitang magi at magic. Hindi naman sinasabi na sila ay tatlo pero alam natin na may tatlong regalo silang dala. Maaari sila’y dalawa o lima ngunit may tatlong regalo. Ang pangalan na ibinigay sa kanila – si Melchor, Gaspar at Baltazar – ay hindi naman nakasulat sa Bibliya.

It came from later traditions. Alam natin na hindi sila mga Hudyo. Galing sila sa Silangan, sa labas ng teritoryo ng mga Hudyo. Hindi nga nila alam ang Bibliya. Dahil sa kanilang pag-aaral ng mga bituin nalaman nila na may isang espesyal na pangyayari para sa mga Hudyo. Sinundan nila ang bagong bituin na kanilang nakita at sa pamamagitan nito natagpuan nila ang batang isinilang na hari ng mga Hudyo. Nagpakita sa kanila ang hari sa anyo ng isang sanggol at nakilala nila ito. Ang mga pantas ay kumakatawan sa mga hindi Hudyo – mga gentil. Kaya para kanino ang batang isinilang? Para sa lahat ng mga tao, hindi lang sa mga Hudyo. Walang dayuhan sa Diyos.

Sa ating ikalawang pagbasa sinabi ni Pablo na ipinagkatiwala sa kanya ang tungkulin na ipahayag ang lihim na panukala. Matagal na ito pero nakatago lamang. Ngayon ipinapahayag na ang lihim na ito. Ano ang lihim? Na ngayon ang Mabuting Balita ay para na sa lahat, hindi lang para sa mga Hudyo. Ang bendisyon ng Diyos na ipinakita kay Abraham, kay Moises, kay David, ay para pala sa lahat.

Tayong lahat ay bumubuo ng isang katawan at kahati sa mga pangako ng Diyos dahil kay Kristo Jesus. Ang pangalan ng bata ay Jesus, ang manliligtas ng lahat ng tao. Si Jesus ay para sa lahat. Hindi ba ito ay magandang balita lalo na sa mga tao na akala nila hindi sila kasama dahil sa iba ang kulay ng kanilang balat, dahil sa iba ang kanilang ugali o pananalita, dahil sa nakatira sila sa malalayong pook?

Kaya nga, fast forward, bago si Jesus umakyat sa langit, ang huling habilin niya sa mga alagad ay humayo sila sa buong mundo at gawing alagad niya ang lahat ng tao, binyagan sila at turuan sila ng lahat ng mga katuruan niya. Kaya nga ngayong Linggo sa buong mundo mayroon tayong second collection na ipadadala natin sa simbahan sa kontinente ng Africa, isang simbahan na mahirap at kung saan ang mga tao ay may malaking pananalig sa Diyos pero hinahatak ng maraming masasamang fuerza.

Malakas ang pagkilos ng ilang mga muslim doon na sumasalakay, kinikidnap at pinapatay ang mga Kristiyano, kasama ang mga pari at madre. Doon din sa Africa marami ay nadadala ng kanilang native primitive religions. Dahil sa kanilang kahirapan marami din ay nahihila ng materialismo. Kaya tutulungan natin ngayong linggo ang simbahan sa Africa.

May dalawa pang pangyayari sa buhay ni Jesus na kaugnay sa kapistahan ngayon. Iyan ay ang pagbibinyag kay Jesus at ang unang himala niya na ginawa sa Cana ng Galilea. Sa pagbibinyag kay Jesus sa ilog Jordan pinakilala si Jesus ni Juan Bautista sa mga Hudyo na siya ang tinutukoy niya na darating na itinalaga ng Diyos para sa ating kaligtasan. Doon naman sa Cana ng Galilea nakita ng mga alagad ni Jesus ang kanyang kadakilaan sa pamamagitan ng himala ng tubig na naging alak.

Ito ay bahagi ng pagpapakita ni Jesus kung sino siya. Sa pagdalaw ng mga pantas nakita si Jesus ng lahat ng mga bansa, sa pagbibinyag kay Jesus sa ilog Jordan nakita siya ng mga Hudyo, at sa himala ni Jesus sa Cana nakita ng mga alagad ang kanyang kaluwalhatian.

Ang anak ng Diyos ay naging tao upang ipahayag niya ang kanyang sarili. Siya ay nagpapakilala. Hindi siya naglilihim. Matatagpuan siya – pero matatagpuan lamang siya ng mga taong naghahanap sa kanya. Kaya natagpuan siya ng mga pantas. Ang ginamit nila ay ang kanilang kaalaman, ang kanilang science para makita siya. Mag-aaral sila ng mga bituin. Ang kaalaman nila sa bituin ang ginamit ng Diyos upang dalhin sila kay Jesus. Pero hindi nagtapos sa kaalaman lamang. Umalis sila, lumakbay sila. Malayo at matagal ang paglalakbay nila. Maaring galing pa sila sa Africa o sa Saudi Arabia. Maaring naglakbay sila ng dalawang taon sa disyerto para kilalanin at sambahin ang hari ng mga Hudyo.

Si Herodes at ang mga mag-aaral ng Bibliya sa Jerusalem ay hindi nakatagpo sa bata kasi hindi naman sila interesado na makita ito, o kung gusto man makita, ay patayin ito dahil sa takot nilang magiging hadlang siya sa kanila. Hindi sila naghahanap ng kaligtasan. Kontento na sila sa takbo ng buhay nila. Ayaw na nilang magbago. Alam nila kung nasaan ang bata – doon sa Bethlehem. Nakalagay na ito sa Banal na Kasulatan: “Ikaw Bethlehem sa lupain ng Juda…. Sa iyo lilitaw ang isang pinuno na mamamahala sa aking bayang Israel.” At ang Bethlehem ay hindi naman gaano kalayo sa Jerusalem – mga sampung kilometro lamang. Isang oras na lakad lang iyan. Alam nila pero hindi sila umalis sa kinaroroon nila kaya hindi niya natagpuan ang manliligtas.

Kaya inaanyayahan tayo ng kapistahang ito na hanapin ang kaligtasan at ito ay matatagpuan natin. Hindi hahayaan ng Diyos na maligaw o malinlang o masawi ang naghahanap sa kanya. Pero kapag nakita natin siya dapat handa tayong kilalanin siya. Ang pagkilala ng mga pantas sa bata ay pinakita nila sa mga regalo sa dala nila. Siya ay hari, kaya binigyan nila siya ng ginto. Siya ay Diyos kaya nag-alay sila ng kamanyang na ginagamit sa pagsamba. Siya ay magdurusa para sa atin, kaya may mira silang dala. Ang mira ay ginagamit para pahupain ang sakit sa katawan.

Natagpuan na ba natin ang inaantay nating darating? Natagpuan ba natin si Jesus ngayong pasko? Kung hinahanap natin siya at kumilos tayo upang matagpuan natin siya, maaring na-encounter natin siya. Ano ang binibigay natin sa kanya bilang regalo? Ano ang Balik-Handog natin sa kanya? Ang balik handog din natin ay ang pagkilala natin kung sino ang Diyos sa buhay natin – na siya ang may-ari ng lahat at tayo ay mga katiwala lamang niya. Kaya nag-aalay tayo sa kanya ng panahon para magdasal at sumamba, ng serbisyo at ng pera para sa pangangailangan ng simbahan at ng kapwa.

Dumating na ang kaligtasan. Siya ay si Jesus. Siya ay para sa lahat. Tanggapin natin siya. Mag-alay tayo sa kanya.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 25,647 total views

 25,647 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,303 total views

 40,303 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 50,418 total views

 50,418 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 59,995 total views

 59,995 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,984 total views

 79,984 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,362 total views

 5,362 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,459 total views

 6,459 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,064 total views

 12,064 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,534 total views

 9,534 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,582 total views

 11,582 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,910 total views

 12,910 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,156 total views

 17,156 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,584 total views

 17,584 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,644 total views

 18,644 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,954 total views

 19,954 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,683 total views

 22,683 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,869 total views

 23,869 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,349 total views

 25,349 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,759 total views

 27,759 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,035 total views

 31,035 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top