Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 17,152 total views

17th Sunday of Ordinary Time Cycle B
World Day of Grandparents and the Elderly
Fil-Mission Sunday

2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15

Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong pinapatapos, ang tanong ay magkano pa ba ang kailangan natin? Kailangan pa natin ng 50 million pesos! 50 million pesos? Saan tayo kukuha niyan? Bahala na lang sila diyan, hindi natin kaya iyan. At hindi na tayo nakikialam sa project.

Ito ang nangyari sa mga alagad noong tinanong sila ni Jesus paano nila mapapakain ang limang libong mga tao. Limang libo? Kaagad nag-calculate si Felipe, kahit na dalawang daang araw na sahod ay hindi sasapat diyan. Kung ang sahod ngayon ay 500 pesos sa isang araw, dalawang daang araw na trabaho ay 100,000 pesos. Hindi sasapat ang 100,000 pesos upang pagkainin ang madlang ito. Pauwiin na lang sila. Bahala na lang silang maghanap ng kanya-kanyang pagkain. Iyan din ang madalas nating iniisip. Bahala na ang bawat isa. Huwag na nating sagutin sila. Pero iba si Jesus. Ang utos niya ay pakainin natin sila. Kung magkakanya-kanya sila, kawawa ang nasa malalayong lugar, kawawa ang mahihina, kawawa ang walang kakilala.

May isang batang nakarinig sa pag-uusap ni Jesus at ng mga alagad. Sa kanyang kasimplihan, inalok niya kay Andres ang mayroon siya – limang tinapay at dalawang isda. Dinala naman siya ni Andres kay Jesus, pero sabi ni Andres: Balewala naman ito sa ganyan karaming mga tao. Binabalewala natin ang kakaunti.

Iba si Jesus. Pinahalagahan niya ang kakaunti. Tinanggap niya ito at ipinasalamat pa niya sa Diyos Ama. Kakaunti lang, pinagpirapiraso pa at ibinahagi sa mga tao. Para sa atin dahil sa kakaunti lang, tinatago na lang natin o kaya sinasarili na lang natin. Ibinahagi ni Jesus ang kakaunti! Nagkasya ito sa lahat. Nabusog silang lahat. Pinaipon pa ni Jesus ang sobra para hindi masayang, at may labing dalawang basket pang naipon. Madalas, dahil sa kakaunti, hindi na natin ibinabahagi; dahil sa marami naman, pinababayaan naman natin na masayang. Iba talaga si Jesus. Ibinabahagi niya ang kakaunti at iniipon niya ang maraming sobra.

Para kay Jesus ang solusyon sa malaking problema o malaking project ay generosity, hindi pera. Maging mapagbigay, tulad ng ginawa ng bata. Ibinigay niya ang mayroon siya at iyan ang ginamit ni Jesus upang mapakain ang lahat. Sa kamay ng Diyos may milagrong mangyayari, pero kailangan niya ang ating generosity upang makagawa siya ang milagro.
Iyan din ang nangyari noong panahon ni propeta Eliseo na narinig natin sa ating unang pagbasa. Mayroong higit na isang daang propeta na kasa-kasama ni Eliseo. Mayroon siyang brotherhood o community of prophets. May nag-alay ng dalawampung tinapay. Ipinahati ito ni Eliseo at pinamigay sa kanyang mga kasama. Nakakain at nabusog ang lahat at marami pang sumobra. Talagang kumikilos ang Diyos. Hindi siya nagpapabaya. Huwag nating tingnan kung ito ay sapat o hindi. Basta naibigay ang lahat ng buong generosity, ang Diyos na ang sasagot sa iba. Pinapansin ng Diyos ang kakaunti at ito ay pinapahalagahan niya.

Hindi ba nangyari din ito sa babaeng balo na nag-alay ng dalawang kusing para sa templo? Napansin ito ni Jesus at tinawag ni Jesus ang pansin ng kanyang mga alagad sa balong ito. Higit pa ang kanyang binigay kasi ang marami tao doon ay nagbibigay mula sa kanilang extra na pera, siya ibinigay niya ang lahat. Siguradong may gantimpala siya sa Diyos. Kahit na nga ang isang basong malamig na tubig na ibinigay sa alagad ng Diyos ay makakatanggap ng nararapat na gantimpala.

Dito sa atin sa Pilipinas may ganitong milagro na nangyayari. Ito ay ang Pondo ng Pinoy na ngayon ay nasa ika- dalawampung taong anibersaryo na. Nagsimula ito sa pagbibigay ng 25 centimos lang, at ngayon ay isang piso na kasi mahirap nang makakita ng 25 centimos. Maliit lang ang isang piso. Wala ka ng mabibili dito. Ibigay mo ito sa isang bata na humihingi ng pera at iiyak ito kasi ano naman ang mabibili niya ng one peso. Pero dahil sa patak-patak ng maliliit na pera, sa loob ng 20 years nakalikom na ang Pondo ng Pinoy ng more than 500 million pesos. Nakapagpatayo ito ng mga bahay sa Pasay City, nakapagpakain ng libu-libong mga bata sa ating FAST TO FEED program, nagkapagpaaral ng maraming scholars, at ngayong taon, mga 10 scholars ng ating bikaryato ang napopondohan ng Pondo ng Pinoy. Kapag dumating ang bagyo, nakakatulong din ito sa mga parokyang nasalanta. Patuloy ang milagro ng pagpaparami ng kakaunti. Ang kakaunti sa kamay ng Diyos ay nakakatugon sa maraming problema. Basta lang maging generous tayo. Hindi gaano tinitingnan ng Diyos ang halaga ng ating binibigay. Ang tiningnan niya ay ang pusong lubos na nagbibigay.
Binibigyan natin ng diin ang pagiging mabuting katiwala. Nagiging mabuting katiwala tayo ng mga handog ng Diyos sa ating pagbabalik handog. Mula sa ating natatanggap, nagbabalik tayo sa Diyos ng ating panahon, ng ating talento at ng ating yaman. Kahit na kaunti ang ating nababalik handog, ito ay napapahalagahan ng Diyos at nakakatulong sa marami. Pinaparami niya ang ating binibigay sa kanyang kamay.

Ngayong Linggo ay Linggo ng mga Lolo, ng mga Lola at ng mga Matatanda. Pahalagahan natin sila. Tulungan natin sila. Hindi na sila maliksi tulad natin. Maaaring mahina na sila at ulyanin pa, pero ang pagmamahal natin sa kanila ay kinikilala ng Diyos. Batiin at ipagdasal natin sila.

Ngayon din ay Fil-Mission Sunday. Inaalaala natin at sinusuportahan ang mga misyonerong Pilipino. Ang Pilipinas ay nagpapadala na rin ng mga missionaries. May second collection tayo ngayong Linggo bilang tulong sa kanila. Huwag nating ipagkait kahit na ang maliliit na maitutulong natin sa mga kababayan nating mga misyonero. Sa ating maliliit na maiaambag nakakatulong tayo sa pagpapalaganap ng Magandang Balita na ginagawa ng ating mga Misyonerong Pilipino.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 1,382 total views

 1,382 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 51,945 total views

 51,945 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 1,173 total views

 1,173 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 57,127 total views

 57,127 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 37,322 total views

 37,322 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 1,253 total views

 1,253 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 2,317 total views

 2,317 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 3,627 total views

 3,627 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 6,357 total views

 6,357 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 7,542 total views

 7,542 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 9,022 total views

 9,022 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 11,433 total views

 11,433 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 14,718 total views

 14,718 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 19,012 total views

 19,012 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 21,322 total views

 21,322 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 27,449 total views

 27,449 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 25,578 total views

 25,578 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 27,861 total views

 27,861 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 30,767 total views

 30,767 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 31,698 total views

 31,698 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top