Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 298 total views

16th Sunday of Ordinary Time Cycle A

World Day of the Grandparents and the Elderly

Wis 12:13.16-19 Rom 8:26-27 Mt 13:24-43

Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y makapangyarihan kaya siya dapat ang masusunod. Madali siyang magparusa sa kumokontra sa kanya. Kinatatakutan siya kasi madali siyang magalit at magparusa. Magtaas lang siya ng boses o tumingin lang ng masama, natutunaw na ang mga nasa ilalim niya.

Iba ang Diyos. Sinabi sa aklat ng Karunungan na ating binasa na walang hanggan ang kapangyarihan ng Diyos. Hindi siya mananagot kanino man. Maaari siyang magparusa at magalit at walang siyang pananagutan. Oo, makapangyarihan siya pero siya ay mahabagin. Namamahala siya ng buong hinahon at pagtitimpi. Maari siyang magparusa agad, pero nagbibigay siya ng pagkakataon na magsisi ang nagkakasala. Hindi niya ginagamit ang kapangyarihan niya upang mag down ng iba. Para sa atin, nakikita natin ito na kahinaan. Gusto na natin ipadama kaagad ang kamalian ng iba. Madaling sumiklab ang galit natin kasi makapangyarihan tayo.

Nakita natin ito sa talinhaga ni Jesus tungkol sa sama-samang paglago ng mabuting binhi at ng damo. Ang damo ay hindi galing sa may ari ng bukid na ang Panginoon. Ito ay kagagawan ng kaaway. Gusto na agad na bunutin ang damo ng mga alipin ng may-ari. Ayaw nilang magsama ang mabuti at ang masama. Hindi iyan pinayagan ng may-ari. Ang kanyang dahilan: baka kapag binunot ang damo, mabunot din ang mabuting tanim. Pero kung titingnan natin na ang bukirin ng Panginoon ay ang mundo at ang mga tanim at mga damo ay mga tao, may iba pang dahilan ang may-ari sa hindi pagbunot sa masasama. Baka naman magbago pa ang masasamang tao. Ang pagpapasensya ng Diyos ay pagkakataon sa atin na magbago tayo. Hinahabaan pa niya ang kanyang pisi para maligtas tayo. Hindi ito tanda ng kahinaan o kapabayaan, kundi ng pag-ibig. May isa pang dahilan. Ang presensiya ng masama ay nakakatulong din sa mabuti na maging matatag. Oo, maaaring mainfluensiyahan ng masama ang mabuti, pero maaari ding mas naging malakas ang mabuti kaya hindi siya nadadala ng masama.

Pero hindi dahil sa mapagpasensya ang Diyos na siya ay pabaya, na ok lang sa kanya kung tayo ay masama o mabait. Hindi! Mananagot din tayo. Dadating ang wakas ng panahon at ang wakas ng ating buhay. Sa panahong iyon, aanihin ang mga matuwid at dadalhin sa kaharian ng Ama. Ang mga masama ay parurusahan. At wala na silang maidadahilan. Binigyan sila ng lahat ng pagkakataon.

Hindi lang tayo binibigyan ng panahon. Binibgiyan din tayo ng lakas upang makapagbago. Bago si Jesus umakyat sa langit, sinabi niya sa mga alagad niya na aalis siya ngunit hindi niya sila iiwanang ulila. Magpapadala siya sa kanila ng isa pang katulong – at iyan ay ang Espiritu Santo na magpapaalaala sa kanila ng lahat ng sinabi niya at bibigyan sila ng lakas na gawin ang iniuutos niya. Ito rin ang sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Nandiyan ang Espiritu ng Diyos na tumutulong sa ating sa ating kahinaan. Gusto naman nating magdasal, pero madalas hindi natin alam paano magdasal at ano ang dadasalin. Tumawag tayo sa Espiritu Santo at hayaan natin siyang magdasal sa atin. Sumunod lang tayo sa kanya.

Noong kami ay mga bata pa, naala-ala ko na ginabayan kami ng aming nanay paano at ano ang ipagdadasal. Sumusunod lang kami sa kanya habang ipinagdarasal niya ang mga pinsan namin, ang mga tita namin, ang trabaho ng aming tatay. Ganoon din ang ginagawa ng Espiritu Santo. Tumahimik lang tayo at banggitin natin ang anumang nararamdaman natin sa ating puso. Iyan na ang Banal na Espiritu na nagdadasal sa atin. Tandaan natin na kung gusto nating magdasal, mas lalong gusto ng Diyos na pakinggan ang ating dasal kahit na pabulol-bulol pa. Hindi ba ganyan ang mga magulang? Buo ang kanilang attention sa pakikinig sa ibig sabihin ng anak na nagsisikap na magsalita sa kanila? Natutuwa ang Diyos sa bawat effort at bawat hakbang natin na lumapit at makipag-usap sa kanya.

Ang makapangyarihang Diyos ay hindi malupit. Siya ay mahinahon. Mapagpasensya siya. Binibigyan niya tayo ng lahat ng pagkakataon na lumapit sa kanya.

Nasusubukan ang ating pagpapasensya ng mga mahihinang tao, hindi lang ng mga bata pero pati na rin ng mga matatanda. Madaling magalit sa kanila kasi wala naman silang laban sa atin. Mahina sila. Hindi sana ito mangyari sa ating pakikitunga matatanda na mahihina. Ngayon ay ikatlong taon ng ating pag-alaala sa mga matatanda natin, sa ating mga lolo at lola sa World Day for Grandparents and the Elderly. Ito ay ginagawa sa pinakamalapit na Linggo sa kapistahan ni Santa Ana at San Joaquin sa July 26. Sila ang mga magulang ni Mama Mary, ang mga lolo at lola ni Jesus.

Sa ating panahon ngayon mas dumadami ang mga lolo at lola. Ito ay dahil na rin sa pag-unlad ng medicina at ng nutrition. Humahaba ang buhay ng tao. Dapat magsaya tayo na nandiyan pa ang mga matatanda natin, pero hindi ito ang pananaw ng marami. Naiinis sila sa matatanda. Makulit na. Minsan ay ulyanin pa. Hindi na nakakatulong sa hanap buhay at mariklamo pa. Nagiging gastos pa sa bahay. Pero huwag lang natin tingnan ang matatanda sa pananaw ng economiya o ng gastos. Tayo ay tatanda din. At hindi lang! Marami din silang naitutulong na karunungan sa buhay na hindi nakukuha sa anumang aklat kundi sa karanasan nila sa buhay. Nakakahugot din tayo sa kanila ng lakas at pag-asa sa kanilang mga kwento ng mga dinaanan nila sa buhay. Madaling mawalan ng pasensya kasi tayo na ang malakas at sila ang mahihina. Pero tandaan natin na noong maliliit pa tayo, marami din pasensya ang ibinuhos nila sa atin. Sa ating pakikipag-usap sa matatanda, nakikita na mas malawak ang buhay kaysa karanasan natin ngayon. Nakabibigay sila ng mahahalagang pananaw na baka nakakalimutan na natin dahil sa mabilis na takbo ng buhay ngayon.

Kung wala na ang mga lolo at lola huwag naman natin silang kalimutan na sa ating buhay. Paminsan-minsan alalahanin natin sila, ipagdasal natin sila at ikuwento natin sila sa mga susunod na henerasyon. Nananatili silang bahagi ng ating buhay at madalas sila ang nagturo sa atin tungkol sa Diyos at paano manalig sa kanya. Ang pananampalataya nila ay nagbibigay sigla sa ating pananalig sa Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 41,161 total views

 41,161 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 52,236 total views

 52,236 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 58,569 total views

 58,569 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 63,183 total views

 63,183 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 64,744 total views

 64,744 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 3,353 total views

 3,353 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 4,451 total views

 4,451 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 10,056 total views

 10,056 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 7,526 total views

 7,526 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 9,574 total views

 9,574 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 10,902 total views

 10,902 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 15,148 total views

 15,148 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 15,576 total views

 15,576 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 16,636 total views

 16,636 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 17,946 total views

 17,946 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 20,675 total views

 20,675 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 21,861 total views

 21,861 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,341 total views

 23,341 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 25,751 total views

 25,751 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 29,033 total views

 29,033 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top